PANDORA
Hindi mapigilang ngumiti ni Pandora tuwing naalala ang nangyaring insidente sa Arena. Matapos ang ilang taong pagkakahiwalay at pangungulila, nagkaroon na muli siya ng tyansa upang makausap ang nakababatang kapatid. Hindi man 'yon maituturing na opisyal, o gaya ng inaasahan niya, sapat na ang interaksyon nila upang mabuhay muli ang natutulog niyang puso.
"Lucinda..." bulalas niya at kinuha ang picture frame. Niyakap niya ito sa kaniyang dibdib at napapikit nang mariin dahil sa ubod ng saya. Subalit, agad ding nabura ang mga ngiting 'yon nang biglang tumunog muli ang kaniyang telepono. Yakap-yakap pa rin ang picture frame, sinagot niya ang tawag.
"Lufian!" nanggigil ang tono na narinig ni Pandora sa kabilang linya. Napakunot siya ng noo.
"What do you want, Lydia?" seryosong tanong ni Pandora. Nakarinig pa siya ng ilang kaluskos sa kabilang linya na para bang nahulog na mga metal at saka tumugon ang kausap.
"Pilit mong nilalayo sa akin ang anak ko, tapos ngayon, malalaman ko na pinahihirapan mo lang siya?"
"Marize Monteverde is not your daughter!" bulyaw ni Pandora. "She's just one of your pitiful experiments--"
"Shut up, Lufian. She's important to me."
"Oh, really?" Nakataas na kilay na sambit ni Pandora. "I think I heard the same thing before, and look where it took me."
"You did it this time, Lufian. I will not only destroy you and your academy, but I will also go after your beloved."
"Lydia..." banggit ni Pandora sa pangalan ng nakatatandang kapatid. "Matagal mo nang sinira lahat ng meron ako. Ano pang makukuha mo sa akin bukod sa paaralang 'to?"
Tumawa ang kausap ni Pandora sa kabilang linya at sandali siyang kinilabutan sa ideyang pumasok sa isipan niya.
"We both know that your only weakness is our youngest sister."
"Matagal nang wala si Lucinda," gigil na sambit ni Pandora.
"Lies. Lies. Lies." Nang-aasar ang tono ni Lydia. "She's alive, Lufian, and I will do anything to lay my hands on her and return her to my laboratory. You can also come too, so we can have our sweet sisters reunion."
Hindi pa nakasagot si Pandora nang biglang ibaba ni Lydia ang tawag. Marahas na binalik ni Pandora ang telepono sa lagayan nito at napakagat sa ibabang labi.
"How did she know?" Inangat ni Pandora ang kaniyang paningin nang may biglang maalala. "Gemini...that traitor!"
Bumaba siya sa kaniyang basement at pinuntahan ang bangkay ni Gemini na nakalatag sa may metal na higaan. Kinuha ni Pandora ang kaniyang scalpel at mabusising hinati ang mga damit nito. Nanlaki ang pula niyang mga mata nang makita ang papel na nasa loob ng damit nito. Kinuha niya iyon at tinapat sa mukha niya.
Lingid sa kaalaman ni Pandora, may isa pang papel na nakatago sa damit ni Gemini na hindi niya nakita.
"DNA test?" singhap niya pagkabuklat ng papel na kaniyang nakuha. Nanginig ang mga kamay niya at nabitawan agad 'yon dahil sa nabasa. Napasandal siya sa pader para suportahan ang kaniyang sarili at napahimas siya ng kaniyang noo.
"What is this?"
Hindi maipaliwanag ni Pandora ang pagkalito sa sitwasyon na kinahaharap. Siguradong-sigurado na siya na ang hinahanap niyang kapatid at si Asel Jules Carson ay iisa, dahil sa mga nalaman niya noong nagpanggap siya bilang si Marize Monteverde. Sapat na ang mga nakita niya upang magsilbing ebidensya na natagpuan niya na ang nakababatang kapatid.
BINABASA MO ANG
Pandora's Academy: Blood & Splendor
ActionWhen Jules, , a troubled child who brought many to death's door, is accepted into a prestigious academy, her family believes it's her last chance at redemption. However, when she's forced to kill on her first day, Jules realizes a terrifying truth:...