PANDORA
"Detective Smith, ano nang balita?"
"I'm still gathering more information about the Academy, Inspector. Give me more time at malapit na akong makakuha ng lead kung sino ba talaga si Pandora."
"Copy, Detective Smith."
Pinadulas ni Pandora ang daliri niya sa bunganga ng kaniyang baso habang nakatingin sa malayo at nakikinig sa usapan na nagmumula sa kaniyang radyo. Maya-maya lang ay inangat niya ang kaniyang baso tungo sa kaniyang bibig at ininom na ang alak na laman no'n. Tanging ang tunog lamang ng kaniyang paglagok ang naririnig sa buong opisina.
"There's a mole..." usal niya at lumingon sa mga litratong ala-spider web ang ayos na nakasampay sa kaniyang pader. Mula sa salamin na nasa sulok ng kwarto, isang babaeng may mahabang itim na buhok, balat na kasing puti ng bigas, at pulang mga mata ang iginuhit ng repleksyon. Ngumisi ang babae at saka tumayo sa kaniyang upuan. Inayos niya ang kaniyang pencil skirt at ang pagkakabutones ng kaniyang blazer, dahilan para mas makita pa ang pagkakakurba ng balingkinitan niyang katawan. Sinuot niya ang isang magarang sombrero at kinuha ang payong na nasa kaniyang tabi.
Lumabas siya ng kaniyang opisina at isinagawa ang kaniyang pakay.
***
"No!" Isang palahaw ang maririnig sa kalagitnaan ng gabi sa may kagubatan. Nagmumula 'yon sa isang babaeng gumagapang sa putikan habang walang tigil na umiiyak. Putol ang kaniyang isang paa at masaganang umaagos ang dugo roon. Malakas din ang pagbuhos ng ulan kaya mas lalo lang bumibigat ang kaniyang katawan.
"Rosella Freya Smith," usal ng isang boses sa dilim. "Alam mo ba ang pinakaayaw ko sa lahat?"
Ungol lamang ang sinagot ng babae habang patuloy pa ring gumagapang papalayo. Umalingawngaw na naman ang kaniyang sigaw nang tumarak sa kaniyang kabilang paa ang isang mahabang patalim.
"I'm sorry!" pagmamakaawa niya. "Wala akong sasabihin sa mga nakatataas! Pakiusap, pakawalan mo ako!"
"Nagiging matalino na ang mga awtoridad ngayon at nakalusot ka sa seguridad ng eskwelahang ito," sambit muli ng boses. "I'm sorry but I show no mercy towards those people who endanger the life of my students."
"Aah!" sigaw ng babae nang may bumaong patalim na naman sa kaniyang hita at inikot-ikot pa 'yon, dahilan para mas lumuwa pa ang kaniyang laman. Unti-unti ring tinaas ng may hawak ng samu't-saring linya sa kaniyang balat.
"Tama na! Pakiusap!"
Napunta sa wala ang palahaw ng babae nang ipinagpatuloy pa rin ng may hawak ng patalim ang ginagawa niya. Nangininig ang kaniyang buong katawan sa halo-halong sakit at lamig dulot ng ulan. Sa pagbaba ng kidlat mula sa kalangitan ay siya ring paghugot ng huling hininga ng babae.
Nanataling nakatayo ang may hawak ng patalim at tinititigan lamang ang kaniyang biktima. Gumuhit ang isang ngisi sa labi niya at lalong nagliwanag ang pulang mga mata sa dilim.
"What a lovely night," sambit niya at ibinalik na ang patalim sa itsurang payong na lalagyanan nito. Inayos niya ang pagkakasuot ng kaniyang sombrero, hindi alintana ang pagbuhos ng ulan at ang paghalo ng putik at dugo sa kaniyang sapatos. Pinihhit niya ang kaniyang paa at bumalik na sa kaniyang opisina.
***
ASEL JULES CARSON
"You done?" I heard Catherine knocked on the door. "Tara na, gutom na gutom na talaga ako!"
"Yeah, just a few minutes," tugon ko habang tinitignan ang sarili ko sa salamin. Marize went home last night with our uniforms and surprisingly, this Academy gives you the option to choose what type of uniform you'll wear, women or men's uniform, and since I'm not comfortable wearing skirts, I chose the men's instead. Maganda itong patakaran ng school na ito na malayang magkaroon ng gender expression ang bawat estudyante at hindi nagsti-stick sa norms. Well, hindi naman kasi isang normal na eskwelahan 'tong napasukan ko, kaya siguro dapat masanay na ako sa mga ganito.
BINABASA MO ANG
Pandora's Academy: Blood & Splendor
ActionWhen Jules, , a troubled child who brought many to death's door, is accepted into a prestigious academy, her family believes it's her last chance at redemption. However, when she's forced to kill on her first day, Jules realizes a terrifying truth:...