Pandora 22: Kiyuena

411 36 2
                                    

LEO

Hindi makapag-isip nang tuwid si Leo habang hinahatid si Jules pabalik sa Academy. Marami siyang hinala kung bakit ganoon na lamang kalaki para kay Pandora ang malaman na nakakapagbasa ang kaniyang apprentice ng laman ng scroll na 'yon, subalit alam niya sa sarili niya na wala namang sasabihin ang amo niya tungkol dito.

"Leo, alam kong hindi naging maganda ang lagay natin nitong mga nakaraang linggo magmula nung nangyari sa una kong misyon, pero gusto ko lang din sabihin na malaki ang naitulong mo sa akin. I want to say this as our goodbye. I entered this Academy as my old, naïve, and unstable self, but under your training, I think it's now easier for me to adapt in this environment thanks to your guidance."

Nagising sa reyalidad si Leo nang marinig ang mensahe sa kaniya ni Jules. Tila nawala ang ulap ng mga tanong na bumabalot sa kaniyang isipan at piniling pakinggan pa ang mga sasabihin ng kaniyang apprentice.

"Hindi mo alam kung gaano kalaki ang epekto sa akin ng kinahinatnan namin ni Creed, pero alam ko na kumpara noon, mas magaan na ang pakiramdam ko ngayon. Maraming salamat sa lahat."

Hindi agad nakasagot si Leo sa pagkabigla. Dahil inakala ni Jules na walang epekto ang mga sinabi niya sa master nito, mas pinili niya nalang tumalikod at hatakin ang bagahe. Subalit, ilang hakbang pa lamang ang nagagawa niya nang biglang tumugon si Leo gamit ang pabirong tono.

"I think that's the longest speech I have heard from you." Nawala agad ang ngiti sa mga labi ni Leo. "I saw you, Jules."

Panandaliang nagulat si Jules, ngunit madali niya ring napakalma ang sarili. "I see."

"Jules...I..." Hindi mahanap ni Leo ang mga tamang salita. Gusto niya mang sabihin kay Jules lahat ng mga nalalaman niya, wala siyang sapat na ebidensya kung may katotohanan ang mga iyon. Maniniwala nga ba sa kaniya si Jules kung sabihin niya na--

"Look, I understand if you think I'm a freak. Don't need to sugarcoat the words."

"That's not what I meant," agarang sagot ni Leo nang iba ang pagkakaintindi ni Jules sa kaniyang mga inaakto. "Walang mata si Pandora sa tinirhan natin nang ilang buwan, Jules. 'Yong nakita kong nakikipag-usap ka sa sarili mo? Hindi niya 'yon alam. But I reported that you are able to read the content of the scroll, and if what I'm thinking is true, then..."

Gustong sabihin ni Leo ang halong pagkagulat at pagtataka niya nang makita si Jules na kinakausap ang sarili. Sa madaling sandaling 'yon, kita niya ang pabago-bagong emosyon ng mukha nito, na para bang nag-iiba rin ang katauhan niya habang nasa gitna ng pag-uusap. Hindi man nagawa ni Leo makalapit agad upang marinig ang mga sinasabi ni Jules, sapat na ang nadatnan niya.

Narinig niya ang pinangalan ni Jules sa kinakausap nito sa kaniyang isipan.

Lucy.

Hindi man maalala ni Leo kung saan niya ito narinig, malakas ang kutob niya na pamilyar ang pangalan 'yon.

"Then, what?" pagtatanong ni Jules nang hindi na natuloy ni Leo ang kaniyang sinasabi.

Napabuntong hininga si Leo at tinitigan nang diretso si Jules sa kaniyang mga mata. "It's only a hunch, but now that you're the only one who can read the scroll, Pandora may take interest in you. I don't really know who you are or what connection do you have with Pandora—"

"I don't have anything to do with Pandora," singhal agad ni Jules.

Napatigil si Leo at napatitig lang. Naroroon na naman ang pakiramdam na gusto niyang sabihin kay Jules lahat ng kaniyang pangamba at mga tanong, subalit pinigilan niya ang sarili niya at umiling.

Pandora's Academy: Blood & SplendorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon