Pandora 19: The Test

444 41 6
                                    

ASEL JULES CARSON

"What the hell?"

Hindi ko mapigilang mapamura nang biglang hawakan ni Marize ang magkabilang pisngi ko. Titig na titig siya sa akin sa gitna ng kadiliman, na para bang kinikilatis ako. Nagsalubong ang mga kilay ko at tinulak siya papalayo.

There's something off about her. I can't wrap my head around it, but her stares are different.

"Lucinda?" rinig kong usal pa niya. Nanlaki ang mga mata ko sa narinig.

She saw my tattoo, my cursed eyes, and now she knew about Lucy?

"Get out," usal ko at inangat ang tingin ko. Pinanlakihan ko siya ng aking mga mata at hindi na naiwasan pang bumulyaw sa kaniya. "Get the fuck out of here, Marize!"

Nakita ko siyang napakurap at sinunod din naman agad ang sinabi ko. Saka lamang yata bumalik ang hininga ko nang marinig ang pagsara ng pinto ko. Tila nawalan ako ng lakas at napaupo na lamang sa kama. Napahawak ako sa mukha ko at napatitig sa may sahig.

"Shit, shit , shit..." I threw my head high and brushed my fingers through my hair out of frustration. "This isn't happening."

Napapikit ako nang mariin. "Lucy? Are you there?"

Sa saktong pagmulat ko, nakita ko na ang pigura ni Lucy na nakatayo muli sa harapan ko. Pinatong ko ang dalawang braso ko sa mga hita ko at napabuga ng hangin. Inangat ko ang tingin ko at sinalubong ang pula niyang mga mata.

"What do you think should I do in this kind of situation?"

I saw her shrugged her shoulders. "I don't know. Poison her?"

"And where can I get a poison--" Napatigil ako nang may maalala. "Catherine!"

Tumango-tango naman si Lucy sa naisip ko kaya nagpunta agad ako ng banyo at sinuot muna ang contact lens ko. Pagkatapos ay lumabas na ako ng kwarto ko. Hinanap ko kaagad ang pinto na may marka ni Catherine at kinatok ang pinto niya.

"Damn it, tulog na tulog?" singhal ko nang makailang katok na ako pero wala pa ring sumasagot sa akin. Sinubukan ko namang pihitin ang seradura at ganoon na lamang ang gulat ko nang biglang nagbukas ang pinto ng kwarto niya. Luminga muna ako sa paligid bago ako pumasok sa loob ng kwarto niya at sinigurong naka-lock 'yon. Kahit madilim, aninag ko si Catherine na mahimbing ang pagkakatulog dahil sa sinag na buwan na nanggagaling sa bintana. Dahan-dahan naman akong pumunta sa may mga gamit niya at nagsimula nang maghanap.

"It must be somewhere around here..." bulong ko.. Habang binubuksan lahat ng drawers niya, naramdaman ko siyang gumalaw kaya agad ko siyang tinignan at naghanap ng matataguan kung sakali, subalit hindi ko inaasahan ang balat ng pagkain na naatrasan ko at napaupo ako sa sahig. Napaawang ako ng labi nang masagi ko ang isa sa mga soda cans niya at maingay na bumagsak 'yon sa sahig.

Napasinghap ako at agad na pinilig ang ulo ko tungo kay Catherine, subalit hindi manlang ito gumalaw magmula kanina.

"That's strange," asik ko at dahan-dahan siyang nilapitan. Sinubukan kong yugyugin ang balikat niya, ngunit wala manlang nangyari. Sobrang lalim pa rin ng tulog niya.

"This is really strange," sambit ko. "Catherine always wake up at the smallest of sounds."

Kahit nung una pa akong nag-dorm dito noon, madaling nagigising si Catherine sa alarm niya palang kaya siya lagi ang nauuna sa may kusina at naghahanda ng pagkain namin. It's really weird that she's still in deep sleep after the commotion that I've caused earlier.

Niligpit ko na ang mga gamit niyang ginulo ko kanina at pinili na lamang na lumabas ng kwarto niya. Magsasayang lang din naman ako ng oras sa paghahanap ng mga bagay na hindi ko naman alam kung naroroon. Isa pa, hindi rin naman ako ganoon kaalam sa mga lason kaya walang kasiguraduhan na mareresolba no'n ang problema ko.

Pandora's Academy: Blood & SplendorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon