~•Chapter 1•~

724 22 2
                                    

PAGKATAPOS kong kuhanin ang mga gamit ko sa locker room ay nagmadali na rin akong lumabas ng campus dahil baka hindi ko maabutan ang landlady sa nakita kong dormitory. Kailangan ko na kasing lumipat at nakausap ko naman na ang parents ko tungkol dito. Sila rin naman ang may gusto na mag-dorm ako dahil sila raw ang nahihirapan sa pag-commute ko kaysa sa akin.

Aminado naman ako na mahirap talaga lalo na't isang oras ang biyahe papunta rito sa University. Dagdag pa ang oras ng paghihintay sa bus kaya sobrang aga ko talaga gumigising. Naka-survive naman ako noong first year sa ganitong set-up, at ngayong second year pinagdo-dorm na ko. Wala pa namang isang buwan simula no'ng nag-start ang pasukan kaya swerte ko na lang din dahil may nadaanan ako kanina.

Sumakay na ko ng tricycle papunta roon sa dorm dahil hindi na kaya ng oras kung tatakbuhin or lalakarin ko pa.

Ilang minuto rin ang lumipas bago ako tuluyang makarating. Binigay ko ang saktong bayad kay manong at nagmadali na kong pumindot sa doorbell.

Ilang beses pa kong pumindot sa doorbell hanggang sa may nagbukas na ng gate. Bumungad sa akin ang hindi pa katandaan na babae, sa tingin ko ay nasa 40s pa lang siya.

Ngumiti ako.

"Magandang gabi po," bungad na bati ko at ngumiti rin siya pabalik.

"Magandang gabi rin naman. Naghahanap ka ng matutuluyan na dorm?"

"Ah opo. Eh nakita ko po kanina yung nakapaskil sa harap ng gate niyo kaya bumalik po ako ngayon,"

"Mabuti at nakahabol ka pa. Hindi na kasi tumatanggap ng bisita kapag 9 PM, tuloy ka muna para mas makapag-usap tayo." tumango ako sa kaniya at sumunod sa loob. Isinarado niya ang gate bago kami tuluyang nagtungo sa harap ng bahay niya. "Itong bahay na 'to ay pangdalawahang tao lang, dito ako tumutuloy para magbantay ng dorm, minsan naman yung anak ko."

"Hindi po ba kayo nagha-hire ng security guard?"

Umiling siya, "May lady guard dati rito pero nag-resign na, natanggap siya sa work abroad e."

"Ahh, magkano po ba yung upa sa dorm na 'to?"

"Bale ang ginagawa ko kasi, hija. Ipinapasama ko na sa bayad ng rent yung bayad nila sa kuryente at tubig, ibinibigay ko naman sa kanila yung resibo ng bill tapos ibabalik din sa akin kasabay ng bayad. Bawat kuwarto 3K ang upa, bale kapag dalawa kayo sa isang kuwarto maghahati kayo sa tatlong libo." mahabang paliwanag niya.

"May CR po ba sa loob?"

"Oo, may shower din tapos naka-tiles. Maluwag yung bawat kuwarto kaya hindi masikip kahit dalawa kayong nasa kuwarto."

"Wala po bang... mumu? Hehe..."

Natawa siya sa tanong ko. "Wala namang lugar na walang multo. Pero sigurado naman ako na safe kayo rito at walang manghihingi ng hustisya tuwing alas-tres ng madaling araw,"

Napahinga naman ako ng maluwag at tango na lang ang naitugon. "Maniningil po ba kayo ng advance deposit?"

"Ayy hindi na, hindi ko na sinisingil 'yan sa mga katulad ninyong estudyante. Sa BHU ka rin ba nag-aaral?"

"Opo, second year na."

"Halos lahat kasi ng nandito eh sa BHU nag-aaral, tumatagal naman sila rito."

"May wifi po ba rito sa dorm?"

"Oo meron, pinakabitan ko 'to ng libreng wifi. Marami akong pinakabit para abot sa lahat ng kuwarto. Dalawang magkatabi na two-storey apartment kasi ang meron dito at may total na 48 rooms. Anim ang kuwarto sa first floor at anim din sa second floor, tapos ganoon din sa kabila."

"Parang ito nga po 'yong may pinakamalaking dorm dito since hindi naman po nago-offer ng dormitories ang Universities dito."

"Oo, ito nga. Ang kaso lang wala pa ulit lumilipat dito sa ngayon kasi mas okay sa iba ang nagco-commute dahil mas natitipiran sila."

ROOM 38 (GxG) | ONGOINGWhere stories live. Discover now