~•Chapter 21•~

276 14 0
                                    

TODAY is Tintin and Mel’s wedding. Hindi ko pa alam kung anong ireregalo ko noong una kaya nagpatulong na lang ako kila mama. Ang sabi nila ay iyong magagamit daw ng mag-asawa kaya sinunod ko sila.

Kinabahan pa nga ako noong una dahil akala ko ay invited din si Aris. Mabuti na lang at hindi iyon naisipang gawin ni Tintin.

After ng ceremony sa simbahan ay dumiretso na rin kami sa reception upang doon ituloy ang selebrasyon. Habang nagsasaya ang ibang mga bisita ay nilapitan ako ni Tintin sa kinaroroonan kong table.

“Huy! Bakit mag-isa ka riyan? Ayaw mong maki-join sa kanila?” bungad niya. Nandito kasi ako sa pinakalikod na table kung saan wala nang masyadong umuupo.

Sinsero ko siyang nginitian at umiling. “Hindi na, ayos lang ako rito at saka hindi ko rin naman sila kilala. Masaya na ‘ko na masaksihan ang kasal ng kaibigan ko.”

Malawak siyang ngumiti at umupo sa bakanteng silya sa tabi ko.

“Maraming salamat nga pala at nakapunta ka kahit na medyo malayo itong lugar, saan ka nga pala tutuloy niyan mamaya?”

“Kapag maaga pa didiretso na ‘ko sa bahay pero kapag alanganin na, mag-stay muna siguro ako sa available na hotel dito.”

“I see, pwede ka naman magsabi sa akin kapag gusto mo nang umuwi. Ayos lang naman ‘yon sa akin, ang mahalaga eh nakadalo ka.”

“Maya-maya siguro, masyado akong maraming nakain na handa.” bahagya akong natawa at ganoon din siya. “Mabuti’t hindi mo naisipan na imbitahan si Aris?”

“Ano ka ba, hindi naman na kami ganoon ka-close at saka inimbitahan kita kaya naisip ko rin na it would be so awkward if I also invited her, right?”

I slightly nodded while smiling. “Hmm. Thank you for considering my feelings…”

“Wala ‘yon. Ayoko rin naman na maging uncomfy ka sa araw ng kasal ko. Ayun nga lang at hindi ka ata nag-eenjoy…”

I laughed. “Don’t say that, silly! Of course nag-eenjoy ako, makita ko lang na nagsasaya ang mga tao rito lalo na kayo ni Mel ay okay na ako.”

“Hmm… wala ka bang nakikita rito sa mga bisita namin na jojowain?” saad niya kasabay ng makahulugang tingin sa akin.

Marahan ko naman siyang hinampas sa kaniyang braso upang siya’y sawayin. “Ano bang sinasabi mo riyan, magtigil ka nga! Wala pa ‘kong panahon sa ganiyan kaya huwag mo ‘kong simulan,” halos pabulong na wika ko na ikinatawa niya lang.

“Oh sige na, baka nami-miss na ko ng asawa ko roon. Maiwan na muna ulit kita, ah? Sure kang ayos ka lang dito?”

“Oo, huwag kang mag-alala. Malaki naman na ko, kaya ko na ‘to.”

Natawa lang siya bago tuluyang tumayo at naglakad pabalik sa table nila ni Mel.

Napapangiti na lang ako habang tinitignan silang dalawa. Kitang-kita ang sobrang tuwa sa mga mata nila kaya sobrang saya rin ng atmosphere ng venue.

Alam kong walang perpektong relasyon pero ang saya lang kasing makita na kasal na sila at bubuo na ng sariling pamilya.

While me? Nandito pa rin sa dilim na pinag-iwanan sa akin.

Napabuntonghininga na lang ako at ininom ang drinks sa wine glass na hawak ko.

***

BACK to work na ulit ako after ng wedding nila Tintin. Nag-leave kasi ako ng isang araw para makapag-adjust ng biyahe papunta roon sa lugar kung saan sila ikinasal ni Mel.

ROOM 38 (GxG) | ONGOINGWhere stories live. Discover now