NAGISING ako nang may marahang humalik sa labi ko, mabilis kong naimulat ang mga mata kong inaantok pa nang dahil sa pagkagulat doon.
Napangiti siya at marahang natawa sa naging reaksyon ko kaya naman itinago ko ang mukha ko sa unan na hinihigaan ng ulo ko.
“Gising na…” masuyong wika niya habang marahang hinahaplos ang buhok ko. I grunt because I’m still sleepy. “Come on, mag-aalmusal pa tayo.”
Nakanguso akong umikot upang tumihaya bago lumingon sa kaniya. “Inaantok pa ko,” tinawanan niya ko at hinatak upang yakapin. “Let’s stay like this for a while, then.” Marahan akong napangiti at isinubsob ang mukha sa leeg niya.
I can’t help but smell her body scent. I became addicted to it since last night.
Oh… speaking of last night. We… did something.
My face heats up at the thought. Mabuti na lamang ay nakatago ang mukha ko dahilan para hindi niya makita ang pamumula nito.
Maglilinis nga pala kami ng kuwarto pagkabalik namin sa dorm. And speaking of paglilinis, may naalala tuloy ako na ngayon ko na gustong itanong kay Aris.
“Aris,” pagtawag ko sa kaniya. Nag-hum lang siya bilang tugon kaya itinuloy ko na lang ang itatanong ko. “Uhm… ano kasi, matagal na ‘to pero ngayon lang ako nagkaroon ng lakas ng loob na itanong sa’yo. Noong time na naglinis kasi ako ng kuwarto natin may nakita akong vibrator sa ilalim ng kama mo, and minsan naaalimpungatan ako sa madaling araw tapos naririnig ko na may tumutunog na nagvi-vibrate sa side mo.”
“Oh, about that,” she laughed. “Yes, I’m using a vibrator and it’s one of my stress relievers. To be honest, halos gabi-gabi ko ‘yon ginagamit noong wala pa kong roommate. But then you came kaya hindi na gaano at minsan na lang. You’re also one of my stress relievers whenever I saw your face or whenever I hear your voice.” Sandali siyang nanahimik. “I’m sorry if I didn’t tell you about that, nagulat ata kita.”
“Ayos lang, hindi naman ako inosente para hindi malaman ang ginagawa mo. Sadyang nagulat lang ako nang makita ko yung toy na ‘yon dahil first time kong personal na makakita ng ganoon.”
“Really?” I nodded. “Then, wanna try it next time?” nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya at tumawa. “I’m serious, Calli. I can buy you one.”
“Hindi na, nandiyan ka naman.” Makahulugan kong sabi na ikinatawa niya na lang.
Tumayo na kami at sabay na nag-shower bago nagbihis. Sa labas na lang daw kami mag-aalmusal bago kami tuluyang bumalik sa dorm.
Pagkapasok pa lang namin ng gate ng dorm ay sinalubong na agad kami ni Nay Benilda na nagwawalis sa harap ng tinutuluyan niya.
“Oh, naabutan ata kayo ng curfew kagabi at hindi ko kayo nakitang umuwi.” Bungad niya sa amin.
“Eh nag-aya po kasi yung mga kaibigan ko na mag-chill sa kanila kahapon kaya po ngayon lang kami nakauwi ni Calli. Pasensya na po,”
“Ayy wala iyon, hindi naman ako nagagalit. Nag-alala lang ako sa inyo at hindi ko kayo nakita kahapon. Sa susunod ipaalam ninyo sa akin ha?”
“Hindi naman po kasi namin alam na aabutin kami ng alanganing oras, ang sabi ko po ay uuwi rin kami bago mag-curfew. Kaso masyado na po kaming nalibang sa pagkukuwentuhan.” Napapakamot sa batok na wika ko.
“Oh siya, sige. Nag-almusal na ba kayong dalawa?” sabay kaming tumango kaya tumango na lang din siya sa amin. “Sige na at baka may gagawin pa kayo, basta kung aalis kayo magsabi kayo sa akin ha?”
“Opo, Nay. Salamat po,” tugon ni Aris bago kami tuluyang naglakad papunta sa kuwarto namin.
Pagkapasok namin sa kuwarto ay nagpahinga na muna kami bago nagpalit ng ibang damit at muling naligo. Bukas ay magpapa-laundry kami dahil hindi naman ako nakauwi sa amin.
YOU ARE READING
ROOM 38 (GxG) | ONGOING
RandomCalli is a 2nd-year college student taking the course of Bachelor of Science in Accountancy at Bright Hill University. Napilitan siyang lumipat sa dorm para makatipid ng pamasahe at para makatipid din ng oras sa pagpasok sa school. Aris is a 3rd-yea...