PAGKAPASOK ko sa loob ng bahay ay bukas ang ilaw mula sa kusina. Hinubad ko ang sapatos ko at itinabi sa gilid ng pintuan para hindi maingay kapag naglakad kaya nakapaa akong lumapit sa kusina.
Naabutan ko roon si mama na humihigop ng kape habang nagce-cellphone.
“Ma, anong oras na ah?”
Nilingon niya naman ako at nginitian. “Hindi ako makatulog kaya nagkape na muna ako,”
“Baka hindi ka lalo makatulog niyan, Ma?” naupo ako sa tabi niya at inilapag ang bag ko sa katabing upuan.
“Hindi ‘yan, eh hinahanap ng katawan ko yung kape. Ikaw ba, gusto mo rin?”
Umiling ako. “Hindi na, ‘Ma. Busog din ako roon sa party.”
“Ano nga palang nangyari? Uwian niyo na agad?”
Tumingin ako pababa sa lamesa at sandaling nanahimik bago sumagot.
“Hindi, ‘Ma. Uh… nauna na ‘kong umuwi kasi masakit na ‘yong paa ko sa heels.”
“Hmm? Eh ‘di ba sanay ka naman na mag-heels? Saka nakita ko kanina hindi naman kataasan ang suot mo,” ibinaba niya ang hawak na cellphone at saglit na humigop ng kape. “Tapatin mo nga ‘ko, anak. Ano ba talagang nangyari?” tanong niya pagkababa ng tasa sa lamesa.
I averted my eyes and sighed.
“A-Aris…” I swallowed the lump in my throat as I continued speaking. “Aris came back,”
“Ha? Eh, kailan pa?”
“Bago ‘yong kasal ni Ciela, ipinakilala siya sa akin ni Miss Lefevre bilang interior designer ng bagong gawa na building sa kabilang bayan. Then, next na pagkikita namin ay ‘yong kasal na ni Ciela pero hindi ganoon kaganda ang interaction namin sa isa’t-isa. And next ay noong nagkaroon ng meeting tapos yung ngayon na sa party kung saan nagkaroon kami ng maraming usapan, hindi gaya noong sa kasal ni Ciela.”
“Eh, bakit ngayon mo lang sinabi sa akin? Edi sana naibalita ko rin sa Papa mo—”
“Ma, huwag na muna, please?”
“Ayy bakit? Ang tagal nang gustong makita ni Papa mo si Aris.”
“Ma…” pakiusap ko. “Please, huwag na muna. Hindi pa ‘ko handa ulit, masyado pang mabilis sa akin ang nangyayari.” namuo ang luha sa mga mata ko kaya muli akong napatingin sa ibaba para hindi mahalata ni mama.
Hinawakan ni mama ang baba ko at bahagyang itinaas ang mukha ko para mapatingin sa mata niya.
“Pasensya na, anak, na-excite ako masyado sa sinabi mo.” malungkot lang akong ngumiti bilang tugon. “Ano nga ba talaga ang nangyari sa inyo ni Aris noon?”
Napaiwas ako ng tingin at tuluyan nang tumulo ang luha ko na agad namang pinunasan ni Mama.
“We… had a romantic relationship pero malabo,”
“Paanong malabo?”
“Malabo at madilim ang mundo niya that time, Ma.”
“Kaya pala may napapansin din ako sa inyo noon dahil hindi rin kayo mapaghiwalay eh. Bakit hindi mo sinabi sa akin?”
“Nahihiya ako magsabi, ‘Ma.”
Bumuntong hininga siya at hinawakan ang magkabilang pisngi ko.
“Hayaan mo na ‘yon. Ang intindihin mo na lang ay ‘yong ngayon,” tinitigan ko lang siya at hinintay na magpatuloy sa pagsasalita. “May nararamdaman ka pa ba sa kaniya, anak?”
Her question made me speechless.
I honestly don’t know what to say ‘cause I’m not sure if I still do or not anymore. Ayokong magsinungaling sa sarili ko dahil kung wala na ay hindi ako maaapektuhan ng ganito.
YOU ARE READING
ROOM 38 (GxG) | ONGOING
RandomCalli is a 2nd-year college student taking the course of Bachelor of Science in Accountancy at Bright Hill University. Napilitan siyang lumipat sa dorm para makatipid ng pamasahe at para makatipid din ng oras sa pagpasok sa school. Aris is a 3rd-yea...