Calli's POV.
SUMAPIT ang panibagong linggo na wala nang bigat sa dibdib ko. Pakiramdam ko ay tuluyan nang nawala ang nakabara rito lalo na't maayos na ulit kami ni Aris.
May ni-recommend si Ivelle kay Aris na probinsya kung saan ay pwede raw mag-nature trip kaya biglaan ang naisip ni Aris na magpunta roon.
"Sige na, Calli, ako na ang bahala rito. Pwede naman na maaga kayong mag-out," suhestiyon ni Ivelle.
"Eh, baka kasi may kung anong mangyari rito tapos wala kami, magalit pa si Miss L."
"Calli, may tiwala ako kay Haven na kaya niya ang trabaho. Halos siya na nga ang tumatrabaho sa trabaho ko minsan kapag hindi na talaga kaya ng oras ko na isabay ang iba," wika naman ni Aris.
Kasalukuyan kaming nasa first floor at nagkakape, malapit na rin namang matapos itong building sa interior designing kaya malapit na ring matapos ang project.
"Pumayag ka na, Calli. Mas magandang ituloy 'yan kapag biglaan. At saka Linggo naman bukas kaya kahit bukas na kayo umuwi," pagpupumilit ni Ivelle.
Napakagat ako sa ibabang labi ko nang tignan ako ni Aris habang nakataas ang dalawang kilay. Tila hinihintay ang sagot ko kung sasama ba ako o hindi.
Umiwas ako ng tingin. "Baka hanapin ako nila Mama,"
I heard Aris sigh, "It's okay if you don't want to—"
"No, no, it's not like that. I do want to, but my problem is my parents. They might get worried kapag hindi ako umuwi,"
"Strict pa rin parents mo sa'yo?" tanong ni Ivelle.
I chuckled. "Not really, ayoko lang na mag-alala sila."
"Then, tell them na bukas ka pa makakauwi. May tiwala naman siguro sila sa'yo, right?" muling saad ni Ivelle na sinang-ayunan naman ni Aris.
"I'll wait for your decision bago mag-uwian... or much better na huwag mo nang paabutin ng uwian." wika ni Aris sabay higop sa kaniyang kape.
Napabuntonghininga naman ako bago tumango bilang tugon.
"Sige, magpapaalam na lang din muna ako kay mama para siya na lang magsasabi kay papa. Kaya depende sa reaksyon niya ang magiging desisyon ko mamaya,"
"It's okay, we can move it though." nakangiting tugon sa akin ni Aris saka marahang pinisil ang tungki ng aking ilong.
"Bakit parang tumatamis 'yong black coffee ko?" nagtatakang tanong ni Ivelle habang kausap ang sarili bago tumingin sa amin. "Ayy, free sugar pala kapag kaharap kayo, ano?"
Natawa na lang kami ni Aris sa sinabi niya bago nag-iba ng topic. Pagkatapos kasi naming magkape ay aakyat ulit kami sa floor kung saan gumagawa ang mga trabahador.
Naunang umakyat ang dalawa dahil sabi ko ay susunod na lang ako. Balak ko na rin kasing magpaalam hangga't maaga, ayaw ko na ring i-move pa sa susunod 'to dahil nararamdaman ko na habang papalapit ang opening nitong building ay nalalapit na rin ang araw na mas marami akong kailangan trabahuhin.
Kinuha ko ang phone ko at saka sinimulan nang i-message si mama. Sana lang ay mabasa niya agad para hindi ko late masabi kay Aris ang desisyon ko.
YOU ARE READING
ROOM 38 (GxG) | ONGOING
SonstigesCalli is a 2nd-year college student taking the course of Bachelor of Science in Accountancy at Bright Hill University. Napilitan siyang lumipat sa dorm para makatipid ng pamasahe at para makatipid din ng oras sa pagpasok sa school. Aris is a 3rd-yea...