~•Chapter 36•~

214 11 2
                                    

Aris's POV.

Naalimpungatan ako ng gising kaya pagdilat ko ay nakita ko si Calli na tulog na tulog pa sa tabi ko.

I stared at her pretty sleeping face. She seems so tired from last night.

Oh, speaking of last night.

I've lost it.

Hindi ko na napigilan ang sarili ko. I get a little sober while we're heading to the hotel but there's still alcohol in my system. That's why it happened.

But I'm not regretting it tho.

I just realized and accepted the truth that I am in love with my roommate, but I am worried for her at the same time. I know my feelings are true but I guess this isn't the right time for me to love someone while looking for the love that I can't give for myself.

Pero hindi ko kayang ipagkait ang kaya kong ibigay na pagmamahal kay Calli ngayon kahit na sa huli ay alam kong masasaktan ko siya. Gusto kong subukang hanapin ang sarili ko habang minamahal siya, baka sakali na mangyari.

My eyes went to her soft lips to give it a tender kiss.

Mabilis naman siyang napamulat ngunit halata pa ang pagkaantok mula sa kaniyang mga mata. My lips formed a smile and I chuckled at her cuteness.

Itinago niya ang mukha niya sa unan na hinihigaan niya marahil ay sa pagkahiya sa akin.

"Gising na..." masuyong wika ko habang marahang hinahaplos ang buhok niya. But she grunted as an answer. "Come on, mag-aalmusal pa tayo."

Nakanguso siyang umikot upang tumihaya bago lumingon sa akin.

"Inaantok pa 'ko," reklamo niya.

Tinawanan ko siya saka hinatak upang yakapin. Mukhang nabigla ko ata siya ng gising.

"Let's stay like this for a while, then," I said.

She then buried her face on my neck and I felt like she was smelling it.

Sandali pa kaming nag-usap habang magkayakap bago kami tuluyang tumayo at sabay na nagbihis pagkatapos na mag-shower. Pagkabalik sa dorm ay maglilinis pa muna kami pero bago kami tuluyang umuwi ay mag-aalmusal na muna kami sa labas.

Nang makabalik kami sa dorm ay muli kaming naligo at nagpalit ng damit. Habang abala si Calli sa pakikipag-usap sa mama niya ay naka-receive ako ng text mula kay Ciela.

'Huwag ka na raw muna pumasok, hindi raw muna bubuksan 'yong grocery ngayon saka bukas. Aalis daw sila eh magbibigay na lang daw sila ng bonus para sa dalawang araw na 'yon.'

Matapos kong mabasa 'yon ay nag-reply ako kay Ciela upang magpasalamat.

"Calli, may gagawin ka ba?"

Inalis niya ang tingin mula sa screen ng phone niya upang saglit na lumingon sa akin.

"Huh? Wala naman gaano, bakit?"

Nakangiti akong naglakad patungo sa kama niya at tumabi ng upo sa kaniya.

"Let's have a date!" I cheerfully said and then kissed her cheek.

Bahagya pa siyang nagulat doon kaya sandali siyang hindi nakagalaw bago ako tuluyang nilingon.

"Ngayon na mismo?" tila hindi makapaniwalang wika niya.

I nodded.

"Huwag ka nang magpaganda pa, maganda ka pa rin naman kahit walang ayos."

Damn. What's with me? This is not me anymore.

"Eh... hindi ba ako mukhang cheap sa damit ko?" she consciously asked and I just chuckled.

ROOM 38 (GxG) | ONGOINGWhere stories live. Discover now