KINAGABIHAN ay naunang umuwi sa akin si Aris. Pagkabukas ko ng pinto ay binigyan ko lang siya ng isang tipid na ngiti bago tuluyang pumasok.
Hindi ko na sinabi ang narinig ko kaninang madaling araw dahil nahihiya ako. Natatakot din ako na baka mahiya siya at hindi na talaga ako kausapin😭.
Pagkatapos kong magbihis sa loob ng CR ay naupo muna ko sa kama upang mag-scroll sa facebook. Hinanap ko ang account ni Aris pero hindi ko makita, posible kayang naka-private account niya?
Napabuntonghininga ako at kila Ciela naman ang hinanap kong account, baka sakaling friend nila si Aris pero hindi ko naman alam kung ano ang full name nila kaya hindi ko rin nahanap.
Napahilamos na lang ako sa mukha ko kaya tinigilan ko na rin ang phone. Magbabawas na lang ulit ako ng tasks dahil araw-araw ay may bagong gawain. Uunti-untiin ko na ring gawin ang mga wala pang due dahil baka biglaan ang pagpasa, ako ang mahihirapan mag-cram.
Habang busy ako sa paggawa ng activities ay bigla kong naamoy ang nilulutong ulam ni Aris.
Sinigang!
Napanguso ako nang kumalam bigla ang sikmura ko dahil doon. Nami-miss ko na yung mga luto ni Mama😭.
Isinawalang bahala ko na lang ang pagkulo ng tiyan ko, mabuti na nga lang at mahina lang kaya batid kong hindi iyon naririnig ni Aris. Hanggang sa matapos ako sa ginagawa ko at kanina pa tapos na magluto si Aris, ngunit nagtataka ako dahil hindi pa siya kumakain gayong nakaluto naman na siya.
Kibit-balikat akong tumayo upang kumuha ng de-lata mula sa mga grocery na pinamili ko upang magluto ng ulam. Nagtakal din ako ng bigas upang magluto ng kanin sa rice cooker.
After kong isalang ang bigas sa rice cooker ay kinuha ko na ang mga kasangkapan upang iluto ang ulam ko.
"It's bad for your health if you're always eating canned goods," napatigil ako nang marinig kong magsalita si Aris habang nakaupo sa kama niya. Narinig kong isinuot niya ang tsinelas na pambahay at saka lumapit sa kinaroroonan ko kaya halos ma-estatwa na ko sa kinatatayuan ko dahil sa sobrang lapit niya sa akin. "Here, I can share you some." dagdag niya at binuksan ang kaserola kung saan niya iniluto ang sinigang na manok.
Naglaway tuloy ako at lalong nagutom!
"S-sure ka?" utal na sabi ko.
Tumango naman siya at marahang ngumiti, "Hindi naman ako salbahe."
I know.
Pero, shet! Nginitian niya ba talaga ako?!
"A-alam ko naman, pero almusal mo pa ata-"
"Sinadya ko talagang damihan 'yan para i-share sa'yo, so you don't have to worry about my breakfast."
OMG. TULOY-TULOY ANG USAPAN NAMIN NGAYOOON! AHHHH!! WHAT'S HAPPENING?!
"Sige, uhm... h-hintayin ko lang maluto yung kanin ko."
"You sure you can wait? Kanina pa kumakalam sikmura mo," natatawang aniya.
Nanlaki ang mga mata ko.
Hinawakan at tinignan ko ang tiyan kong kumalam na naman bago muling bumaling sa kaniya, "Naririnig mo?"
"Hmm. Kanina pa,"
Ano ba 'yan! Nakakahiyaaa!
Awkward akong ngumiti sa kaniya, "Hehe... ang bango kasi ng niluluto mo," tinakpan niya naman ulit ang kaserola at bahagya lang na tumawa. "Ikaw, bakit hindi ka pa kumain? Kanina ka pa nakaluto,"
"I'm waiting for you so we can eat our dinner together,"
Hindi agad ako naka-react sa sinabi niya dahil hindi ko ine-expect na hinihintay niya ko para sabay kaming kumain. Ito na siguro ang pagkakataon para masimulan naming kilalanin ang isa't-isa as roommates.
YOU ARE READING
ROOM 38 (GxG) | ONGOING
RandomCalli is a 2nd-year college student taking the course of Bachelor of Science in Accountancy at Bright Hill University. Napilitan siyang lumipat sa dorm para makatipid ng pamasahe at para makatipid din ng oras sa pagpasok sa school. Aris is a 3rd-yea...