~•Chapter 5•~

349 17 0
                                    

BIYERNES ng hapon ay inimpake ko ang mga marurumi kong damit at isinama rin ang ibang gamit ko sa school para kahit nasa bahay ako ay nakakagawa pa rin ako ng tasks. Uuwi na kasi ako ngayon at babalik naman ako rito sa dorm ng Linggo ng hapon.

Habang abala ako sa pag-aayos ng gamit ay lumapit sa side ko si Aris at tumabi ng upo sa akin sa kama.

“Uuwi ka na?” tanong niya habang pinanonood ang ginagawa ko.

“Hmm. Tapos babalik ako rito ng Linggo ng hapon,” nilingon ko siya saglit bago muling bumaling sa ginagawa. “Ikaw?”

Narinig ko siyang marahan na tumawa. “Wala naman akong uuwian,”

Napahinto ako at nagugulumihanan ko siyang tinitigan. “Eh?”

Tumingin siya sa akin, ngunit sa halip na sagutin ang katanungang nabuo sa akin ay ngumiti lang siya. Itinukod niya ang dalawang kamay sa likod habang nakatitig sa akin bago nagsalita.

“Pwede ba akong sumama sa inyo?”

Awtomatikong nanlaki ang mga mata ko sa itinanong niya sa akin dahil hindi ako handa.

Seryoso ba siya???

“S-seryoso ka?”

Tumango siya. “Hindi ba pwede?”

“Ah, hindi naman sa gano’n. Hindi lang ako ready,” awkward akong tumawa.

“Okay lang naman kung hindi pwede, I understand.”

“N-no, ano lang kasi… hindi ko pa nasasabi kay Mama.”

“Pwede mo naman sabihin now, and then inform mo ko kung papayag siya para makapag-ayos na ko ng damit.”

“Hmm. Text ko si Mama after kong tapusin ‘to, patapos naman na ko.” nakangiti kong tugon. Ngumiti na lang siya at tumango bago tumayo.

“Papahangin lang ako sa labas, text mo na lang ako. Dala ko naman phone ko,”

“Sige.”

Matapos kong sumagot ay naglakad na siya papunta sa pinto at lumabas ng kuwarto.

Tinapos ko naman agad ang ginagawa ko para maagang mai-text si Mama, gumagabi na rin kasi at baka abutan kami ng last trip.

Mabilis din namang pumayag si Mama nang ipaalam ko na sasama ang roommate ko sa pag-uwi ko sa amin kaya agad ko rin iyong tinext kay Aris.

“Magpapa-laundry na lang ako pagbalik natin ng Linggo rito,” wika niya habang inaayos ang mga gamit na dadalhin niya.

“Malapit lang ba laundry shop dito?”

“Oo kapag sumakay ka ng tricycle.”

“Magpaalam tayo kay Nay Benilda bago umalis mamaya, kakuwentuhan ko siya kanina habang nagpapahangin ako e.” tumayo siya at nagtungo sa cr upang magbihis. Siya na lang ang hinihintay ko dahil nakaayos na ko, nagmamadali na rin naman siya dahil sinabi ko ang about sa last trip.

Nang ma-check na namin kung may naiwang nakasaksak na saksakan sa kuwarto ay lumabas na kami at ini-lock ang pinto bago bumaba.

Dumiretso kami sa tinutuluyan ni Nay Benilda upang magpaalam tulad ng sabi ni Aris.

“Nay Benilda, alis na po muna kami ni Aris.” pagpapaalam ko nang makita namin siyang nanonood sa sala niya. Tumayo naman siya at lumapit sa amin habang malawak ang ngiti.

“Wala pang 1 month, may meet the family na agad?” pagbibiro niya na ikinatawa ko.

“Gusto lang po sumama ni Aris, baka po kasi magtampo kapag hindi napagbigyan.” natatawa kong sabi.

ROOM 38 (GxG) | ONGOINGWhere stories live. Discover now