~•Chapter 24•~

188 14 0
                                    

MAAGA ulit akong gumising para paghandaan sila Mama ng almusal. Ihahatid ko rin kasi si Renren sa school kaya kailangan mas maaga akong gumising kaysa sa kaniya.

“Good morning!” masiglang bati ko kay Mama pagkapasok niya ng kusina.

“Anak, dapat nagpapahinga ka sa isang linggo mong break sa trabaho eh,” sa halip ay sabi niya na may halong pag-aalala. “Masyado kang busy sa trabaho mo tapos ngayong may pagkakataon kang magpahinga nagpapaka-busy ka naman dito sa bahay.”

“Ma, hayaan mo na ‘ko. Gusto ko lang naman makabawi sa inyo ng pag-aasikaso dahil sa sobrang busy ko sa trabaho.”

She sighed and tapped my shoulder.

“Mamaya huwag ka na lang sumunod sa puwesto, kailangan mo rin ng pahinga.”

“Pero boring dito sa bahay,” nakangusong sabi ko. “Kung doon ako sa eatery malilibang pa ‘ko, eh dito sa bahay wala naman akong pwedeng magawa.”

Natawa si mama at napailing na lamang sa akin.

“Naku! Sige na nga at baka mabaliw ka pa rito sa bahay habang mag-isa.”

Napangiti na lang ako at nagpatuloy sa paghahanda ng almusal namin. Sumunod namang gumising si Papa kasama si Renren.

Sabay-sabay kaming kumain kaya roon ko na rin sinabi sa kapatid ko na ako muna ang maghahatid at sundo sa kaniya habang wala pa ‘kong pasok. Hindi niya pa alam ang tungkol doon dahil sinadya talaga naming hindi agad ipaalam sa kaniya.

“Really?! Yehey!” tuwang-tuwang sabi niya kasabay ng masayang palakpak niya. “Diretso na rin tayo sa eatery after ng school ko?”

“Yup! Para sabay-sabay na rin tayong umuwi mamayang gabi.”

Napahagikgik na lang siya at ipinagpatuloy ang masaya niyang pagkain.

Pagkatapos maghanda ni Wren para sa pagpasok sa school ay sabay na kaming nagtungo sa kotse ko at sumakay.

“Ate, hanggang kailan ang vacation mo?” inosenteng tanong niya habang nagdri-drive ako.

“Until Sunday, Wren. Kaya maihahatid at sundo kita hanggang Friday.”

“Wow! I can finally introduce you to my new friend!”

“New friend?”

“Hmm. She said, she’s a transferee from another country, but I didn’t ask of which country anymore.”

“Why? You’re not curious about where did she come from?”

“Uhm, no. I’m just waiting for her to tell me which country, but she didn’t say it at all, seems like it’s a secret.”

I laughed as he pouted.

“Yeah, looks like you have to respect her decision.”

“At least, she’s my friend now.” kibit-balikat niyang tugon at napailing na lang ako habang bahagyang nakangiti.

Pagkarating namin sa parking area sa school niya ay sabay na rin kaming bumaba mula sa kotse. Suot niya ang kaniyang bag habang hawak ang kamay kong naglalakad papasok sa loob.

Nagtungo kami sa isang building kung nasaan ang classroom niya.

“She’s not here yet, can we wait here for her?” wika niya matapos na sumilip sa loob.

I nodded and smiled. “Sure thing,”

Hinatak niya ‘ko papunta sa gilid para hindi kami nakaharang sa pintuan.

“Lia!” maya-maya lamang ay biglang masayang pagsambit niya habang nakatingin sa kumpulan ng mga batang katulad niya.

Hinanap ng mga mata ko ang tinawag niya at hinintay na makalapit sa amin.

ROOM 38 (GxG) | ONGOINGWhere stories live. Discover now