Aris’s POV.
“Maupo na muna kayo rito,” wika ni Tintin nang tuluyan kaming makapasok sa kuwarto niya. Same size lang naman ito sa room namin ni Calli, kaso ang ipinagkaiba ay isa lang ang kama niya.
Itinuro niya ang mahabang upuan na nakaharap sa maliit na flatscreen TV, habang nasa gitna naman nito ang center table na gawa sa kawayan. Naunang maupo sa akin si Calli kaya tumabi na ‘ko sa kaniya.
“Manood na muna kayo riyan. Tatapusin ko lang iyong niluluto ko.” muling wika ni Tintin at sa pagkakataong ‘yon ay nagtama ang paningin namin, ngunit agad din siyang umiwas upang ngitian si Calli.
Pagkaalis niya sa sala ay saglit ko lang na pinagmasdan ang kuwarto niya dahil mas natutuon ang pansin ko sa aking katabi na busy sa paglilibot ng tingin sa paligid. Nang makita kong pinagmamasdan niya si Tintin habang nagluluto ay iniwas ko na lang ang tingin ko at ibinaling na lang ‘yon sa TV na aming kaharap.
“Ang comfy naman dito, nakakaantok ang atmosphere…” komento ni Calli.
“Bakit? Sa kuwarto ba natin hindi nakakaantok?” tanong ko saka muli siyang nilingon.
Ngumuso siya saka sumagot. “Nakakaantok naman, kaso nga lang iba talaga ang feeling kapag nasa ibang kuwarto ka.”
Hindi na lang ako nagsalita dahil wala rin naman akong gustong sabihin. Maya-maya lang ay tumayo siya at nilapitan ang mga picture frame sa ibabaw ng divider.
Ilang sandali pa ay tinawag ni Calli si Tintin habang hawak ang picture frame na kinuha niya at doon sila nagsimulang mag-usap.
“Ahh oo ako ‘yan. Nasa 5 years old ata ako niyan, si Tita ang kumuha ng picture kasi bumisita kami sa kaniya that time.” paliwanag ni Celestina nang makita ang litratong hawak ni Calli. “Cute ko, ‘no?” natatawa niyang dagdag na sinang-ayunan naman ng kausap.
“Totoo naman, ang cute ng cheeks mo rito!”
“Chubby cheeks pa rin naman ako ah? Hmm?” bahagyang inilapit ni Tintin ang mukha niya kay Calli kaya halos mapahawak ako nang mahigpit sa kinauupuan ko habang pinanonood silang dalawa.
Unti-unti na rin akong nakakaramdam ng pagkulo ng dugo ngunit pilit kong pinapakalma ang sarili ko. Gusto ko na rin sanang umalis dito dahil mukhang makaka-disturbo lang ako sa kanila, pero iniisip ko si Calli. Kaya naman palihim akong humihinga nang malalim.
“Oo na cute na.” naiiling na tugon ni Calli saka bumalik sa sala upang ibalik ang frame. Ipinakita niya pa sa akin ang hawak niya bago ibalik ngunit napairap na lang ako.
Ano ba naman kasing gagawin ko roon sa frame? Hindi rin naman ako interesadong makita.
“Ihahanda ko lang yung mga mangkok, guys, wait lang ah.” wika ni Tintin.
Muli namang tumayo si Calli at naglakad patungo sa kinaroroonan niya. “Tulungan na kita,” nakangiting wika nito.
“Salamat.” tugon ni Celestina habang nakangiti rin.
Habang pinanonood silang abala sa pag-aayos ng pagkain ay hinatak na rin ako ng konsensya ko na tumulong sa kanila. Nakakahiya rin naman kasi kung tutunganga lang ako roon kahit na nakikita ko naman na kailangan nila ng tulong. Habang sila ay abala sa mga pagkain, dinala ko naman ang mga mangkok at kutsara pati na ang mga baso at inilagay namin ang mga iyon sa center table na gawa sa kawayan. Sunod na kinuha ni Tintin ay ang coke mula sa kaniyang refrigerator.
Magkatabi kami ni Calli habang si Tintin ay nasa tapat namin.
“Mabuti at pumayag kang sumama, Aris?” panimula ni Tintin habang nakatingin sa akin, tinignan ko siya pabalik saka sumagot.
YOU ARE READING
ROOM 38 (GxG) | ONGOING
RandomCalli is a 2nd-year college student taking the course of Bachelor of Science in Accountancy at Bright Hill University. Napilitan siyang lumipat sa dorm para makatipid ng pamasahe at para makatipid din ng oras sa pagpasok sa school. Aris is a 3rd-yea...