“MISS SILVAÑEZ, pinapatawag po kayo ni Miss Lefevre sa office niya.” wika sa akin ni Moniqa, ang secretary ng CEO na si Miss Lefevre. Tinanguan ko siya at nginitian.
“Sige pupunta na ko, salamat.” Tumango na lang din siya sa akin bilang tugon bago umalis.
Inayos ko na muna ang mga gamit ko at pinatay ang computer na ginagamit ko bago tumayo upang magtungo sa opisina ni Miss Lefevre. Sumakay ako sa elevator at pinindot ang floor na nararapat. Hindi ko mabilang kung nakailang buntonghininga na ako dahil sa kaba na nararamdaman ko, hindi ko alam kung bakit niya ko pinatawag dahil hindi niya naman ugali na sabihin sa secretary niya ang sadya niya sa akin.
Pagkalabas ko ng elevator ay muli akong humugot ng isang malalim na hininga bago kumatok sa pinto ng opisina.
“Come in,” dinig kong wika ni Miss Lefevre kaya binuksan ko na rin agad ang pintuan at pumasok sa loob.
“Good morning, Miss Lefevre…” bungad na bati ko at bahagyang yumukod. Nginitian niya naman ako saka tumayo pagkalapit ko sa table niya.
“Come here,” napalunok ako nang isenyas niya sa akin na mas lumapit pa ko sa kaniya. Bahagya akong napaigtad nang hawakan niya ko sa magkabilang balikat at inilapit ang mukha sa mukha ko upang ibeso ako. “You look stiff. You can move, darling.” Natatawa niyang wika sa akin.
“H-hindi pa rin po sanay, Ma’am…” tinitigan niya ko habang nakataas ang isang kilay kaya naman nataranta ako. “U-uhm… I mean, Zylphia.” Pagbawi ko na nagpangiti naman sa kaniya.
“Take a seat.” Wika niya nang muling maupo na agad ko namang sinunod. Marahan kong kinagat-kagat ang labi ko nang mamayani ang katahimikan sa pagitan namin. “Stop biting on your lip, it’s tempting me.” She said while reading something on her desk. Itinigil ko ang pagkagat sa labi ko at hinarap na siya.
“Bakit niyo po ako pinatawag dito?”
“Oh right, about that,” ibinaba niya ang document na binabasa niya at tunmingin sa akin. “I called you here because of something important. I chose you to be in this project because I know you can do it well. I’m reading a business proposal kaya hindi ko na naalalang sabihin sa’yo kanina.”
“What kind of project, Ma’am—Zylphia?”
“Let us just wait for her to tell you the whole information.” Tumango na lang ako at pinaglaruan ang mga daliri sa kamay.
Ilang minuto lang ang lumipas nang may kumatok sa pinto na agad namang pinatuloy ni Miss Lefevre at iniluwa niyon ang kaniyang secretary, kasunod ang isang pamilyar na babae.
Nanlaki ang mga mata ko nang magtama ang mga mata namin, una na kong umiwas dahil hindi ko kaya ang bigat ng tensyon sa pagitan naming dalawa. Batid kong kung sino man ang dumikit sa akin ay maririnig ang malakas na kabog ng puso ko.
“Good morning, Miss Lefevre, nice to meet you.” Dinig kong wika niya pagkalapit sa amin. Naglahad siya ng kamay kay Miss Lefevre na agad naman nitong tinanggap. Tumayo ako bilang paggalang ngunit nakayuko.
“Nice to meet you, too, Miss Ferenz.” Masayang wika ni Miss Lefevre habang nakikipagkamayan. “By the way, she is Moniqa Zabala, my secretary.” Nag-angat ako ng tingin nang magkamayan sila ng secretary, tinignan ko saglit ang mukha niya ngunit kaagad din akong umiwas kasunod ng isang buntonghininga. “And this is the company’s financial controller, Calliope Silvañez.”
“Hi, Miss Silvañez.” napatitig muna ako sa inilahad niyang kamay bago iyon tinanggap at nakipagkamayan. Tipid ko siyang nginitian at ako rin ang unang nagbitaw.
“Miss Silvañez, she’s Miss Viviana Iris Ferenz, our new interior designer. You will work with her and make sure na maayos ang magiging budget natin doon.”
“S-sa bagong tayo po na building sa kabilang bayan?”
“Yes, naka-schedule na rin ang bawat pagpunta ninyo roon. Bibisita rin ako roon to check if maganda ang progress.”
“Kasama ko po siyang magtrabaho hanggang sa matapos ang lahat ng designs?”
“Of course. Why? You got an issue?”
“Ah, no, ma’am. I’m just… asking po.”
“Good. Ako na ang bahalang magpa-meeting sa accounting department kaya pwede ka nang bumalik sa opisina mo, kami naman ang mag-uusap ni Miss Ferenz.”
Tumango ako at nagmadaling umalis mula sa opisina na ‘yon. Habang nasa elevator ay hawak ko ang dibdib ko dahil mabilis pa rin ang tibok ng puso ko. Hindi ko inaasahan na matapos ang maraming taon ay magkikita ulit kami at magiging magkatrabaho pa.
Damn… I hate that idea!
*****
(A/N; Hello! It's been a long time~ how are y'all? I hope you're doing great!This is my new gxg story, and I hope you'll like it!
The following chapters may contain mature themes that may not be suitable for very young age. And please, if you're not into this kind of stories feel free to leave this book.😊
Thanks in advance for reading!^^
Lovelots❣️)
YOU ARE READING
ROOM 38 (GxG) | ONGOING
RandomCalli is a 2nd-year college student taking the course of Bachelor of Science in Accountancy at Bright Hill University. Napilitan siyang lumipat sa dorm para makatipid ng pamasahe at para makatipid din ng oras sa pagpasok sa school. Aris is a 3rd-yea...