~•Chapter 9•~

297 17 0
                                    

PAGKAPASOK ni Aris sa kuwarto ay nginitian ko siya at tango lang ang iginanti niya sa akin. Bumalik din ako agad sa ginagawa kong task nang maupo siya sa kama niya. Nakadapa ako sa kama habang kaharap ang laptop.

“Close na kayo agad ni Tin?” dinig kong tanong niya kaya sumagot ako habang hindi nakatingin sa kaniya.

“Medyo pa lang siguro, nagsisimula pa lang din kami e.”

“Are you happy with her?”

“Of course,”

“With me?”

Nilingon ko siya at ilang segundong tinitigan, nakatitig lang din siya sa akin habang seryoso ang mukha.

“Anong klaseng tanong ‘yan? Siyempre naman oo! Isasama ba kita sa bahay kung hindi?” natatawa at naiiling na wika ko.

“Good to hear that, though.” kibit-balikat niyang wika bago umiwas ng tingin.

Naalala ko naman ang ibinigay na letter ni Mika kaya umayos ako ng upo mula sa pagkakadapa.

“Siya nga pala, may ipinabibigay ulit si Mika sa’yo.”

“A letter?”

“Yep!” tumayo ako nang makuha ko mula sa loob ng bag ko ang letter upang ibigay kay Aris.

“Ginawa ka na niyang mensahero,” kunot-noong wika niya habang nakatingin sa mukha ko.

Tipid naman akong ngumiti. “Naninigurado lang siyang mababasa mo ang sulat.” nailing na lang siya bago kinuha sa kamay ko ang letter. “Bakit kasi hindi mo siya sulatan pabalik kahit isang beses lang?”

“Kapag ginawa ko ‘yon, mas kukulit siya at aasa sa akin kaya ayoko.”

Napanguso ako.

“Napapagod ka na bang maging taga-abot ng sulat?”

“Ah, hindi naman sa gano’n. Curious lang kasi ako kung may pag-asa ba na maging tulay ako—”

“Calli,” seryoso niyang tawag sa akin kaya hindi ako agad nakatugon sa kaniya. “Hindi ka kailan man magiging tulay, naiintindihan mo? I’m not interested with her,”

“K-kung gano’n, edi sulatan mo siya para sabihin ang totoo.”

“Hindi ko ‘yon gagawin, mas okay sa akin na personal kong sasabihin sa kaniya ang totoo.”

“Hindi kaya siya masasaktan sa sasabihin mo?”

“Obviously, she’ll be hurt, but don’t worry, ipapaliwanag ko sa kaniya para maintindihan niya ko.” tumingin siya sa mga mata ko ngunit agad akong umiwas. “Why do you care so much about her?”

“N-natatakot kasi akong masisi…” napapayukong wika ko.

“Hindi ‘yon mangyayari dahil tagabigay ka lang naman ng sulat. You never opened them, right?” tumango ako habang nakanguso. “Huwag kang mag-alala, akong bahala.” sinsero niyang tugon habang nakangiti kaya unti-unti rin akong napangiti.

“Gawa na ulit ako.” paalam ko at tumango lang siya kaya bumalik na ko sa side ko.

Ako na muna ang nagluto ng hapunan namin ni Aris dahil natapos naman na ako sa task ko at siya naman ang may ginagawa ngayon. Tortang talong muna ang iniluto ko para mabilis maluto, gutom na rin kasi ako at kailangan kong maaga na matulog dahil may gala kami ni Tintin bukas since holiday naman.

“Aalis pala ako bukas, Aris.” panimula ko na ikinatigil niya sa pagkain, tinaasan niya ko ng isang kilay bago muling ngumuya.

“Saan ka pupunta?”

ROOM 38 (GxG) | ONGOINGWhere stories live. Discover now