DAHIL nag-dorm ako ay ilang minuto na lang ang biniyahe ko papunta sa university na pinapasukan ko. May mga nakasabay rin ako na student galing sa dorm na tinutuluyan ko at sa tricycle na lang ako sumakay dahil iyon ang unang dumaan kaysa sa jeep.
Pagkababa ko sa tricycle ay nagbayad na ko ng saktong barya. Ugali ko talaga na sakto lagi ang ibayad para hindi na ko maghintay pa ng sukli lalo na kung nagmamadali.
Pumasok na ko sa gate at nilanghap ang bagong umaga.
Wala naman akong grupo sa university na 'to kaya madalas akong mag-isa simula pa last year. Makikihalubilo lang ako sa mga ka-blockmate ko kapag kinausap nila ako o kaya naman ay kapag may group projects kami at kung may tanong ako sa kanila. May kani-kaniyang grupo naman sila kaya hindi na rin ako nakikisali pa.
"Calli!"
Lumingon ako sa pinanggalingan ng boses at nakita ko si Tintin na tumatakbo palapit sa akin. Mukhang kadarating lang din.
"Hi!" nakangiting bati ko pagkalapit niya.
Humahangos pa siyang sumabay sa akin sa paglakad, "May klase ka rin ng ganitong oras?" tanong niya.
"Oo, major subject namin."
"I see. Kumusta naman ang mga araw mo sa dorm?"
"Maayos naman, kaso ang tahimik ng kasama ko."
Natawa siya, "Ganoon talaga siya, pagtiyagaan mo na lang muna."
"Hanggang kailan ba siya magiging ganoon? Kating-kati na yung dila kong kausapin siya e,"
"Hintayin mo lang hanggang sa maging kumportable na siya, ilang taon din kasi siyang mag-isa sa kuwarto na 'yon kaya siguro sinasanay niya muna ang sarili niya."
"Hmm... gano'n ba. Nagsalita naman siya kanina pero tipid lang,"
"Anong sabi?"
"Sabi niya, 'you can put your gas stove here' napatulala pa ko sa kaniya sa sobrang gulat. Feeling ko tuloy mukha akong ewan that time,"
"Hindi naman nangangagat 'yong si Aris, mukha lang talaga siyang masungit."
"Nag-uusap ba kayo no'n?"
"Naging close naman kami noong high school, pero tulad ng nangyayari kapag nagkahiwalay na, bihira na lang din kami mag-usap. Tanguan na lang din kapag nagkakasalubong kami,"
"Mahirap ba siyang i-close?"
"Hmm... sa akin kasi kaya ko lang siya naging close dahil naging seatmate kami."
"Ahh, I see."
"So pa'no, dito na ko." nakangiti niyang sabi sabay turo sa daraanan niya, "See you around!" dagdag niya bago tuluyang humiwalay sa akin. Ngumiti na lang ako at tumango sa kaniya bago naglakad papunta sa building namin.
Habang wala pang prof ay dumukmo muna ko sa desk ko at iniisip kung paano ko ia-approach si Aris.
Malayo sa bintana ang pwesto ko kaya hindi ako makakadungaw lalo na kung nagmumuni-muni.
Bigyan ko ba siya ng time? Kaso hanggang kailan?
Napabuntonghininga ako.
Feeling ko naman ay welcome ako as her roommate kaso nga lang hindi ko ine-expect na mahihirapan akong i-close siya, ang boring din kapag walang kakuwentuhan kung may kasama naman. Nakakasawa rin kasi humawak ng gadget.
***
LUNCH TIME namin ay pumunta na ko sa canteen para bumili ng kakainin ko. Kailangan ko lang madaliin ang pagkain dahil ayokong ma-late sa next subject.
YOU ARE READING
ROOM 38 (GxG) | ONGOING
RandomCalli is a 2nd-year college student taking the course of Bachelor of Science in Accountancy at Bright Hill University. Napilitan siyang lumipat sa dorm para makatipid ng pamasahe at para makatipid din ng oras sa pagpasok sa school. Aris is a 3rd-yea...