~•Chapter 20•~

245 15 0
                                    

MAAGA akong gumising para tumulong kay mama na maglinis ng bahay dahil hindi pa naman siya masyadong pwede na kumilos dito since inaalagaan niya rin ang kapatid ko. Umalis kasi si papa para bumili ng stocks ni baby pati na ng iba pa naming groceries.

Pagkatapos kong linisin ang bahay at nagbawas ng kalat sa kuwarto ko ay inilabas ko na rin ang mga basura na inipon ko sa garbage bag.

"Calli!" dinig kong tawag sa akin kasabay ng pagsara ko ng takip ng malaking basurahan. May dumaraan naman kasi na truck dito para kolektahin ang mga basura.

Hinarap ko ang kung sino mang tumawag at laking gulat ko nang makita ang isang napakapamilyar na mukha.

"Tintin?"

She giggled as she walked closer to me. "Long time no see!" she said with a wide smile.

"Halaaa! Hindi ko alam na pupunta ka, hindi tuloy ako nakapag-ready! Sana nagsabi ka kasi!" nanghihinayang na wika ko dahil wala akong mai-ooffer na pagkain sa kaniya.

"Ayos lang, ito naman! Saka sinadya kong hindi sabihin sa'yo kasi gusto kitang i-surprise."

Napanguso ako. "Wrong timing naman iyang surprise mo! Tignan mo nga, hindi pa ako naliligo."

"Ayos lang 'yan, maganda ka pa rin naman." pambobola niya na ikinatawa ko naman.

"Nambola ka pa! Halika, pasok ka muna sa loob."

"Busy ka ba?"

"Kanina, pero tapos na kong maglinis kaya don't worry, malinis na ang bahay para sa magandang bisita na katulad mo."

Malawak siyang ngumiti kasabay ng paghampas sa braso ko at sabay kaming tumawa.

Kasunod ko siyang pumasok sa loob at pinaupo ko muna siya sa mahabang sofa. Binigyan ko siya ng isang basong juice kasama ng tinapay na may palaman na peanut butter.

"Hindi ko pa matawag si mama, pinapatulog kasi si Renren sa kuwarto, pero aware naman siya na may bisita ako." wika ko bago maupo sa medyo malayo na space sa tabi niya.

"Ayos lang, baka magising ang baby kapag nakarinig ng kaunting ingay."

"Bakit nga pala napasyal ka?"

"Actually, naligaw pa nga ako kasi yung tinuro mo dati nalimutan ko na, pero alam ko pa rin ang lugar. Yung daan lang talaga papunta sa mismong bahay ninyo ang nalimutan ko kaya nagtanong-tanong na lang ako rito."

Bahagya akong natawa ngunit mas nangingibabaw ang tuwa dahil hindi ko inaasahan ang pagbisita niya rito mismo sa bahay namin.

"Gusto sana kitang ayain na kumain sa labas kung okay lang sa'yo saka kila Tita?" dagdag niya.

"Bakit? Anong meron? May ice-celebrate ba tayo?" nangingisi kong tugon na ikinatawa niya naman sabay hampas nang marahan sa aking tuhod.

"Wala, gaga. Siyempre na-miss kita! At saka... sa ibang lugar na rin kasi ako magtratrabaho eh, lilipat na ko roon sa susunod na linggo kaya gusto ko sana muna na mag-bonding tayo bago ako umalis."

Napanguso ako. "Ano ba 'yan, lahat na lang kayo umaalis at lumalayo sa akin." may bahid ng lungkot na wika ko.

"Grabe naman, beh! May hugot talaga?"

Natawa ako. "Joke lang! Pero siyempre nalulungkot pa rin ako dahil lahat ng mga naging close ko noong college umaalis dito. Merong pupunta sa ibang bansa tapos meron ding pupunta sa ibang lugar,"

"Eh talagang gano'n, kailangan natin magsakripisyo para sa work. Ikaw ba? Wala ka pa rin nahahanap?"

"Mag-aayos pa lang ako ng ibang mga papeles ko this week bago ako mag-apply, tapos kung palarin man ako, idadagdag ko na lang yung mga hihingiin nilang requirements."

ROOM 38 (GxG) | ONGOINGWhere stories live. Discover now