HANGGANG sa pag-uwi ko ay dala-dala ko pa rin ang kaba ko mula kaninang umaga. Hindi pa rin ako makapaniwala na magkikita kami at magkakasama pa sa isang project.
Nakita kong hindi pa naman patay ang ilaw sa loob kaya tumuloy-tuloy lang din ako ng pasok.
“Anak—”
“Ayy palakang kalabaw!” gulat at nakahawak sa dibdib na sabi ko nang tumayo si Mama mula sa pagkakaupo sa sofa.
Napahinga ako nang maluwag sa sandaling mahimasmasan na ‘ko.
“Pasensiya na anak, akala ko napansin mo na ‘ko pagkapasok mo.” bahagyang natatawang wika ni Mama ngunit pinipigilan niya lang.
“Ma naman eh, ang tahimik kasi ng bahay. Hindi ko rin kayo napansin diyan,” malakas pa rin ang kabog ng dibdib na tugon ko.
“Oh siya, hayaan mo na ‘yon. Sorry na, ha? Eh, kanina pa kasi kita hinihintay dahil iaabot ko sa’yo itong invitation mo. Ayoko naman kasing makalimutan kung ipagpapabukas ko pa,”
Iniabot niya sa akin ang kulay dusty blue na invitation. Kinuha ko ito sa kaniya at nakitang wedding invitation ito, maganda ang disenyo at halatang mahal ang ibinayad dito.
“Ipinadala raw ‘yan ni Ciela sabi ng nag-deliver kanina. Eh, sakto wala ka pa kaya ako na lang ang kumuha.”
Ngumiti ako. “Thank you, ‘Ma. Magpahinga ka na, ako na ang bahala mag-lock ng pinto at magpatay ng ilaw mamaya.”
“Sigurado ka?”
Tumango ako bilang tugon.
“Hindi ko pala naitanong, kanino galing iyong mga prutas?”
Napakamot ako sa ulo at napaiwas ng tingin, “Hindi ko rin alam, ‘Ma. Ipinaabot lang daw ‘yan sa intern namin pero hindi nagsabi ng name.”
“Aysus! Secret admirer ba?” nang-aasar na wika niya at medyo inilapit pa ang mukha sa akin.
“Ma naman! Matulog ka na nga,” natatawang sabi ko.
“Ahihi! Oh sige, kung sino man ang secret admirer mo, salamat sa fresh na fresh na prutas!” humagikgik pa siya ulit bago tuluyang tumalikod sa akin at naglakad patungo sa kuwarto nila.
Napailing na lang ako at napabuntonghininga.
Pinagmasdan kong muli ang invitation saka ito binuksan.
Bumungad sa akin ang pangalan ni Ciela at ng groom niya. This Sunday na pala ang kasal nila at hindi naman kalayuan mula rito sa lugar namin ang venue ng ceremony at reception nila.
Napangiti ako nang makita ang ilang prenup shots nila mula sa invitation na hawak ko. They looked so in love— parehong may ningning sa mga mata nila at parehong-parehong mahiwaga ang mga ngiti sa kanilang labi.
Isinara ko na ang imbitasyon saka ini-lock ang pinto bago ako magtungo sa kuwarto ko. Ibinaba ko ang bag ko at itinabi sa drawer ang invitation saka ako kumuha ng damit na isusuot ko sa pagtulog.
Pagkatapos kong mag-shower ay nagpunta muna ako sa kusina para mag-snack at magkape bago tuluyang matulog.
Kinabukasan ay same routine lang bago pumasok sa trabaho. Balak ko rin magpaalam nang maaga mamaya para sana bumili ng ireregalo ko kila Ciela. Alam kong kaya naman na nilang bilhin ang lahat ng mga kailangan nila pero gusto kong magbigay ng regalo na alam kong magiging useful din naman sa kanila. Hindi man ganoon kamahal pero nandoon naman ang sincerity ko sa gift na ibibigay ko.
“Good morning, Ma’am Calliope!” masiglang bungad na bati sa akin ni Lanz nang makasabay ko siyang maglakad patungo sa elevator pagkatapos na mag-in.
YOU ARE READING
ROOM 38 (GxG) | ONGOING
RandomCalli is a 2nd-year college student taking the course of Bachelor of Science in Accountancy at Bright Hill University. Napilitan siyang lumipat sa dorm para makatipid ng pamasahe at para makatipid din ng oras sa pagpasok sa school. Aris is a 3rd-yea...