PAGKATAPOS kong maglinis ng katawan ay nahiga na rin ako sa kama ko. Patagilid akong humiga dahil mas kumportable akong matulog sa ganoong posisyon, ngunit nagulat ako nang biglang tumabi sa akin si Aris at mabilis na yumakap sa akin.
“Aris, hindi tayo kasya! Single bed lang ‘to,” natatawa kong wika habang hindi gumagalaw sa pagkakatagilid.
Mas sumiksik naman siya sa akin at mas hinigpitan ang pagkakayakap bago sumagot sa akin.
“Hindi ‘yan, kasyang-kasya nga tayo oh.” she said while chuckling. Nailing na lang ako at hinayaan na siyang matulog sa tabi ko. “Ang bango talaga ng buhok mo,” pagpuri niya kaya naman napangiti ako kahit nakapikit na.
Mahina ko siyang hinampas sa kamay at nakangiting sumagot, “Matulog ka na nga! Maaga pa tayong papasok bukas.”
Naramdaman ko ang muling pag-amoy niya sa buhok ko kaya muli ko siyang hinampas sa kamay.
“Aris, ano ba!” pagpuna ko habang tumatawa kaya natawa rin siya.
“Can’t help it,” tugon niya.
Humarap na lang ako sa kaniya upang yakapin siya pabalik at inginudngod ang mukha ko sa dibdib niya bago kami tuluyang nakatulog.
Kinabukasan ay sabay kaming nagising at sabay rin na pumasok dahil sabay kaming naligo. Simula nang may mangyari sa amin ay gusto niya nang lagi kaming sabay sa lahat ng bagay.
Pagkababa namin sa tricycle ay magkasaklop ang mga kamay naming pumasok sa campus. Kahit na nag-aalangan pa ko noong una ay isinawalang-bahala ko na lang at hinawakan na pabalik ang kamay niya.
Ang iba ay napapatingin pa sa amin dahil ito ang unang beses naming magsabay na pumasok at magkahawak pa ang mga kamay.
“Kinakabahan ka ba?” nilingon ko siya nang bigla siyang magsalita sa tabi ko.
Tipid akong ngumiti saka umiling. “Hindi naman, hindi lang ako sanay.”
“We should do this often, then.” nakangiti niyang tugon sa akin kaya naman tumango na lang ako habang nakangiti rin sa kaniya.
Pagkapasok ko sa classroom ay bumungad sa akin ang mukha ni Mika habang magkakrus ang mga braso niya. Hindi ko na sana siya papansinin ngunit hinaharangan niya ang bawat na daanan ko kaya huminto na rin ako at tumingin sa kaniya.
“Excuse me, please.” magalang na wika ko para makahingi ng daraanan ngunit nagtaas lang siya ng isang kilay.
“Ikaw ba ang nagsabi kay Vivian na tumigil na ko sa pagpapadala ng sulat?”
Napakunot ang noo ko. “Anong sinasabi mo? Kung ano man ang naging usapan niyo, wala akong kinalaman doon.”
“Eh bakit nandoon ka? Naki-tsismis lang gano’n?”
Natawa ako. “Siya ang nagsama sa akin doon. Hindi ko gugustuhin na marinig ang usapan ninyo pero pinakiusapan niya ko na sumama at makinig.”
“Anong purpose ng presensya mo? Nakatulong ba?”
“Ano bang problema mo sa’kin? Kung tungkol ‘to kay Aris, mas mabuting siya na lang ang kausapin mo.” akma na kong hahakbang ngunit itinulak niya ko, dahilan ng pagbangga ko sa isa naming kaklaseng babae na pumasok.
“Ano ba ‘yan! Diyan pa kasi kayo nagbabangayan!” reklamo nito bago kami nilampasan.
Hinawakan ako ni Mika sa braso at hinatak palabas ng classroom, nag-usap kami malayo sa bungad ng pintuan.
“Nakapag-usap na nga kami ni Vivian, ‘di ba? Kaya ikaw naman ang gusto kong makausap.” muli niyang ipinagkrus ang mga braso niya. “Nakita ko kayo kanina na magkahawak ang kamay, so kaya ba pinatigil ako ni Vivian kasi kayo na?”
YOU ARE READING
ROOM 38 (GxG) | ONGOING
RandomCalli is a 2nd-year college student taking the course of Bachelor of Science in Accountancy at Bright Hill University. Napilitan siyang lumipat sa dorm para makatipid ng pamasahe at para makatipid din ng oras sa pagpasok sa school. Aris is a 3rd-yea...