~•Chapter 18•~

251 14 1
                                    

PAGKATAPOS ng long vacation namin ay nag-enroll na kami for the next academic year at bumalik na rin sa dorm. Si Tita Annie na muna raw ang bahala sa bahay nang tawagan siya ni mama bago kami umalis ni Aris, isinama niya ang isang pinsan ko para may kasama siya sa bahay.

Bago magpasukan ay inayos na namin ni Aris ang mga naiwan naming gamit sa dorm, maalikabok na kasi dahil ilang linggo rin kaming nawala rito. Nagpalit din kami ng bedsheets at saka ng kurtina sa bintana.

“4th year ka na,” pagbasag ko sa katahimikan naming dalawa habang magkatabing nakahiga at magkayakap sa kama niya. “Mabilis lang ‘tong araw, hindi mo mamamalayan graduate ka na.”

She sighed. “Alam mo, kung kaya ko lang na pabagalin ang oras ginawa ko na.”

“Hindi ka ba pwedeng mag-stay pa rin dito after mong maka-graduate?” mula sa pagkakasandal sa dibdib niya ay tumingala ako para makita ang mukha niya.

“I have to find a job, marami rin akong aasikasuhin na beneficiaries bago ako makapag-apply kaya hindi ako pwedeng manatili rito. Kailangan kong magpalipat-lipat ng lugar hanggang sa makahanap ako ng magandang trabaho,”

Napanguso ako at nagsimula nang mabuo ang kung anu-anong senaryo sa utak ko.

What if makalimutan niya ko? What if makakilala siya ng iba? What if… hindi na siya bumalik?

“Don’t jump to conclusion, Calli.” wika niya sa gitna ng bigla kong pagtahimik. “Kahit kailan, hindi kita makakalimutan.”

“Talaga? Eh paano kung hindi na tayo magkita ulit?” gumigilid ang luhang wika ko.

She chuckled and kissed my forehead. “That’s impossible, gagawa at gagawa ang tadhana na pagtagpuin ulit ang landas ng mga tao kung sakali man na hindi natin masunod ang mga plano sa itinakda nating panahon.” she caressed my cheek and stroked my hair with her fingers.

“Iniisip ko tuloy kung bakit pa tayo pinagtagpo nang maaga kung sandaling panahon lang din pala tayong magkakasama.” reklamo ko.

“I believe that it has its purpose, we‘re just busy doing our businesses that’s why we can’t see it.”

“Kung may purpose pala, ano naman ‘yon?”

“Maybe, we both need to learn some life lessons that we didn’t even realize.”

I sighed. “I’m scared…”

“Hmm? Of what?”

“I’m scared that one day, I might lose you just to learn my lesson.”

Pareho kaming natahimik at tanging tunog lang na nagmumula sa bukas na electric fan ang aming naririnig.

Marahil ay wala siyang masabi dahil kahit siya ay hindi rin naman alam ang mga maaaring mangyari sa hinaharap.

First day of school ay nag-usap-usap sila Ciela na kumain kami sa labas after class at pumayag naman ako dahil buong bakasyon ko silang hindi nakita, na-miss din daw nila kami lalo na si Aris dahil naging sobrang busy raw sa akin. Natatawa na lang kami sa mga pang-aasar nila sa amin.

Nagpunta kami sa isang lomihan malapit lang sa BHU, hindi ko akalain na may alam silang kainan na ganito kasi medyo tago itong lugar pero marami ang kumakain. Papasok pa kasi sa isang eskinita bago tuluyang makarating sa lomihan na ‘to.

“Grabe, na-miss ko rito!” bulalas ni Novalee habang nakakapit sa braso ng nobyo.

“Palagi ba kayo rito?” tanong ko sa kanila habang inililibot ang paningin sa lugar.

Maluwag ang kainan na ito at sobrang linis, maayos din ang mga table at hindi masyadong dikit-dikit. May mga indoor plants na nakasabit sa bawat sulok ng lomihan. Maganda at relaxing ang ambiance kaya talagang gaganahan kang kumain.

ROOM 38 (GxG) | ONGOINGWhere stories live. Discover now