~•Chapter 22•~

270 14 0
                                    

KINUHA ko ang susi mula sa bag ko dahil patay na ang mga ilaw sa bahay nang dumating ako. Halos malapit na rin pala kasing mag-alas diyes ng gabi. Malamang ay tulog na sila mama dahil maaga palagi ang gising nila.

Pagkapasok ko sa loob ay ini-lock ko na rin agad ang front door bago dumiretso sa kuwarto ko.

Sumalampak ako ng upo kasabay ng pagbuntonghininga ko.

“Hindi naman na ‘ko umaasa na magkaroon ako ng chance sa’yo, okay na ‘ko sa kung ano man ang maibibigay mo.”

Naitakip ko ang mga palad ko sa buong mukha ko nang maalala ko ang naging usapan namin na ‘yon ni Zylphia.

“Kung ano man ang mangyari sa loob ng opisina, bahala na.” wika ko sa aking isip.

Pagkatapos kong makapagpahinga galing sa pagda-drive ay naglinis na rin ako ng katawan bago tuluyang natulog. Kailangan ko pang maagang gumising dahil may trabaho pa ko.

***

“Anong oras ka na nakauwi kagabi, ‘nak?” bungad na tanong ni mama pagkarating ko sa kusina. Nakabihis na ‘ko ng pamasok at mag-aalmusal na lang bago umalis dahil medyo late na rin akong nagising.

“Mag-alas diyes na rin, Ma.” tugon ko at saka naupo sa silya. May nakahanda na rin agad ako na kape kaya humigop muna ako roon bago naglagay ng pagkain sa plato ko.

“Ahh kaya pala hindi ko na namalayan, tulog na kami niyan nila Wren.”

Luminga ako sa paligid dahil nagtataka ako’t wala akong marinig na madaldal na bata.

“Si Wren, Ma? Pumasok na?”

“Ahh, oo. Eh dumaan yung kumpare ng papa mo kaya isinabay na yung kapatid mo at kaklase pala niya ang anak no’n.”

Napanguso ako dahil hindi ko man lang siya nakita na magpaalam sa akin.

“Hindi man lang nakapagpaalam sa akin,”

“Hay nako nagmamadali ang mag-ama kaya hindi ka na nakatok kanina.” naiiling na tugon ni mama. “Huwag ka nang magtampo riyan at uuwi naman ang kapatid mo mamaya.”

Hindi na lang ako sumagot at nagsimula nang kainin ang mga kinuha kong pagkain.

Pagkatapos kong mag-almusal ay kinuha ko na rin ang bag at susi ng sasakyan ko bago nagpaalam kay mama. Sigurado akong late na rin akong makakarating nito sa opisina dahil medyo traffic pa ang dadaanan ko.

Kanina pa tumunog ang cellphone ko pero hindi ko muna tinignan dahil nagmamaneho ako ng sasakyan. Pagkarating sa area kung saan nagkakaroon ng traffic ay roon ko pa lang tinignan ang notification sa phone ko.

 Pagkarating sa area kung saan nagkakaroon ng traffic ay roon ko pa lang tinignan ang notification sa phone ko

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
ROOM 38 (GxG) | ONGOINGWhere stories live. Discover now