~•Chapter 6•~

338 20 1
                                    

9 AM na kami gumising ni Aris dahil napasarap ang tulog namin. Maglalaba pa ako ngayon para bukas ay tuyo na at itutupi ko na lang dahil ito lang din naman ang dadalhin ko bukas pagbalik namin sa dorm.

Pagkatapos naming magmumog at maghilamos ay dumiretso na kami sa kusina para kumain ng almusal. Naabutan ko roon si Mama na kumakain pa lang din, si Tita Annie ay wala rito ngayon dahil may work siya from Monday to Saturday.

“Good morning, Ma.”

“Good morning po, Tita Avelyn.”

Bungad na bati namin ni Aris bago umupo sa harap niya.

“Oh, sakto kaluluto ko lang din ng almusal ninyo. Pasensya na kayo’t nauna na akong kumain dahil may pupuntahan pa ko,” tugon ni Mama sa amin habang kinukuhanan kami ng plato at kutsara.

“Aalis ka, Ma?” kunot-noong tanong ko matapos na kuhanin ang iniabot niyang plato sa amin.

“Ayy hindi ko pala nasabi sa iyo at nakalimutan ko kagabi. Yung kumare ko kasi doon sa kabilang baranggay ay nagpapatulong sa akin na magluto dahil birthday raw ng pamangkin niya. Huwag kang mag-alala, mag-uuwi naman ako ng mga handa.”

Bahagya akong natawa at napailing, “Dapat hindi mawawala ang shanghai, Ma, ah?”

“Oo naman, alam kong iyon ang target mo sa handaan.” natatawa niyang tugon bago tumayo. “Oh siya, maiwan ko na muna kayo ah? May iniwan naman akong ulam diyan para sa tanghalian ninyo mamaya, baka hapon pa ko makauwi e.”

“Sige, Ma. Ingat ka,”

“Ingat po, Tita.”

“Sige, salamat. Mag-iingat din kayo rito sa bahay,” tugon ni Mama. Tinanguan na lang namin siya habang nakangiti bago siya lumabas ng bahay.

Kami naman ni Aris ay kumain na ng almusal at pagkatapos ay naghugas na ng mga pinagkainan at mga pinaglutuan ni Mama.

“Ganito kayo lagi sa bahay ninyo?” tanong ni Aris habang hinihintay akong matapos sa pagsasabon ng mga hugasin, siya kasi ang magbabanlaw ng mga ito.

“Hindi naman. Dati kasi bago ako mag-dorm ay kaming dalawa lang ni Mama rito, si Tita Annie kasi nag-stay lang dito sa bahay para may kasama si Mama noong sa dorm na ko nag-stay, kinausap siya ni Papa.”

“I see. Ilang taon na bang nasa abroad si Papa mo?”

“Hmm… I think, 7 years?”

“Ahh matagal na rin pala,”

Naghugas na ko ng kamay at siya naman ang pumalit sa akin para magbanlaw ng mga sinabunan ko.

Gusto kong magtanong about sa family niya pero ayoko namang masira ang araw niya dahil mukhang hindi siya kumportableng pag-usapan ang tungkol doon.

“You want to ask something?” tila nabasa niya ang isip ko kaya agad akong umiling at sinserong ngumiti nang lingunin niya ko.

“Hmm… gusto ko lang sana malaman kung… paano ka naging close kila Ciela?” pag-iiba ko na lang sa topic na gusto ko.

“Oh, about that…” she chuckled. “First day of class noong first year pa lang kami akala nila mataray ako dahil sa mata ko, tahimik lang din ako noon at hindi ako makikipag-usap hangga't hindi sila ang unang kakausap sa akin.”

“Sila lang ba ang closest friends mo?”

“They are my close friends, but Ciela is my closest friend among them.” she shrugged her shoulders. “I don’t know, I just feel comfortable talking to her about my rants in life and she’s giving me a lot of advice na hindi ko naman alam kung paano isa-isang susundin.”

ROOM 38 (GxG) | ONGOINGWhere stories live. Discover now