(WARNING: This chapter contains RATED 🔞.)
*****
A MONTH later ay marami naman nang progress sa bagong building sa kabilang bayan. Kailangan kasi na matapos ito bago sa itinakdang araw ng pagbubukas nito.
Nagiging maayos na rin naman kami ni Aris at nanghingi siya ng tawad dahil hanggang ngayon ay hinahanap niya pa ang tiyempo para ipaliwanag sa akin ang lahat. Kailangan daw ay pareho kaming handa kapag isa-isa na niyang idinetalye kung ano ang nangyari sa kaniya at kung ano ang pinag-ugatan ng desisyon niyang ‘yon.
Kasalukuyan akong paakyat sa office ko upang ipasa ang ibang documents na ipinapagawa sa akin kahapon. Kinuha ko ang susi ng office ko mula sa bag at saka binuksan ang pinto.
Halos malaglag ang puso ko nang makita kong nakaupo si Aris sa office chair ko at malawak ang ngiti sa akin.
“Anong ginagawa mo rito? Paano ka nakapasok?”
Tumayo siya at saka sumagot. “Hindi mo na-lock ang pinto. Akala ko nandito ka na pero pagpasok ko wala pang tao.”
“Naiwan kong bukas ang office ko?”
“Mismo.”
“Shocks buti walang nawala na documents sa desk ko.”
“Luckily, wala naman.” she crossed her arms. “Anyway, pupunta ka ba sa kabilang bayan ngayon?”
“Mm. Magpapasa lang ako ng reports and other documents na in-assign sa akin.”
“Great! Then, sabay na pala tayong pumunta roon.”
“Teka nga, eh ‘di ba dapat nandoon ka ngayon?” kunot-noo kong tanong.
“Si Haven muna yung nandoon, sabi ko susunod na lang ako.”
“May gagawin ka ba rito?”
“Wala naman, gusto lang kitang puntahan.”
Sinamaan ko siya ng tingin.
“Mauna ka nang pumunta roon, baka bandang tanghali pa ‘ko makapunta.” wika ko saka ibinaba ang bag ko sa gilid ng table bago umupo sa office chair.
“Edi hintayin kita,”
“No need na, Aris. Kailangan mong tutukan yung building na ‘yon. Remember, may deadline kang hinahabol.”
Lumapit siya sa table ko at itinungkod ang dalawang siko saka tumitig sa’kin.
“At may babae akong hinahabol,”
Napalunok ako at umiwas ng tingin.
“M-magkaiba ‘yon.”
“Pero pareho kong pinagtratrabahuhan. Kaya pareho na ‘yon,”
“It’s work vs. personal, Aris.”
Ngumuso siya.
“Fine,” tumayo siya nang maayos. “Nag-almusal ka ba?”
“Yeah, katatapos ko lang din magkape. Ikaw?”
“Yup. Bago ako pumunta rito,”
Nakarinig ako ng ilang katok mula sa labas ng pinto bago ito bumukas.
“Miss Si— oh, good morning po, Miss Ferenz.” bungad ng secretary ni Miss L. Nginitian naman siya ni Aris at binati pabalik. “Uhm, Miss Silvañez, pinapapunta po kayo ni Miss Lefevre sa office niya. Ngayon na raw po,”
“Alright, thank you.” tugon ko at saka tipid na ngumiti.
Matapos na makuha ang sagot ko ay isinara na rin niya ulit ang pinto at narinig ko ang paglakad niya paalis.
YOU ARE READING
ROOM 38 (GxG) | ONGOING
RandomCalli is a 2nd-year college student taking the course of Bachelor of Science in Accountancy at Bright Hill University. Napilitan siyang lumipat sa dorm para makatipid ng pamasahe at para makatipid din ng oras sa pagpasok sa school. Aris is a 3rd-yea...