(⚠️CAUTION: The following chapter contains references to self-harm. Reader discretion is advised.)
***
Aris's POV.
Sinend ko sa mga kaibigan ko ang place na pagkikitaan namin. Pinili kong i-set ang lugar sa kabilang bayan para mas payapa ko silang makita. Hanggang ngayon kasi ay hindi pa rin ako nagpaparamdam kila Dad. Sigurado kasi ako na wala naman magandang maidudulot kapag nagpakita pa 'ko sa kanila.
Pagkahinto ng kotse sa parking area ay nilingon ako ni Kit saka nagsalita.
"I'll just wait you here. Please, take care, sis." may halong pag-aalala niyang sabi.
I nodded and smiled at her. "Thank you."
Bago ako bumaba ng kotse ay isinuot ko na muna ang hood ng suot kong hoodie jacket bago tuluyang pumasok sa coffee shop. Huminto na muna ako sa pintuan upang hanapin ang table nila, ang sabi kasi nila ay nandito na silang lahat dahil sabay-sabay silang pumunta.
Nang makita ko na kung saan ang puwesto ng kinaroroonan nilang table ay mabigat ang mga paa kong nagtungo roon. Hindi ko alam kung bakit pero habang papalapit ako sa kanila ay nararamdaman ko ang pagbigat ng hininga ko.
Marahil ay dahil sa nerbyos.
"Aris?" magkakahalong gulat, excitement, at pag-aalala ang mababakas sa mga mukha nila nang tawagin ako ni Amalia. Sabay-sabay silang tumayo at mahigpit akong niyakap. Kahit na hindi ko na magawang huminga nang maayos dahil doon ay pinili ko pa ring manatili sa yakap nila habang nakangiti.
Sa sandaling nagpasya na silang bumitaw mula sa pagkakayakap ay doon na nila ako pinaupo at sinimulang kumustahin. Nakiramay rin sila sa pagkawala ni Lola kahit na ilang araw na rin ang nagdaan.
"Where have you been? Pinag-alala mo kami nang sobra!" panimula ni Ciela.
"Paano nangyari na nakapag-enroll ka pa rin? May tinutuluyan ka ba?" si Amalia.
"Hmm. Kumakain ka ba nang maayos? Nakakatulog ka ba?" wika naman ni Novalee.
"Mukhang simula nang umalis ka hindi ka na nakakapagpahinga nang maayos. Ano bang nangyari sa'yo?" tanong naman ni Marcus.
Napabuntonghininga na lang ako at nakayukong sumagot sa lahat ng mga katanungan nila. Pero hindi ko sinabi na tinutulungan ako ng pinsan ko dahil posible na patuloy pa rin sa paghahanap sa akin sila Dad para mapagsabihan ako lalo na't hindi nila ako nakita sa libing ni Lola.
"And by the way, I'm leaving the dorm for good. Maybe I'm leaving this country soon," seryosong wika ko habang isa-isa silang tinignan.
"Paano si... Calli?" malungkot at may pag-aalinlangan na tanong ni Ciela.
Umiwas ako ng tingin at pinaglaruan ang mga daliri ko sa kamay. Naalala ko na naman kasi ang sagutan namin ni Calli kanina bago ako tuluyang umalis.
"I'm... I-I'm leaving her too," I answered, tears starting to form in my eyes. "S-Sinabi ko na rin sa kaniya ang sadya ko bago ako tuluyang umalis doon."
"Eh, saan ka naman pupunta niyan?" nag-aalalang tanong ni Amalia.
"Sa kung saan malayo ako sa lahat," I sighed as I prevent myself from crying. "Pasensya na kung pati kayo maiiwan ko... I j-just want to fix myself. Masyado ko na rin kayong nadadamay,"
"Shhh... Aris, ano ka ba. Huwag ka ngang mag-isip ng ganiyan, para saan pa't mga kaibigan mo kami?" pagsaway sa akin ni Novalee ngunit umiling lang ako.
"I know you're my good friends and I'm so thankful for you guys, but I want you to live peacefully. I'm leaving for your own good."
"Aris..."
YOU ARE READING
ROOM 38 (GxG) | ONGOING
RandomCalli is a 2nd-year college student taking the course of Bachelor of Science in Accountancy at Bright Hill University. Napilitan siyang lumipat sa dorm para makatipid ng pamasahe at para makatipid din ng oras sa pagpasok sa school. Aris is a 3rd-yea...