~•Chapter 4•~

338 18 0
                                    

NAALIMPUNGATAN na naman ako ng madaling araw kanina at narinig ko na naman iyong narinig ko rin kahapon ng madaling araw. Ayoko nang alamin kung ano ‘yon at ayoko na ring punahin dahil ayoko na magkailangan kami.

For the first time ay nagpaalam ako sa kaniya na mauuna na kong pumasok. Pakiramdam ko ay ibang-iba ang umaga ko ngayon kaysa nitong mga nakaraang araw.

Pagkarating ko ng university ay kaagad ko namang nakita si Ciela na papasok pa lang din sa loob kaya tinawag ko siya.

“Good morning!” nakangiting bungad ko sa kaniya na bahagya niya pang ikinagulat nang makita ako.

“Oh, ikaw pala! Nagulat pa ko sa’yo,” bahagya kaming natawa dahil sa reaksyon niya at nagsimula nang maglakad. “Good morning din, and by the way, parang ang saya mo ngayon?”

“Hmm… kinausap na kasi ako ni Aris, hehe…”

Bahagyang nanlaki ang chinita niyang mga mata, “Weh? Sinong unang kumausap?”

“Siya,”

“Si Aris? As in? Legit?”

Sunod-sunod ang pagtango ko sa mga tanong niya habang nakangiti, “Nagulat pa nga ko kagabi kasi bigla siyang nagsalita tapos ibinahagi niya pa yung niluto niyang ulam sa akin.”

“Wow, himala! Swerte mo ah,”

“Bakit?”

“Eh kasi bago namin maka-close ‘yan kami pa ang lumapit, kaya swerte ka dahil siya ang unang lumapit sa’yo.”

Bahagya akong napanganga at napatahimik ng ilang segundo, “So bihira lang siya mag-first move?”

“Oo. Alam mo ba noong first day of class namin noong first year, akala namin masungit kasi mukha siyang mataray. Tapos iyon pala ay hindi naman, sa totoo lang ay maalaga ‘yan pero hindi mo lang talaga maiintindihan minsan.”

“Bakit? Magulo ba mag-isip?”

“Hindi naman, hindi lang siya minsan sigurado sa mga desisyon niya. Kaya nga sabi ko sikapin niyang i-apply sa sarili niya na pag-isipan na muna nang maigi bago ibigay ang desisyon. Palagi kong sinasabi sa kaniya ‘yan,”

“Sa inyong grupo ba, kayong dalawa ni Aris ang mas dikit?”

“Mm-mm. Nago-open din naman siya sa tatlo pero mas marami siyang nao-open sa akin, kaso hindi ko sure kung lahat nga ba ay na-open niya na.”

“I see, tahimik ba talaga siya?”

“Anong tahimik? May pagkamadaldal din ‘yon tapos minsan mapang-asar gano’n kaya nakakatawa naman siya kapag kasama kami,”

Napangiti ako. “Sana magtuloy-tuloy ang pag-uusap namin kahit na hanggang 4th year na lang siya roon sa dorm.”

“Hmm… mukhang kumportable ka na agad sa kaniya,” nakangiti niyang puna.

“M-medyo…” tugon ko. Kumportable naman ako kay Aris dahil kumportable rin naman ako sa kuwarto na ‘yon, ang kaso lang ay kailangan ko pa muna na mas kilalanin pa siya para mas maging kumportable na ko at hindi na mailang minsan. “Ah, siya nga pala bago ko malimutan. Hihingiin ko sana account niyo sa facebook pati sana twitter mo, hehe…” pag-iiba ko sa topic.

“Oh, right! Ikaw ba yung nag-follow sa akin kagabi?”

“Hmm. Ako nga,”

“Okay, message ko na lang sa’yo mamaya sa ig para kumpleto na. Ise-send ko rin mga profile para hindi ka malito, minsan kasi may kapangalan e.”

“Okay, thanks!”

“No problem! Dito na ko,” pagturo niya sa kung saan siya patungo at tumango naman ako habang nakangiti.

ROOM 38 (GxG) | ONGOINGWhere stories live. Discover now