~•Chapter 7•~

314 20 1
                                    

NAPABALIKWAS ako ng bangon nang makitang alas diyes na pala ng umaga. Masyadong napasarap ang tulog ko dahil sa pagod kahapon. Lumabas ako sa kuwarto ko na walang naabutan na kahit sino.

Nasaan ang mga tao rito?

“Ma? Tita? Aris?” isa-isang pagtawag ko habang pupungas-pungas pang naglalakad habang tumitingin sa paligid ng bahay.

Nasaan ba sila? Iniwan ako rito mag-isa?

Napabuntonghininga na lang ako at umiling bago nagtungo sa lababo upang magtanggal ng muta at magmumog. Mamaya na lang ako maliligo kapag bibiyahe na kami pabalik sa dorm, maglilinis pa naman ako ng bahay kaya pagpapawisan pa ko.

Nagtimpla na lang ako ng kape at saka kumuha ng sliced bread bago pinalamanan bilang almusal kahit na alas diyes na. Pantawid gutom lang dahil nalipasan na rin ako at tanghalian na mamaya.

Abala ako sa pagwawalis nang makarinig ako ng tricycle na huminto sa tapat ng bahay namin. Inuna kong walisin ang mga kuwarto bago ko sinimulang walisin ang kusina papunta rito sa sala.

Napahinto ako sa pagwawalis at sumilip sa bintana dahil hindi ko binubuksan ang pinto lalo na't mag-isa lang ako rito. Nang sumilip ako ay nakita ko sina Aris at Mama na may mga dalang groceries kaya binuksan ko ang pinto para hindi na sila kumatok. Tigdalawa silang plastic na malaki, mukhang namili ng stocks si Mama.

Matapos kong buksan ang pinto ay ipinagpatuloy ko na ang pagwawalis ko dahil baka bumalik pa sa loob ang kalat, patapos naman na ako nang marinig ko ang sasakyan sa labas kanina.

“Oh? Mabuti at gising ka na,” bungad sa akin ni Mama. Kasunod niya si Aris na ngumiti lang sa akin kaya nginitian ko rin siya pabalik.

“Nagising ako na walang tao kanina,” tugon ko.

“Maaga kasing nagising itong si Aris, tapos sabi ko bibili ako ng stocks, eh gustong sumama kaya sinama ko na.” wika ni Mama habang naglalakad papunta sa kusina.

Dinakot ko na ng dustpan ang mga kalat at inilabas ang ibang natira dahil alikabok na lang naman, pagkatapos ay itinabi ko na rin ang ginamit kong walis at dustpan bago sumunod kila Mama sa kusina.

Naabutan ko silang kasalukuyan nang nag-aayos ng mga pinamili nila kaya tumulong na rin ako.

“Nasaan nga pala si Tita, Ma?”

“Ahh maaga siyang umalis e. May outing daw sila ng mga kasamahan niya, mamayang hapon o gabi na rin naman na siya uuwi kaya huwag kang mag-alala.”

“Ahh nagtaka lang ako kasi ako lang talaga mag-isa kanina,”

“Hehe… hindi ka na rin namin ginising dahil ang sarap ng tulog mo.” komento ni Aris.

“Sinulit ko na dahil may pasok na naman bukas,” natatawang wika ko.

“Siya nga pala, binilhan ko na kayo ni Aris ng snacks niyo kung sakali na mag-extend kayo ng time sa paggawa ng activities,” wika ni Mama habang inilalabas ang tatlong balot ng snacks kaya napaawang ang labi ko. Tumingin ako kay Aris at kibit-balikat lang ang itinugon niya sa akin habang nakangiti.

“Hindi na dapat kayo nag-abalang bilhan kami, Ma.”

“Hay nako, hayaan mo na dahil nabili ko na.”

“Tumanggi rin ako kanina kay Tita Avelyn pero hindi talaga siya pumayag na ibalik,” pagsingit ni Aris kaya napanguso ako.

“Hindi naman namin mauubos ‘yan,” depensa ko.

“Sinabi ko bang ubusin ninyo agad?” sagot ni Mama kaya hindi na ko nagsalita at mas napanguso na lang, habang si Aris naman ay natawa dahil nabara ako ni Mama. “Oh siya, bilisan na natin dito nang makapagluto na si Aris ng pananghalian.”

ROOM 38 (GxG) | ONGOINGWhere stories live. Discover now