PAGKATAPOS kong mag-almusal ay naligo na ‘ko at nagbihis. Inayos ko rin muna ang sarili ko bago tuluyang nagpaalam kila mama patungong trabaho.
Sumakay na ‘ko sa kotse ko at binuksan ang makina nito. Chineck ko muna ang phone ko if ever na may message pero wala naman kaya nagpatuloy na ‘ko sa pag-drive patungo sa kabilang bayan.
Pagkarating ko roon ay wala pa ang kotse ni Aris kaya ang ibig sabihin lang no’n ay nauna akong dumating kaysa sa kaniya.
Baka nag-road trip pa ‘yong dalawa ah.
Napangiwi ako sa isipin at umiling na lang upang burahin iyon sa aking isip.
Eksakto namang pagkalabas ko ng kotse ko ay sumunod na ang pagdating ng kotse ni Aris. Sumandal ako sa gilid ng kotse ko at pinanood siyang magparada sa tabi nito. Naaninag ko na may kasama siya sa loob at nakaupo ito sa passenger’s seat na kinauupuan ko kahapon.
“Good morning,” maliwanag ang ngiting bungad ni Aris sa akin pagkalabas niya ng kotse.
Hindi ko siya pinansin at hinintay lang na lumabas ang kasama niya.
“Good morning, Miss Silvañez!” masiglang bati sa akin ng assistant niya na kalalabas lamang mula sa kotse niya.
Nagpalipat-lipat ang tingin ko sa kanilang dalawa at saka tipid na tumango bago bumati pabalik.
“G’morning. Tara na sa loob, malapit na rin mag-start ang trabaho.” pagkasabi ko no’n ay tumalikod na rin ako agad ngunit hinarangan ni Aris ang dadaanan ko.
Nakangiti siya sa akin at saka itinaas ang plastic na may laman na iced coffee.
“Uhm… what about that?” nagtatakang tanong ko.
“It’s yours. I bought it before going in here ‘cause I know you like it.” kibit-balikat niyang tugon habang iniaabot sa akin ang kape.
Nangungusap ang mga mata niya na naging dahilan ng pag-alala ko sa white tulips na pinadala niya kanina. Hindi niya pa sinasagot ang tanong ko tungkol doon.
Sumunod naman ang assistant niya na pumuwesto sa tabi ni Aris at ngumiti rin sa akin.
“I suggested that flavor dahil napansin ko po na iyan ang iniinom mo last time na nakita kita sa coffee shop.” she said.
“Oh, okay… thank you. Nag-abala pa kayo,” kinuha ko ang kape dahil bukod sa hindi ako makatanggi ay ayoko naman magmukhang masama. “Let’s go?”
Pareho silang tumango kaya sabay-sabay na kaming naglakad patungo sa entrance ng building.
“Wow! Ang bilis naman ng progress, Miss Ferenz. Kahapon lang kayo nag-start ‘di ba?” bungad na wika ni Haven nang makapasok sa loob.
“Yup. Eh, ang sisipag nilang kumilos kaya medyo marami ring nagawa kahapon.” tugon ni Aris.
Nasa likod lamang nila akong dalawa, mga isang metro ang layo mula sa kanila. Hawak ko sa isang kamay ang notes ko para sa reports at iced coffee naman sa kabilang kamay.
“Start na po tayo, excited na ‘ko sa first day ko rito!” muling wika ni Haven at nauna nang maglakad sa amin.
Nilingon ako ni Aris na may ngiti sa labi ngunit unti-unti iyong nawala nang makita ang mukha kong hindi gumuguhit ang ngiti.
“What’s wrong?” nag-aalalang tanong niya pagkalapit sa akin.
Tinitigan ko siya at nag-iisip ng isasagot ngunit walang pumapasok sa isip ko kaya umiwas na lang ako ng tingin. Tahimik akong umiling saka nagsalita.
“Nothing, let’s start the tasks for—” napigil ang paghakbang ko nang hawakan niya ang braso ko, kaya naman napatingin muna ako sa pagkakahawak niya bago siya tinignan sa mukha.
YOU ARE READING
ROOM 38 (GxG) | ONGOING
RandomCalli is a 2nd-year college student taking the course of Bachelor of Science in Accountancy at Bright Hill University. Napilitan siyang lumipat sa dorm para makatipid ng pamasahe at para makatipid din ng oras sa pagpasok sa school. Aris is a 3rd-yea...