(WARNING: This chapter contains RATED 🔞.)
*****
WE ARE both standing in front of the door with room number 308. She’s holding the key while also staring at the door.
“Shall we?” pambabasag niya sa katahimikan naming dalawa. I looked at her with a light smile and nodded.
Gamit ang susi ay binuksan niya na ang doorknob at nagpatiunang pumasok matapos na buksan ang pinto. Isang kuwarto na lang ang kinuha namin dahil hindi naman na bago sa amin ang maging roommate.
“Uhm… ikaw na muna ang mag-shower para mahimasmasan ka.” wika ko nang maupo sa kama. Umiling siya at ipinatong ang susi ng kuwarto sa ibabaw ng nightstand sa kaliwang bahagi ng kama.
“I’m fine. Mauna ka na, alam kong kanina mo pa gustong magbihis.”
Tumayo ako at pupunta na sana sa bathroom nang maalala kong wala nga pala akong dalang damit. Pumihit ako paharap sa kaniya at nahihiyang tumingin dahil nakatitig lang siya sa akin habang hinihintay ang aking sasabihin.
“Uh… ano kasi… w-wala akong dalang damit. Ang awkward naman para sa akin kung… i-ito ulit ang isusuot ko.” saglit akong sumulyap sa kaniya bago muling umiwas.
Marahan siyang natawa at ibinigay sa akin ang isang tuwalya na nakapatong sa ibabaw ng kama. “I’m sure may bathrobe sa loob. You can wear it while sleeping.”
“B-Bathrobe?” nanlalaki ang mga matang wika ko. Pakiramdam ko ay nag-init ang mukha ko sa isipin na wala akong kahit na anong suot liban sa bathrobe kapag natulog.
Napalingon ako kay Aris nang marinig ko ang kaaya-aya niyang tawa.
“Damn! You’re so cute when you blush!” nakangisi niyang wika.
Napahawak naman ako sa magkabilang pisngi ko at mabilis na tumalikod sa kaniya dahil sa hiya.
“M-Magsho-shower na ko!” paalam ko bago mabilis na humakbang papunta sa bathroom. Pagkasarado ko ng pinto ay napasandal na lang ako sa likod no’n habang nakahawak sa dibdib kong malakas ang kabog.
Lasing lang siya, okay?
Marahas kong naibuga ang hangin at mariing napapikit. I whined silently.
“Bakit ka ba kasi namula?! Kung anu-anong iniisip mo!” pabulong na pangaral ko sa aking sarili bago tuluyang pumasok sa shower room.
Itinali ko nang mahigpit ang tali ng bathrobe bago ako lumabas ng bathroom. Nakabalot ng tuwalya ang buhok ko dahil binasa ko rin para mawala ang tama ng alak sa akin.
“B-Bakit?” utal na tanong ko nang makita kong nakatitig sa akin si Aris. Ngumiti lang siya saka umiling bago tumayo habang hawak ang isang tuwalya, naglakad siya papunta sa bathroom dahil siya naman ang magsho-shower.
Napalunok ako nang makita ang malaking kama. Ito ang unang beses namin na magtatabi sa iisang higaan dahil kahit magkasama kami sa isang kuwarto ay magkahiwalay naman ang aming higaan. Pumuwesto ako sa kaliwang side ng kama at naupo habang pinupunasan ng tuwalya ang aking basang buhok upang matuyo. Kinuha ko ang suklay sa bag ko para ayusin ang magulo kong buhok.
“Okay ka na?” tanong ko kay Aris pagkatapos niyang mag-shower. Nagpupunas din siya ng buhok niya at naupo sa tabi ko, bathrobe lang din ang tanging nakabalot sa hubad niyang katawan.
“Hmm. Medyo nahimasmasan na rin, nakatulong ang shower kahit papaano.” tumango na lang ako sa itinugon niya at hindi na nagsalita pa.
“Magiging kumportable ka ba sa iisang kama?” tanong niya matapos ng ilang minutong katahimikan.
YOU ARE READING
ROOM 38 (GxG) | ONGOING
RandomCalli is a 2nd-year college student taking the course of Bachelor of Science in Accountancy at Bright Hill University. Napilitan siyang lumipat sa dorm para makatipid ng pamasahe at para makatipid din ng oras sa pagpasok sa school. Aris is a 3rd-yea...