MIDTERMS WEEK namin ay dumating si Papa mula sa ibang bansa, hindi na ko nakasama sa pagsundo sa kaniya sa airport dahil nasa school ako that time para mag-take ng exam. Hindi pa rin ako makakauwi roon hangga’t may subjects pa ko na hindi pa nate-take at naiintindihan naman nila.
Pagkatapos ng schedule ng exam namin ngayong araw ay dumiretso na ko ng uwi sa dorm. Aayain pa nga sana ako ni Ciela na kumain sa labas kahit kaming dalawa lang pero wala na akong lakas.
Pagkasarado ko ng pintuan ay dumiretso na agad ako sa kama ko at pasalampak na umupo roon kasabay ng pagbuntong-hininga ko.
Nilingon ko ang dating puwesto ni Aris na ngayon ay isa nang bakante. Hindi na niya kinuha pa ang iba niya pang gamit kaya itinanong sa akin ni Nay Benilda kung gagamitin ko raw ba o hindi, pero hangga’t may nakikita akong gamit niya ay alam kong hindi ko magagawang maka-move on kaya ipinatanggal ko na lamang dito.
Mariin akong napapikit at napailing nang magsimula na namang bumuo ng nakalipas na pangyayari ang aking isip. Hindi ako makapagpapatuloy kung araw-araw na lang akong ganito rito. Gusto ko sanang magpalipat ng kuwarto ngunit naisip ko rin na malapit naman na akong tumuntong ng 4th year kaya titiisin ko na lamang na manatili sa kuwarto na ito.
Tumayo na ako upang makapagbihis. May re-reviewhin pa kasi akong subjects na naka-sched para bukas. Last 2 days naman na ng midterms kaya makakapaglaan na rin ako ng oras para makauwi sa amin.
Bago ako mag-review ay nagluto na muna ako ng hapunan hanggang almusal ko dahil hindi na ko makakapagluto kapag na-busy na ko.
Alam na rin ni mama ang tungkol sa pag-alis dito ni Aris kaya alam niya na mag-isa lang din ako rito sa kuwarto. Nag-alala nga raw si papa pero ang sabi ni mama ay maayos naman daw ang dorm at safe sa loob.
***
PAGKATAPOS ng midterms week namin ay nagpaalam na agad ako kay Nay Benilda na uuwi muna ako sa amin. Babalik din naman ako ng Linggo tulad ng palagi kong ginagawa simula pa noong una.
Hindi na ko nag-abala pa na mag-impake ng damit dahil naayos ko naman na kagabi para diretso alis na lang ako ulit pagkauwi ng dorm pero nagbihis na muna ako bago tuluyang umalis.
Nang nasa sakayan na ko ay tumawag si mama para alamin kung nasaan na ko, at dahil maaga akong umalis dito ay tiyak ko na maaga rin akong makakarating doon mamaya.
Natulog na lang muna ako saglit habang nasa biyahe dahil napagod ang utak ko sa exam kanina, naalala kong hindi pa nga pala ako kumakain dahil hindi ko na iyon naisip bago umalis. Babawi na lang ako mamaya pagkababa ng bus.
Ilang oras lang din naman ang biyahe bago ako tuluyang nakarating sa bayan namin. Pagkarating ko sa bahay ay kaagad akong sinalubong ni papa ng isang mahigpit na yakap. Nasa likuran niya si mama na malawak na nakangiti sa amin.
“Na-miss kita, Pa! Sobra!” tuwang-tuwang wika ko pagkabitaw namin sa yakap.
“Mas na-miss ko kayo ng mama mo, anak. Kumain ka na ba? Halika’t magmeryenda ka na muna habang nagluluto pa ng hapunan ang mama mo. Ipinagluto kita ng carbonara.”
Agad na nanlaki ang mga mata ko at mas naramdaman ang pagkagutom dahil sa sinabing iyon papa. Bukod kasi sa pagka-miss sa kaniya ay na-miss ko rin ang mga lasa ng luto niya, magkaiba kasi sila ng timpla ni mama pero pareho kong hinahanap-hanap.
“Talaga?” kumikinang ang mga mata na komento ko.
“Oo naman, mainit-init pa dahil bago magluto si mama mo ng hapunan ay nagluto na muna ako.”
“Yey! Na-miss ko ‘yon, Pa! Buti naalala mo?”
“Makakalimutan ko ba ‘yon, eh paborito iyon ng anak ko?”
YOU ARE READING
ROOM 38 (GxG) | ONGOING
RandomCalli is a 2nd-year college student taking the course of Bachelor of Science in Accountancy at Bright Hill University. Napilitan siyang lumipat sa dorm para makatipid ng pamasahe at para makatipid din ng oras sa pagpasok sa school. Aris is a 3rd-yea...