~•Chapter 10•~

293 19 1
                                    

“AYOKO.” Tipid na sagot ni Aris habang magkakrus ang mga braso sa kaniyang dibdib. Magkaharap kami na nakaupo sa sarili naming mga kama.

“Bakit? Eh ‘di ba, naging close naman kayo ni Tintin?”

“Yeah,”

“Oh eh bakit ayaw mong sumama? Diyan lang naman ‘yon sa baba.” Nakanguso kong wika habang nagpapaawa sa kaniya. Umiwas naman siya ng tingin saka napabuntonghininga.

“Fine. Sa Sabado lang ah? Wala nang kasunod kung mag-aya man siya ulit.” Nakaiwas ang tingin na wika niya. Gumuhit ang malawak na ngiti sa akin, mabilis akong tumayo upang sugurin siya ng yakap.

I giggled.

“Thank you!” I felt her body stiffen so I immediately pulled away. “Sorry… did I make you uncomfortable?” nag-aalalang tanong ko sa kaniya. Agad naman siyang umiling at malumanay na ngumiti.

“No, it’s fine… nagulat lang ako.” Tugon niya at saka tumalikod kaya napansin ko ang pamumula ng tainga niya. Hindi ko na lang iyon pinansin at iba na lang ang aking sinabi.

“Matutulog ka na?”

“Hmm. Napagod ang utak ko sa tasks kanina.” Tugon niya habang inaayos ang unan niya.

Tumango ako at saka tumayo. “Good night, then!”

“Huwag mo nang isara.” Napatigil ako mula sa pagsara ng kurtina sa pagitan ng side namin nang magsalita siya. Saglit ko muna siyang natitigan bago nagsalita.

“Bakit?”

“I wanna see you sleeping,” kibit-balikat na tugon niya. Pakiramdam ko ay nag-init ang buong mukha ko nang sabihin niya ‘yon kaya mabilis akong tumalikod at humiga na sa kama ko. “Humarap ka sa’kin, Calli.”

Mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko nang tawagin niya ang pangalan ko sa malambing na boses. Mariin na muna akong pumikit bago buntonghiningang umikot paharap sa kaniya.

“M-matulog ka na, maaga pa ang pasok bukas.” Wika ko ngunit nag-hum na lang siya bilang tugon sa akin. Niyakap ko ang isa kong unan at pumikit na kahit na alam kong nakatingin pa rin siya.

Huwebes pa lang ay nagpaalam na ko agad kay mama na hindi muna ako ulit makauuwi dahil may bibisitahin kami ni Aris sa Sabado, sinabi ko naman na babawi ako ng uwi sa susunod na linggo kaya pumayag din naman siya agad.

***

ALAS DOS ng hapon ang usapan namin ni Tintin kaya ala una pa lang ay naligo na ko. Pambahay lang naman ang isinuot ko dahil sa baba lang naman ang kuwarto niya.

“You seem so excited.” Puna sa akin ni Aris nang maabutan niya kong nagsusuklay. Naamoy ko naman agad ang mabangong amoy ng sabon niya dahil katatapos niya lang maligo.

Nilingon ko siya saglit bago ako sumagot. “Siyempre, first time ko mabibisita ang kuwarto ni Tin e.”

“I see. Ano ba ang gagawin natin doon?” pinunasan niya ang basa niyang buhok gamit ang tuwalya nang makaupo sa kama niya.

“May ihahanda naman siguro si Tintin para sa mga bisita niya.” kibit-balikat kong tugon. Hindi na lang din siya nagsalita kaya nagpatuloy na ko sa pag-aayos sa sarili.

Saktong alas dos ay bumaba na kami at kumatok sa pinto ni Tintin. Wala pang ilang minuto ay may  bumukas na sa pinto at bumungad dito ang nakangiting mukha niya.

“Kayo na pala iyan, tuloy kayo.” Masaya niyang wika bago nilawakan ang pagbukas sa pintuan. Nauna akong pumasok kay Aris habang siya ay nakasunod lang sa likuran ko. “Pasensya na, nagluluto pa lang kasi ako. Hindi kasi ako nakapamalengke nang maaga e,” pagpapaumanhin niya kaya nginitian ko siya.

ROOM 38 (GxG) | ONGOINGWhere stories live. Discover now