~•Chapter 40•~

121 10 0
                                    

NANG matapos na kaming kumain ay hinayaan na muna namin ang mga pinagkainan sa lamesa habang nagpapababa ng kinain. Doon na rin sinimulan nila Mama na kausapin si Aris.

"Kumusta na, Aris? Ilang taon na rin simula no'ng huli kang nakapunta rito sa bahay." panimula ni Mama habang nakangiti.

Napangiti rin si Aris. "Naging mahirap po ang process, Tita, pero kinaya naman po. Ngayon po may sarili na 'kong company at tumatanggap po ng projects sa interior designing."

"Wow! Eh... nasaan ka nitong mga nakalipas na taon? Hindi kita nababalitaan dito sa Pinas eh." muling tanong ni Mama.

"Ah, isinama po kasi ako ng Tita ko sa Spain kaya roon na rin po ako nagtayo ng company." muling tugon naman ni Aris.

"Mabuti naman at naisipan mong umuwi ng Pilipinas? Kundi, hindi kita makikilala sa personal." si Papa naman ang nagsalita.

Ngumiti si Aris at saka ako saglit na nilingon bago sumagot kay Papa.

"Balak ko na rin po kasi talagang hanapin si Calli, kailangan ko rin po kasi siyang makausap tungkol sa lahat ng mga nangyari. Kaya po noong nalaman ko na magiging magkatrabaho kami sa isang project ay pakiramdam ko sobrang swerte ko po at umaayon talaga sa amin ang panahon." hinawakan niya ang kamay ko sa ilalim ng lamesa at sinserong ngumiti sa mga magulang ko. "Hayaan niyo po sanang mahalin ko ang anak ninyo, Tito, Tita. Pangako ko po na hindi ko na siya ulit iiwan,"

Lihim akong napangiti at marahan na hinawakan ang kamay niya pabalik na naging sanhi ng paglingon niya sa akin.

Narinig ko ang pagbuntonghininga ni Papa kaya sabay kaming napalingon sa kaniya.

"Eh, may magagawa pa ba 'ko kung mahal na mahal niyo naman talaga ang isa't-isa? At saka... nakikita ko naman na masaya kayong dalawa," panimula ni Papa. "Kung saan masaya ang anak ko ay susuportahan ko siya roon." lumingon siya kay Mama na nakangiti nang makahulugan sa kaniya. "Welcome to the family, Aris. Mahalin at alagaan mo sana ang anak namin tulad ng pagmamahal at pag-aalaga namin sa kaniya." pagpapatuloy ni Papa habang nakangiti kay Aris.

Ang ngiting kanina'y may halong kaba ay napalitan ng ngiting may halong sobrang kasiyahan. Napalingon ako kay Aris ngunit nakatingin lang siya kila Mama at Papa na may sinserong ngiti sa mga labi.

"Mamahalin at aalagaan ko po siya, Tito, Tita, at tutuparin ko po ang mga binitiwan kong salita." determinadong wika ni Aris na nakapagpangiti rin kila Mama.

"Maraming salamat at bumalik ka para sa kaniya, Aris. Maraming salamat dahil ipinaliwanag mo pa rin ang lahat ng mga gumugulo sa kaniya simula no'ng nagkaroon kayo ng hindi pagkakaintindihan kahit na matagal na panahon na ang lumipas." litanya ni Mama.

Tipid na ngumiti si Aris at mas hinigpitan ang hawak sa kamay ko. "Kahit matagal na panahon po akong nawala rito sa Pilipinas, hindi po naalis sa puso't isip ko si Calli. Kaya siya po agad ang naisip ko nang magkaroon ako ng project dito,"

"Salamat sa pagmamahal sa anak namin, Aris, kaya may tiwala ako na hindi mo na ulit iiwan si Calli." wika naman ni Papa na sinang-ayunan ng aking katabi.

"Opo, Tito, makakaasa po kayo."

Tumango na lang si Papa at saka tumayo.

"Gumagabi na, ibibigay na namin sa inyo ang mga natitirang oras. Welcome ulit sa family, Aris." nakangiting wika niya.

"Thank you po, Tito. Uhm, tutulong po ako sa paghugas ng mga pinagkainan." wika ni Aris na tinanggihan ni Mama habang nakangiti.

"Ayy naku! Salamat, Aris pero huwag na. Bisita ka rito eh, hayaan mo nang kami na ni Tito mo ang gumawa."

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 29 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

ROOM 38 (GxG) | ONGOINGWhere stories live. Discover now