~•Chapter 11•~

285 18 1
                                    

NAGING magkaibigan pa rin naman kami ni Tintin at sa tingin ko ay magiging mabuti naman siyang kaibigan bukod kay Aris. Kaso nga lang ay hindi ko alam kung magkaibigan na ba kami ni Aris o roommate lang talaga, pero bahala na. Ang mahalaga ay nag-uusap kami at hindi na kagaya noong unang lipat ko rito sa dorm.

Lunch time na kaya nandito ako ngayon sa tapat ng Canteen upang hintayin si Tintin na makarating. Sinabi ko naman na kay Aris ang tungkol dito at sabi niya ay bahala raw ako, tapos sabay walk out kaya siya ang naunang pumasok sa akin kanina.

“Hi, Calli!” dinig kong tawag sa akin ng isang tinig kaya nilingon ko kung saan iyon nanggaling. Lumawak ang ngiti ko at masiglang kumaway kay Amalia nang makita ko siya kasama sina Marcus at Novalee, pero wala sina Aris at Ciela.

“Hello!” bati ko pabalik. “Sila Aris? Bakit hindi ninyo kasama?”

“Ahh susunod daw sila rito, nasa classroom pa kasi sila dahil nautusan ng isang professor namin.” Si Novalee ang sumagot.

“I see.”

“Sinong hinihintay mo?” tanong sa akin ni Amalia.

“Ahh yung kasabay ko mag-lunch, si Tintin. Pasensya na kayo ah? Eh… nahihiya na rin kasi ako sa grupo ninyo kaya hangga’t maaari ay gusto ko na sumabay sa kaniya minsan.”

“Ayos lang ‘yon, ano ka ba. Saka hindi ka na rin naman iba sa amin kaya okay lang din na sumabay ka minsan sa iba. Kaso nga lang ay mukhang hindi okay kay Ar— aray! Babe, naman!” nakangusong angil ni Marcus dahil bigla siyang kinurot sa tagiliran ni Novalee.

Kumapit naman ito sa braso ng nobyo bago nakangiting humarap sa akin.

“Pagpasensyahan mo na itong boyfriend ko, Calli, ah? Next time lalagyan ko na ng tape ang bibig nito!”

“Minsan kasi i-kiss mo na lang ako para matic na ang pagtahimik ko.” Demanding na saad ni Marcus.

“Hoy, Mccoy! Hindi mo na iginalang ang mga single dito!” pagsaway ni Amalia. “Sige na, Calli, mauna na kami sa’yo sa loob. See you around!” matamis na ngiti ang iniwan sa akin nina Amalia at Novalee, habang si Marcus ay tumango na lang sa akin. Tumango na lang din ako habang nakangiti sa kanila bago sila tuluyang pumasok sa Canteen.

Ilang minuto lang din naman ang lumipas nang sa wakas ay nakita ko na si Tintin na naglalakad palapit sa akin.

“Sorry, medyo late na kami na-dismissed ni prof e.” bungad niya sa akin.

“Ayos lang ‘yon, mas mabuti pang pumila na tayo agad para makakuha na tayo ng makakain.” Nakangiti kong tugon. Tumango naman siya at lumingkis sa braso ko.

Pumila kami sa bandang mas kaunti ang tao para mas madaling makakuha ng pagkain, nagugutom na rin kasi ako dahil hindi naman ako nag-heavy breakfast kanina at nagkape lang ako.

“Grabe, beb! Sobrang ngarag ako sa midterm last week, yung ibang prof naman this week lang nagpapa-exam.” Panimula niya nang magsimula na kaming kumain.

I chuckled. “Ganiyan din naman sa amin, grabe nga ang ginawa kong pag-review. Buti na lang talaga hindi ako nakakatulog during exam.” Naiiling kong sabi na ikinatawa niya na lang.

“Uyy! Ngayon ko lang naalalang itanong.” Nilunok niya ang nginuyang pagkain bago nagpatuloy sa pagdaldal sa akin. “Noong pumunta kayo ni Aris sa bahay napansin mo ba yung katabi kong kuwarto na bukas ang ilaw?”

Kumunot ang noo ko. “Ha? Wala naman akong napansin, mukhang wala ngang tao e.”

“Gaga wala talagang tao roon.”

“Eh bakit mo pa itinanong?” masama ang tingin na wika ko sa kaniya.

“Kasi naman akala ko si Nay Benilda yung nagbubukas ng ilaw sa kuwarto na ‘yon tuwing gabi, tinanong ko siya tapos sabi niya naman ay hindi niya rin daw nakikita na bumubukas ang ilaw roon.”

ROOM 38 (GxG) | ONGOINGWhere stories live. Discover now