5

509 21 1
                                    

One week after nang nag set nga kami ng vacation in Iloilo. This day we are going na nga.

"Nakaayos na kayo?" Tanong ko sa mag ina ko.

"Yes, ikaw na lang baka may makalimutan ka." Sabi naman ni Irene.

"Wala na, kiss mo na lang ang kulang." Sagot ko sa kanya. Mga kasambahay namin halatang kinikilig.

"Mag tigil ka." Sagot nya pero humalik naman sya sa akin.

"Mauna na po kami ha." Pag paalam nya sa mga kasambahay namin. Kasama naman namin yung tutulong samin na mag alaga kay Fonso.

"Ingat ma'am and sir! Ingat Fonso!" Pag wave nila hanggang sa maka alis kami.



Nag ferry kami para naman maiba. Manghang mangha ang anak ko sa mga nakikita niya. Higit isang araw din kami dito.

May dalawang bed ang room namin. Humiga naman agad tong si Fonso. Nag pahinga na kami nung nag start nang umalis ang barko.

"Dear, let's go to sun deck later." Sabi ko.

"Mamayang hapon para hindi masyadong mainit." Sagot naman nya sa akin.

Nang kinahapunan pumunta nga kami, sunset na naman, minsan sa ka busyhan at pagod namin hindi na namin naabutan ang sunrise kaya tuwang tuwa kami sa sunset.

Karga karga ni Irene si Alfy habang nanonood sila ng sunset kaya pinicturan ko sila sa habang nakatalikod.

Ngayon pa lang nag iisip na ako nang pang caption. Yung social media ko punong puno nang pic nila kaya nag mu mukhang fanpage na, joke!

"Ang ganda mo mommy." Rinig kong sabi ni Alfy.

See sabi sainyo sa akin nag mana yan.

"Oo nga dear. Napaka ganda mong tunay." Pag singit ko naman.

"Bolero talaga kayo noh?" Kinikilig naman sya.

Nag pa picture kami sa kasama with the sunset, buhat ko na si Alfy. Since magkamukha naman daw kami.

Nakatingala parin kaming tatlo sa sunset, nang biglang medyo lumapit sa akin si Irene. "When I was a kid I used to catch butterflies, who knows na makukuha ko sya sayo ng libre."

I laugh just to hide my blush. "Namumula ka dear?" Sabi niya sa akin.

"Hindi naman baka dahil sa init, you know mestizo thingy." Sabi ko sa kanya.

Tumawa sya, "Maniniwala na sana ako kung tirik na tirik yung araw ngayon."

"Yung pinapanood ni Fonso na Upin and Ipin, they're good when they are with together. Specially when you remove the pin..." Banat ko, hindi ko lang sure kung gets nya yun o hindi.

Wala syang reaction kaya mas natawa ako.

"Kain na tayo?" Tanong ko sa kanya.

Tumango sya "Sige tara." Pinalakad na namin si Fonso kasi nakakapagod din mag buhat.

Nang matapos namin kumain, deretso pahinga na kami.

"Daddy is bad..." Pag iyak ni Fonso.

"Ikaw kasi kung ano ano sinasabi mo." Sabi naman ni Irene habang pinapatahan ito.

Pano naman kasi kaninang pabalik kami ng kwarto may nakita akong bar area. Niloko ko sya na iinom ako, ayan nag maktol ang bata.

"No I'm not bad." Sabi ko sa kanya.

"Bad..." Pag turo nya sa akin habang pinupunasan yung luha nya.

"I'm not bad nga, come here na daddy is sorry na!" Sabi ko at umupo sa kama nya.

Hinihintay ko syang lumapit kaso mas lalong hinug si mommy nya.

"Sorry na baby." Ako na lang lumapit.

"Nooo." Sabi niya dahil yayakapin ko sana. "Go drink there." Pag maktol nya ulit.

"I'm not going to drink na." Sabi ko. Kaya napatingin siya sa akin "Promise I won't." Sabi ko at pinakita ang promise finger ko.

"Pwomise?" Tanong nya sa akin, "Yes promise." Yumakap sya sa akin.

Nakatulog naman na sya. Nasa isang kama ako habang silang mag ina nasa kabila. May separate room yung katulong para naman ma enjoy niya kahit nag ta trabaho siya.

Nang magising ako katabi ko na si Irene, kaya yinakap ko sya. Sinilip ko kung gising na si Fonso tulog pa rin naman.

Kiniss ko yung forehead ni Irene at bumulong. "Bakit ang ganda mo asawa ko?"

I heard her groaning a little. "Gising na dear, malapit na tayo." Bulong ko ulit while brushing her hair.

Hindi pa rin naman siya nagising kaya kinuha ko na yung camera para i picture yung sleeping face niya.

"Ang ganda. Ang ganda talaga." Pag titig ko sa picture.

Tumayo na ako para mag ayos ng mga gamit na kinalat ng magaling kong anak, kalahating oras na lang makakarating na kami.

Iniisip ko na buhatin na lang si Fonso kapag nakarating kami tapos hindi pa gising, may tantrums pa naman minsan ang mahal kong anak.

Nang makababa kami sa ferry, tulog pa nga si Fonso, hila hila ni Irene yung luggage, habang nasa akin naman mga backpack.

Nag taxi na kami. Iniisip ko kung mag papakita ba ako sa mga kamag anak ko dito o hindi? Joke sa last day na lang siguro.

Nag book ako ng hotel kaya dun muna kami dumeretso dahil nga maaga pa. Nagising si Fonso ng nasa taxi na kami.

Kung ano ano pinag tuturo, "Shh don't point random things." Pag saway ko sa kanya, mahirap na paniniwala yun ng mga matatanda.

"Wow!" Fonso said when we arrived at the hotel room. May kitchen area ang hotel to, kasi alam kong mahilig mag luto si Irene so I always search for a kitchen hotel when we are in vacation.

This hotel is like apartment. Maganda naman to, may balcony, garden and a pool.

Fonso is running towards every room here. Si Irene inaayos na mga gamit namin.

"Let's take a picture." Tawag ko kay Fonso. Kadalasan kasi sila lang ni Irene ang may picture sa cellphone ko.

Umupo naman sya sa tabi ko nasa sofa kami, at nag selfie selfie kami hanggang sa maumay sya.

Naalala ko yung picture nilang mag ina kahapon sa view deck ng ferry. "Swim daddy?" Sabi ni Fonso kaya lumingon ako sa kanya.

Natawa ako kasi dala dala nya yung salbabida na wala namang hangin. "Later when we are already take a rest ha." Sagot ko sa kanya.

Bumalik na tingin ko sa cellphone ko kasi nga nag iisip ako ng caption.

Sol-mates

A Sweetened LifeWhere stories live. Discover now