6

450 24 0
                                    

Nang kinahapunan dahil nga nagpahinga kami.

"Daddy, swimming." Pang uulit ni Fonso. Tinignan ko kung medyo tirik pa yung araw pero hindi naman na.

"Tell mommy." Sabi ko, syempre baka hindi pumayag mommy nya mapagalitan pa kaming dalawa.

Tumakbo sya sa kusina. "Mommy!" Pag tawag nya sa mommy nya. Pinapanood ko lang sila, since may ginagawa pa akong work.

"What is it baby?" Tanong niya sa anak namin.

Tumingin ulit ako sa laptop ko para matapos na ginagawa ko.

"Swimming! Let's swim." Pag aaya nya sa mommy nya.

"Wait lang baby ha, mommy will just cook." Sagot ni Irene nya mukhang patapos naman na sya.

Lumingon ako, nakatayo lang si Fonso sa tabi ni Irene kaya, so I chuckled.

Maya maya biglang lumapit si Fonso sa akin kaya binack ko muna yung ginagawa ko.

"Bakit?" Tanong ko sa kanya. Inabot nya yung salbabida at yung portable inflator.

Habang pinapa hingan ko yung salbabida niya, nakatingin siya sa screen ng laptop ko.

"Daddy? Mommy?" Turo nya sa wallpaper ko.

I smile at him. "Yes, when are young and we still don't have you." Sagot ko sa kanya.

"Lovely." Tumingin siya sa akin habang nakangiti.

Natawa naman ako, paano para akong nakatingin sa sarili ko toddler version.

Pumunta na sila na mag ina ko, pinauna ko na kasi may gagawin pa ako.

"Ano na Patty?" Kausap ko si Patricia.

"Wait nga lang!" Sagot naman nya sa akin.

Ang bagal naman kasi. "Ayan malapit na daw." Rinig ko na sabi ni Patty.

Pinagpa pawisan na ako dito sa labas, nang biglang may lumapit.

"Sir Gregorio po?" Tanong sa akin ng delivery man.

"Opo ako po yun. Mag kano po?" Tanong ko sa kanya, binaba ko na yung call ni Patricia.

Nang mabayaran ko na, bumalik agad ako ng kwarto namin at nilapag ang white rose bouquet. May halong ibang bulaklak na kulay pink. Maganda naman hindi siya pure white.

"Ang tagal mo? Anong ginawa mo?" Tanong ni Irene, nang makita ako.

"Ha? May ano lang." Lumunok muna ako "May meeting lang biglaan kasi." Umupo ako sa tabi niya habang pinapanood namin si Alfy.

"Meeting???" Natatawa ako kasi yung tono ng boses nya hindi talaga naniniwala.

"Oo nga dear meeting." Sabi ko pa ulit.

"Sus... Siguraduhin mo lang Gregorio ha." Hinalikan ko sya sa pisngi.

Nag hubad naman ako para nga mag swimming din. "Dear namumula ka." Sabi ni Irene.

Nasa harap nya ako hawak hawak nya yung pisngi ko. Nakababad lang kasi sa tubig yung paa nya.

"Ganyan talaga kapag gwapo." Natatawa kong sabi.

"Nag puskol ta rupam." (Ang kapal ng mukha mo) Natatawa naman nyang sabi.

"Ay apo!" Pag react ko naman

"Syempre joke lang... Pogi pogi mo kaya." Hindi ko alam kung nang uuto to o ano kaya tumawa ako at hinila pababa yung paa nya para mahulog sya sa pool.

A Sweetened LifeWhere stories live. Discover now