9

391 23 2
                                    

Isang buwan ng makalipas. Grabe ang stress ko sa trabaho ngayon. Ang daming losses at rejected na projects.

"Sorry po sir." Sabi ng isang empleyado ko. Napakunot naman ang noo,

"Paulit ulit na lang tayo sa ganito! Sabi ko ingatan at asuyin niyo ang proposal pag ganito kalaking client!" Galit kong sabi sa kanila.

"You can go now! Kahit gaano kayo katagal naka tayo jan, hindi niyo na mababalik yung kliyente!" Pag bulyaw ko sa kanila at isa isa na nga silang umalis.

Napakamot ako sa ulo at napa masahe ng noo.

Huminga ako ng malalim, busy din si Irene dahil nga sa exhibit na handle nya.

I tried to call her number but it's busy too.

Inopen ko yung drawer ng lamesa ko. Binuksan ko yung candy bago pinasok sa bunganga ko, aayusin ko na lang yung trabaho ng mga empleyado ko.

Hindi na ako magugulat kung isa sa kanila mag file ng resignation letter tomorrow, I tried to be calm as possible pero paulit ulit na lang ganito for almost week straight may nawawala kaming client.

Maya maya. Hindi na talaga kaya mawala ang stress ko. I sigh before getting the keys opening the last drawer of the table.

I pulled out the box of Marlboro red, kinapa ko naman yung lighter sa bag ko.

As soon as the end started to burn, I put it on my mouth and start to taste the great taste of it every time I'm stress.

Hindi pa man naka kalahati yung stick biglang nag bukas yung pintuan kaya akala ko si Irene.

Tinanggal ko agad yung yosi sa bunganga ko.

"Uy pre!" Sabi ni Bongbong kasama niya si Anton.

"Oh kayo pala." Sabi ko, at tinuloy ko na nga.

"Ikaw ayan ka na naman sa bisyo mo ha." Sabi ni Anton.

"Minsan lang." Sabi ko, bahala sila maka ano ng second hand smoke, mga nag si sigarilyo din yan dati.

"Minsan langgggg. Gaano kadalas ang minsan?" Bongbong said prolonging the lang

"Mga every other month." Sarcastic kong sagot.

Kinuha ni Anton yung kahon, hindi naman kasi talaga ako pala yosi simula nung nakita nga ni Irene at nung nabuntis siya.

Kumuha ng isa si Anton at naki sindi na nga "Hoy! ano ba?" Sabi ko paano hindi nag papaalam.

"Pake mo." Sabi niya.

Si Bongbong, broken ata ewan nagyaya ng shot kaya napunta dito. Kinaladkad lang daw si Anton.

"Papaalam muna ako." Sabi ko, malay ko ba kung papayagan ako o hindi.

"Kanino? Di naman ata masyadong strikto magulang mo ha?" Pang aasar ni Bongbong.

"Hindi niyo kasi gets, palibhasa wala kayong mga asawa." Sabi ko sa kanila.

Tinapos ko muna yung yosi bago tawagan ulit si Irene.

Nasagot naman nya this time, "Yes dear?" Tanong nya, naka automatic ngiti naman ako.

"Ano kasi..." Pang sisimula ko ng biglang kunin ni Bongbong yung cellphone ko.

"Hoy ading yayain ko asawa mo, inom lang kami." Pagpapaalam niya.

Pinapanood ko lang sila. "Sa bahay naman ading, kahit pumunta ka pa." Sabi ni Bongbong.

"Saang bahay ba yan?" Tanong naman ni Irene, naka loud speaker na.

"Sa bahay ko, dito lang around Makati lang din." Sabi ni manong niya.

A Sweetened LifeWhere stories live. Discover now