16

369 30 1
                                    

Isang linggo pagkatapos nang birthday ko. Ngayon sasamahan ko nga si Irene sa hospital para mag pa check up.

Delayed nga daw kasi, sabi mag PT na pero mag pa check up na lang daw muna siya.

Nanonood ako sa cellphone ko habang hinihintay siya matapos mag ayos.

"10 pinakamagandang hubog ng katawan ng babae sa buong mundo..." Sabi nang pinapanood ko kaya nag swipe down agad ako.

"Babae!?" Nagulat na sigaw ni Irene.

"Ano lang yun dear, video lang random video." Pag papaliwanag ko agad.

"Ikaw ha kung ano ano pinapanood mo." Sabi niya sa akin.

Medyo natawa naman ako. "W-Wala nga na ano lang." I even stutter while explaining.

"Paano naman napunta sa babae, kanina about sa technology lang pinapanood mo. Ngayon sa babae na." Galit niyang sabi.

Napalunok naman ako, "Wala, sa ano kasi to oh, kaya kung ano ano nalabas." Nahihirapan kong explanation.

"Ewan ko sayo." Sabi niya, this past few days di talaga maipinta ang mood ng asawa ko.

Pumunta na kaming dalawa sa hospital, iwan na lang daw muna namin si Fonso sa yaya niya.

We are just walking at the hospital, towards her OB gyne office.

We are just walking peacefully, walang nagsasalita sa amin, while hearing the normal noise of the hospital.

"Greggy?" I heard a girl called my name.

So Irene and I look at her...

Doctor Angelica...

Of course Irene doesn't know her... By the face... But she gave a big mess on our relationship at the beginning.

"Doc." I don't know if I should say her name or I should not...

"How are you Greggy it's been awhile? What a small world." A hint of sarcastic tone on her voice, she even look at Irene.

I swallowed my own saliva, "This is my wife, Irene." I introduced of course the last time she saw me, Irene and I are still dating.

"Ohh... I see. Well yeah. Good bye I guess?" She said with a smile.

"Yeah, we will go na." I turn my back, putting my hand on Irene's arm.

I act like nothing, she did not asked anything and I don't want to open up again about it. Knowing that it's still feel like fresh and messed.

We went at the OB gyne like nothing happened. Like I did not saw Angelica.

I'm watching her and the OB doing their businesses.

Nag tatanong lang siya about sa menstruation cycle, if gumagamit kami ng birth control at kung ano ano pa.

Nag full body test din si Irene, nakaupo lang ako dito nag lalaro lang sa phone. Kasi sa totoo mas kinakabahan pa ako kaysa kay Irene na mismong nag take ng test.

"Balik ka na lang for the results." The OB said.

"Sige doc, salamat." Sabi ni Irene at nag kamayan pa sila.

"Tapos na?" Tanong ko, hawak hawak ko yung jacket niya.

"Oo." Sagot naman niya, kaya tumayo ako.

"Thanks doc ha." Sabi ko, ngumiti lang siya.

Hinatid pa kami sa labas, "Ingat Irene, Greggy..." Kumaway pa.

"Anong sabi?" Tanong ko sa asawa ko.

A Sweetened LifeWhere stories live. Discover now