22

329 25 0
                                    

Nanonood kaming tatlo ng cartoons. Ewan ko kay Alfonso kung anong topak ang meron siya at makiki tulog sa kwarto namin.

"Dear pabuksan nga ng sliding door para pumasok yung simoy ng hangin." Pasuyo ni Irene.

"Wait lang." Kako kasi nga naka focus ako sa pinapanood.

Mga minuto hindi pa ako gumagalaw, nasa magandang part kasi.

"Greg... Greggy..." Tawag sa akin ni Irene, tinawag na niya ako sa pangalan ko kaya tumayo na ako.

"Eto na po dear..." Sabi ko at binuksan yung sliding door, palabas yun sa terrace ng kwarto namin.

Bumalik ako, nag ring bigla yung phone ko. Sinilip ko muna kung sino pero hindi ko na sinagot.

Maya maya tumatawag ulit, and I declined it again.

For the fifth time it rang again, "Sagutin mo na nga yan sino ba yan?" Tanong ni Irene.

I gulp, "Hello pre, Anton?" Sabi ko, bago pumunta ng terrace.

"Pre saan ka?" Tanong niya, ang ingay ng background kaya alam ko na kung nasan toh.

"Sa bahay lang pre, bakit?" Tanong ko.

"Punta ka dito..." Naputol siya, mukhang may kumuha ng phone niya.

"Si Bongbong toh, tara party party wooh." Natawa naman ako.

"Ano occasion?" Tanong ko naman, wala naman kasi may birthday sa kanila.

"Wala lang, biglaan lang..." Sagot ni Bong Bong

Sinilip ko si Irene, "Hindi ako papayagan pre." Sabi ko agad.

"Nino?" Tanong niya.

"Boss ko pre hahaha." Natatawa kong sagot.

Hinold ko muna yung call, "Dear?" Tawag ko kay Irene.

"Ay hindi." Sagot niya agad, kaya napangiti naman ako.

"Pre di talaga pwede." Sabi ko kay Bong.

"Grabe naman napaka understanding naman." Bong bong said emphasizing the under

"Sige na, panira naman oh." Sabi ko at pinatayan na sila ng tawag.

Bumalik na ako sa loob at nanood na ulit.

Natapos na yung cartoon mukhang tulog na si Alfonso kaya pinahiga ko na siya ng maayos sa gitna namin ni Irene.

"Paabot nga ng tubig." Suyo ulit ni Irene sa akin, tumayo ako. Malapit naman kasi sa akin yung lamesa.

Binigay ko sa kanya yun. Pinapanood ko lang siyang uminom ng tubig.

"Pwede ka na pumunta." Sabi niya.

"Ayoko, tinatamad din ako." Sabi ko naman.

Inabot niya sa akin yung pinag inuman niya kaya binalik ko, bago kami humiga.

Maya maya nag ring nanaman yung cellphone ko, may nasigaw pa sa labas.

"Gregggy!" Rinig ko na sigaw, nagkatinginan kami ni Irene.

"Babain mo nga! Ingay ingay!" Pag reklamo niya.

Sinagot ko yung tawag habang pababa ako, "Pre wag maingay, tulog na anak namin." Sabi ko.

Nang makalabas ako, in open ko yung gate.

"Bakit kayo nandito?" Tanong ko sa kanila, mukhang di pa naman lasing.

"Inumin mo to pre." Sabi ni Anton.

May dala dala silang tequila at shot glass.

"Tangina niyo talaga." Sabi ko, pinuno ba naman yung shot glass.

A Sweetened LifeWhere stories live. Discover now