I guess my world pause a little, "Wala... Walang namamagitan sa amin." Paninindigan ko sa kasinungalingan ko.
"Hindi ko tinatanong kung ano kayo, ang tinatanong ko kung ano siya da buhay mo." Sabi niya.
Ano nga ba siya sa akin? Napatahimik ako kasi maski ako hindi ko alam, laruan lang ba?
"Hindi mo din alam diba?" Tanong niya sa akin, "Hindi sa ganon." Pang tatama ko sa kanya.
"Maniniwala ka ba pag sinabi kong kaibigan ko lang si Jackson?" Tanong niya.
"Hindi." Sagot ko agad na may tigas pa yung word.
"Hindi din ako naniniwalang walang namamagitan sa inyo... Hindi ako naniniwalang employee lang ang tingin mo sa kanya." She said, "Wala nga kasi." Sabi ko.
"Edi wala din kami ni Jackson." Balik niya sa akin.
I sigh, finishing the bottle of beer.
"Uwi na tayo?" Tanong ko sa kanya, "Dito muna tayo, may dagat diyan sa likod samahan mo ako." She said, so we grab our things.
I ordered another bucket of beers, we're holding each other in our hands like we did not deep talk earlier, ang sarap sa pakiramdam na nashe share ko yung mga thoughts ko sa kanya. Ibang iba pa rin talaga... Pero may mga bagay na mahirap sabihin...
We sit down at the sand, the bucket of beers are in between us. "May tanong ako dear?" Malinaw niyang sabi.
"Ano yun?" Syempre tanong ko pabalik habang tanaw pa rin ang dulo ng dagat.
"Do you regret anything?" She asked.
"There are biggest regrets of mine..." Siguro yun yung pakikipagtalik ko sa iba. "It's lying to you." I whispered.
"Bakit? It's your choice tapos magre regret ka?" Tanong niya.
Tama siya, choice ko naman pero iba pa rin. "Kasi nag bago ka dahil dun."
"Hindi ka ba nagbago?" Tanong niya ulit napalingon ako sa kanya, she smile a little.
A smile that covering the sadness.
"Nag bago..." Halata naman. "Masaya ka pa rin ba?"
"Sa iyo?" Tanong niya, tumango ako dun.
"Hindi ko masabi... Hindi ko alam kung sa'yo ba ako masaya o sa kung anong meron sa atin ngayon..." She turn to look at me, "Pero dear, mas bukal sa kalooban ko at mas comfortable akong sagutin ka nang..."
"Ikaw pa rin lagi."
That voice, how calm she is... My home... This is what I'm searching for... Yung ilang buwan o ilang taon na nawala ngayon ko na lang nahanap ulit.
"Ikaw at ikaw pa rin lagi..." I heard it many times.
"Bakit ako pa rin?" Tanong ko, paulit ulit ganito ang nangyayari. Niloloko ko siya pero eto siya, ako pa rin daw.
"Kaya kitang tanggapin... Pero hindi na kita kayang baguhin." Sabi niya.
That's true, maski sarili ko hindi ko na kayang baguhin. "Piliin mo din sarili mo dear." Pagpapaalala ko.
Ako nga kaya kong piliin sarili kasiyahan ko kahit may sarili akong pamilya.
"Wala na... Naubos na din yung faith ko sa sarili ko." She answered.
"Is it because of me?" Lakas ko pang loob tanungin.
Medyo umiling siya, halata ang hesitant sa action niya. "Sa pagmamahal ko."
"What's the difference then?" I ask, She even put her head on my shoulder.
"Do you still feel the same like before?" She asked.
This time I'm staring at the star, I gulp a little. "Sometimes hindi na."
"Pero bakit nandito ka pa rin? Lalaki ka, mas madali sayong mag hangad ng hiwalayan." She asked.
Napatigil ako, hindi ko alam kung anong isasagot ko hindi ko alam kung ano ba talaga ang nararamdaman ko.
"Alam ko ikaw pa rin yung minahal ko. Mabilis ka lang mauto." She said again.
I bite my lips, looking up to stop my tears. "Maghiwalay na tayo?" Hindi ko alam kung nagaaya siya or nag tatanong.
"Kaya ko ba?" Tanong ko sa sarili ko.
"Tutal Gregorio naglolokohan na lang naman na tayo dito." She said, "At least pag naghiwalay tayo kahit sino ang ibahay mo." She added.
My brain aren't functioning anymore, "Hinihintay ko lang tong panahon na to. Ang makausap ka na walang tao sa paligid natin... Na tayo lang... Na wala tayong iniisip na mga anak natin... Yung totoong nararamdaman mo. Hindi for the sake of our children." She whispered, tears rolls on my shoulder.
"Sure ka?" Tanong ko sa kanya, hindi ako makapag decide... Hindi ko alam kung mahal ko pa siya o hindi.
"Kung sa ikakaayos natin. Masyado na tayong gumagawa ng kasalanan sa isa't isa at sa Diyos. Hindi ka ba natatakot na baka anak natin ang maka karma?" Tanong niya at lumayo para makita ako.
"Ano bang hiwalayan gusto mo?" Kung space kasi kaya kong ibigay sa kanya.
"Let's divorce." She whispered.
It made me stop, even my vision just paused staring at her with the wave of the beach and the stars that shining.
"Ayoko." Sagot ko agad nang sinabi niya iyon.
"Anong ayaw mo Greggy?" She can't believe on my answer.
"Ayokong maghiwalay tayo." I clearly said.
"Sasabihin mo mag babago ka? Wag kitang hiwalayan kasi you'll be more better? Greggy naman." I can't even realize that I'm tearing up now.
"I warned you about all the girls that hitting you, pero wala ka man lang action na ginawa. Ano bang gusto mo panoorin na lang kitang nakiki lampungan sa iba?" She asked.
Syempre, may ego at paninindigan ako... Gagamitin ko na naman sa maling side.
"Wala akong ginagawa-" hindi pa ako natapos ng sampalin niya ako.
"Alam mo. Hinihintay ko lang na makalakap ng information sa mga pinag gagawa niyo ng babae mo." Mahina pero matigas ang pagkakasabi niya.
"Wala ka na ba talagang hiya? Bumaba na ba ang standard mo kaya pinapatulan mo na rin pati ang katulong ngayon?" She said as she showed me the picture on what happened that bar and on the office before I went in La union.
"Sa bahay natin Greggy? Tangina naman." Pinipigilan niyang lumakas ang boses.
Hindi ako makapagsalita, wala eh nahuli na.
"Kakausapin ko yan. Uuwi tayo. Pag nakausap ko maski sa ayaw at gusto mo mag di divorce tayo." She stand up and walk away.
Napatitig lang muna ako, I don't even make my mind to follow her. "Irene!" Sabi ko ng ilang minuto na at ilang metro na ang layo.
"Makapag desisyon ko naman parang walang mga anak ha." Hindi ko na napigilang sabihin.
Tumigil siya at tumingin sa akin, "Mahiya ka naman. Ikaw nga dalawa na ang anak nakuha pa ring mambabae."
YOU ARE READING
A Sweetened Life
Aléatoire"The heart sees what is invisible to eyes" The quote said. It's true, the love, the adoration, the perfection, and the longings on her eyes. Does its still feel the same or it's just too early to make judgement? Siya ba ang nag bago o ako? A Gregor...