48

288 19 12
                                    

My hand started to tremble while patiently waiting for her, "Anong sasabihin ko?" Tanong ko pa sa sarili ko. Habang papalapit ng papalapit parang nawawala ako sa sarili... Hindi ko maalala yung mga gusto kong sabihin.

I sigh, "What if? Paasahin ako nun?" Tanong ko pa ulit, tinignan ko yung cellphone ko limang minuto na ang nakalipas.

Nawawala na din yung alak na ininom ko, ngayon ko lang din naalala na iisang sasakyan lang ginamit namin paano kaya umuwi yung tatlo?

Lumabas muna ako ng sasakyan and I just opened my phone again to contact them, pero may email na nag pop up sa akin.

Choose you.

From: Irene_Araneta

Hello, my dear! Today when you're reading this, I wrote it exactly year ago. Sitting in our veranda with the wind and our baby Luis in his stroller. I have so many things to tell you, a little details that happening in my life with our sons. But I guess keeping it secret between me, Alfonso and Luis will be the best.

I don't know what the future hold, but I'm hoping that if you're reading this. I'm still the one, 'cause I know even how many years have been past, I'll choose you as my husband, best friend, even brother or just a man that has a special space in my life. Alam kong darating tayo sa punto na, boring na. Na isang ngiti isang tingin kada umaga, at mawawala na yung gana at pagmamahal natin, pero wag mo sanang kalimutan na andito ako para piliin ka lagi, at sa pang habang buhay. Mapagod ka pero wag ka sumuko, hinding hindi din ako susuko.

That make me zone out a little, ganito ba to? Planado na ba to? Hindi ako sumuko Irene... Ikaw at ikaw pa rin hanggang ngayon.

"Gregorio?" A voice from behind caught my attention, hindi pa ako nakalingon agad parang ayaw kong lumingon parang gusto ko lang na marinig yung boses niya.

"Okay ka lang?" Tanong niya ulit, sa kanya lang naman ako nakakasabi ng totoong nararamdaman ko.

"Hindi."

"Bakit hindi?" Tanong niya, napatingin ako sa mga ulap. Parang dinadasal na yung mga stars na lang ang sumagot sa tanong niya.

Huminga ako ng malalim bago ko siya harapin, "Irene..." My voice crack when I saw her already crying.

"Bakit pa?" Tanong niya ulit, "Balik ka na sa akin... Please..." Pagmamakaawa ko agad dahil yun ang unang lumabas sa bibig ko.

"Hindi mo na mababago yun Greg, napakasakit ni hindi ko alam kung ano dapat ang mangibabaw kung ang pag mamahal ko sa'yo, kung maawa ba ako sa inyo o kung... mang didiri ako sa'yo." That make me stare at her.

"Greg, kahit anong paliwanag ang sasabihin mo nag loko ka alam mo sa sarili mo yan. Alam mong nag sinungaling ka pinagtaksilan mo ako Greggy." Pang uulit niya kaya nawala na yung mga gusto kong sabihin sa utak ko.

Nakatitig lang ako sa kanya habang humihikbi siya. "Give me another chance." Bulong ko.

"Ilang chance ba- Ilang chance ba bago ka mag tino?" Tanong niya ulit.

"Dear..."

"Greggy, ilang chance ang binigay ko sa'yo. I unconsciously give it to you kasi mahal kita."

"Dumating sa point na tinatanong at nag hihinala na ako sa sarili ko na, baka sa kama mo lang din ako mahal." Dagdag niya.

"Hindi naman ganon yun Irene..."

"Kapag umaalis ka ng bansa para diyan sa business trip mo, gabi gabi ako nag-iisip na baka nasa ibang kama ka na."

"Ganon na ba ako hindi pinagkakatiwalaan?" May gana ko pang tinanong.

Sinampal niya ako, "Kasalanan mo kung bakit naubos na ang tiwala ko sa'yo. Maski sarili ko hindi ko na mapagkatiwalaan." Sagot niya na kinagising ko naman.

"Kung tinawag mo lang ako para isumbat yang kamalian mo, aba gago mo naman pala talaga." She added.

Akmang aalis sana siya kaso hinawakan ko yung kamay niya para hindi siya maka alis, pagkalingon niya sa akin saktong lumuhod ako.

Hindi ko alam ang sasabihin ko kaya tinitigan ko lang siya habang hinihimas yung kamay niya, "Calm down dear." I whispered softly.

"Let's talk about it more calmly. Let's settle this with calm." I added, nakatingin siya sa akin.

Para bang tumigil yung mundo ko, walang gumagalaw bukod lang sa kamay namin na magkahawak dahil nga hinahaplos ko.

"Tumayo ka diyan, pasok tayo." Pang aaya niya pero dahil nga di ko pa maintindihan nakatulala lang ako.

"Greggy..." She called my attention again, nabitawan ko yung kamay niya at yumuko pa.

"Irene... I'm really sorry, you shouldn't treat me like this. Hindi nararapat sa akin na pakitunguhan mo ng sobrang bait." I whispered.

"Greggy naman, makinig ka naman. Gusto mo mag usap diba? Bakit hindi natin pag usapan sa loob. Ayokong may ibang nakakarinig." She suddenly soften.

Imbes na maging masaya dahil sa ganito parang mas lalo akong nag sa suffer.

"Irene..." I look up again, tumango lang siya bago ako iwan na nakaluhod.

Ilang minuto pa ata bago unti unting pumatak yung ulan, nakaluhod pa rin ako habang nag iisip. Hindi ba masyado pa siyang mabait sa lagay na yan?

I stand up, pumasok na ako habang lumalakas yung ulan. "Dito." I even jump a little.

Nasa duyan siya, "I-duyan mo ako." Utos niya. That make my tears fall, anong nangyayari?

So I did, standing on her back, slowly pushing the swing. "Mahal kita." Bulong ko.

"Kung mahal mo ako, bakit mo ginawa yun?" Tanong niya.

"Hindi ko alam." Sagot ko, kasi totoo naman. "Hindi mo alam? Pero ginusto mo?" Napalunok ako sa tanong niya, I shake my head.

"Pwede pang ayusin?" Tanong ko, "Ewan hindi na ata." Sagot niya nang tahimik.

"Kahit last chance?" Pang hirit ko pa. "Hanggang doon na lang siguro." That make me nod.

"Wala na ba talaga?" Parang di kasi ako naniniwala na wala na, "Ewan." She said.

"Pero if ever..." Hindi pa ako tapos sa sasabihin ko, "Ayoko na." Bigla niyang nasabi.

Tumigil lahat sa akin pero yung kamay ko na stick na siya sa pag duyan, "Ayaw ko na." Pang uulit niya.

I licked my lips, "Kahit kaunti?" Tanong ko, lumingon na siya sa akin. "Yung duyan nahihilo na ako..." She explained so I quickly stop it.

Napaka mixed signal naman to. Mas lalo akong nahirapan kung itutuloy ko pa ba, kung hihintayin ko pa ba, o kung wala na talaga.

A Sweetened LifeWhere stories live. Discover now