43

280 21 6
                                    

Wala pang isang araw, nakaubos ako ng kalahating pakete ng sigarilyo. "Masama na to." Sabi ko kasi mukhang na adik na naman ako.

"Si Antonio kaya? Kamusta na siya?" Naiiyak ako kasi wala man lang akong mapagsabihan ng nararamdaman ko, alam kong kasalanan ko pero may nadadama din naman ako.

Hapon na, pero hindi pa rin tumitigil yung ulan. "Babaha na." Bulong ko habang nakadungaw sa salamin para makita yung nasa baba.

Antonio

"Pre, nabalitaan ko kung nangyari sa inyo ni Irene ha. Alam mo naman nandito na lang ako para makinig sa'yo."


Binasa ko yung text niyang nareceive ko lang ngayon, tinawagan ko siya nangangailangan talaga ako ng kausap.

"Hello?" Sagot naman niya agad, "Kita tayo?" Tanong ko sa kanya habang pinapanood pa rin na mabasa ng ulan yung bintana ko.

"Sige ba, sa bahay?" Tanong niya, "Kung pwede." Malimit kong sagot sa kanya.

"Okay, punta ka dito anytime. Open lagi ang bahay ko para sa'yo." He said.

That give me hope, a little hope. I grab my things specially the cigarettes packet.


Binaybay ko yung daan kahit madulas at may mga baha na sa ibang banda. Nakalimutan ko atang nag da drive ako dahil napatitig ako sa daan, tuloy tuloy lang ako sa pag apak ng gasolina habang hawak hawak ko yung manubela na parang takot mabitawan ito.

"Greggy... Nag da drive ka." Napapikit ako bigla nang marinig ko yung boses ni Irene kaya bigla ko ding naapakan yung break.

Grabe ang kaba ko nang makita kong may track sa harapan ko, nasa gitna ako ng intersection, bumubusina na din yung mga nasa gilid at likod ko.


"Tangina ka." Bulong ko sa sarili ko bago itabi muna sa tabi yung sasakyan.

Naiiyak na lang ako dahil nanginginig yung mga kamay ko, "Shit Greggy." Napayuko na lang ako sa manubela.

"Tangina, bakit parang takot ako mamatay?" Tanong ko sa sarili ko tinignan ko yung oras pasado alas dos na.


Bumaba ako para bumili ng makakain, I saw the cup noodles. I grab the spicy flavor at babayaran na sana nang maalala ko ulit si Irene.

Napakunot noo ko, "Lahat na lang ba ng bagay maalala kita?" Tanong ko sa isip ko.

I'm savoring the fine taste of spicy noodles, sucking every strand of noodles it made my body function again. Maski yung nginig ko kanina nawala na.


Tumatawag na si Anton kaya sinagot ko, "Hmm?" Tanong ko kasi may noodles pa sa loob ng bunganga ko.

"Saan ka na?" Tanong niya, medyo natawa naman ako. "Miss mo na naman ako, ikaw ha." Pampalubag loob ko na lang para hindi ko maisip yung mga ibang bagay.

"Oo naman babe ikaw pa ba." Sagot niya kaya nabilaukan ako lumabas pa yung kinakain ko sa ilong ko.

"Anak naman ng pucha oh hahahaha!" Natatawa kong sabi bago itapon yung kinakain ko, nawalan ako ng gana.

"Hahaha! Punta ka na kasi babe." Pang aasar pa niya, napangiti na lang ako.

"Eto na on the way na babe." Pag sakay ko na lang din sa kalokohan niya.


So nag drive ako iniingatan ko na wag na naman ako ma immerse para naman makarating dun ng maayos.

The radio played a Hagibis song, i was bopping my head while tapping the steering wheel.

"Legs legs mo ay nakakasilaw..." Pag kanta ko ng medyo mahina, natawa naman ako sa sarili ko para akong nakiki party.


Pumarada na ako sa garahe nila Anton, wala nagbago na naman ang mood ko ramdam ko na naman yung sakit.

I grab my phone and the cigarette box along it. "Pare?" Pag katok ko sa pintuan niya.

"Uy gago. Pasok ka." Bungad niya sa akin, nang makita ko siya napayakap na lang ako.

Napayakap ako ng mahigpit sa kanya, he just pat my back. "Mapapag usapan yan pare." He whispered, "Okay lang umiyak ano ka ba." Sabi niya.

Dun ako humagulgol, hindi ko maintindihan tong nararamdaman ko. Hindi ko alam kung accepted na ba dahil ako naman ang gumawa ng rason or may karapatan ba ako masaktan?

"It's fine, it's fine." He continue to say.

That's phrase chanting in my mind, oo nga okay nga lang umiyak, pero magiging okay kaya lahat?

Pinaupo niya ako sa sofa, at nag serve ng tubig. "Ano bang buong nangyari?" Tanong niya.

"Love?" Biglang sulpot ni Dawn, napansin kong sinignalan siya ni Antonio na manahimik na lang muna.

"Okay lang." Bulong ko, "Walang beer?" Parang ang plain kasi ng tubig. Hindi siya nakakatuwang tignan.

"I-serve niyo nga to ng alak." Utos ni Anton sa mga kasama niya.

"Anong nangyari?" Tanong niya ulit.

"Hiwalay na kami." Sagot ko sa kanya, "Alam ko, ang tinatanong ko bakit?" Tanong niya.

"Tama ka nga." Bulong ko sa kanya, "Iba ang galawan ng babaeng yun." I whispered.

"Sino? Si Nerissa?" Nagkatinginan sila ni Dawn. "Halla! Greggy hindi ko naman sinasadya na ganon ang ibigay ko sa inyo. Akala ko kasi..." Pagpapaliwanag ni Dawn pero pinigilan ko siya.

"Kasalanan ko." Sabi ko, "Hindi naman magiging ganito pag hindi ko pinatulan." Iniinom ko na yung beer.

"Hindi naman mangyayari yung ganito pag sa simula pa lang pinigilan ko na." Dagdag ko pa, nakikinig lang sila eto lang naman ang gusto ko yung mailabas ko yung nararamdaman ko.

"Eh, kung sa tutuusin wala nga naman sa kalingkingan yun ni Irene. Napaka gago ko lang kasi, akala ko hindi malalaman."

"Lahat talaga ng lihim, nalalaman yan." Antonio said, I nodded "Oo pero masyado akong naging masaya in a short time na nakalimutan ko kung anong meron sa akin na long term, sinayang ko yun."

Nanahimik kami, iniinom ko lang yung alak gusto ko mag yosi kaso nakakahiya kay Dawn. Ramdam ko yung pagsikip ng dibdib ko, pero ang bilis ng pagtibok ng puso ko.

"Pre Cr lang ako." Sabi ko, kasi maski yung pag hinga ko hindi na din maayos.

Nag jebs muna ako, "Shit." Bulong ko sa sarili ko habang nakatapat sa salamin. Mas lalo na akong nahihirapan huminga.

I opened my cellphone, bungad yung wallpaper ko na tatlo silang mag ina ko. That hit me hard more than Irene's slap.

Lumabas ako, "Pre gusto kong ayusin yung pamilya ko." Pagmamakaawa ko kay Antonio.

"Huh?" Confuse pa siya eh, "Pare naman... Kung gusto mong ayusin pamilya mo, ayusin mo muna sarili mo." He said.

I look down kasi nahihilo ako, "Greggy?" Bigla niyang hawak sa akin kaya nakita kong may tumulong dugo galing sa akin.

"Okay lang ako." Nagawa ko pang ibulong.

A Sweetened LifeWhere stories live. Discover now