Apat na buwan nang buntis si Irene, birthday ni mama Meldy ngayon. Pupunta kami dun.
"Ano ayos ba, dear?" Tanong ko, habang inaayos niya yung neck tie ko.
"Oo pogi mo nga eh." Sagot niya sa akin, napangiti naman ako.
"Alam ko." I said and letting her fixed my clothes.
"Alfonso..." Tawag ni Irene sa anak namin.
Kinuha ko na yung regalo ko, rubber shoes lang naman. Napansin ko kasi mahilig si mama sa rubber shoes.
Inaayusan pa ni Irene si Alfonso, kaya pinicturan ko sila. Minake sure ko na kita yung baby bump ni Irene, para hindi mag tampo yung second child namin hehe.
In story ko sa social media ko syempre.
"Been thanking God for this precious gifts..."
Linagyan ko pa nang music kasi ewan uso yun eh nakikiuso naman ako
"Tara na?" Tanong ko sa kanila, pina check ko muna kung wala sila nakalimutan.
"Oo okay na." Sabi ni Irene.
Tumuloy na nga kami, nag c cellphone si Irene tapos nanonood naman sa ipad si Alfonso.
"Baka mahilo ka jan Fonso." Sabi ko, tahimik kasi.
"No I won't." Sabi niya, binayaan ko na lang.
"Ano ba to dear, pangit ko naman dito." Reklamo ni Irene, feeling ko yung sinasabi niya about sa story ko.
"Maganda ka naman jan ah, kahit anong ang gulo dear napakaganda mo." Sabi ko naman, nakatingin lang ako sa kalsada.
"Eh? Pangit nga..." Sabi niya.
"Okay lang yan, maganda nga." Pag pupumilit ko.
Nag selfie siya, kasama ako kaso nag d drive ako kaya hindi ako makatingin sa camera.
"Para naman akong driver niyo dear." Comment ko.
"Okay lang yan pogi ka naman eh." Sabi niya.
Pinabayaan ko na. Kasi totoo namang pogi ako.
Nang makarating kami, Si Manang at kuya Tommy lang nandun, ewan ko kung nasaan si Bongbong.
Si Alfonso naman tumakbo agad kila Aimee at Borgy.
"Ano kamusta buhay?" Tanong ni Kuya Tommy, naka upo lang kami sa Veranda yung mga asawa namin may ginagawa.
"It's good, syempre may Irene eh." Natatawa kong sagot.
"Mukhang buntis ah?" Tanong niya sa akin, tinaas ko lang yung kilay ko.
Naintindihan naman niya, kaya tumawa siya. "Nako bilis niyong gumawa ah."
"Kayo ba kuya?" Tanong ko.
"Ganon din hahaha!" Sagot niya sa akin.
"Oh talaga? Hahahaha!" Tawang tawa din ako.
"Si Bongbong ba?" Tanong niya.
Tinaasan ko siya nang balikat, "Ewan pero mukhang duma da moves sa pinsan ko." Sagot ko.
"Hindi pa rin sila?" Medyo nagulat niyang tanong.
"Alam mo naman ang babae, may pakipot talaga." Sagot ko habang natatawa.
Pinag chismisan pa namin si Bongbong at iba't ibang bagay about sa anak namin, nakakuha din naman ng lessons since nauna si Borgy kaisa kay Alfonso.
May nilapag na snack yung katulong sa mesa, "Masarap sana pag may beer ano?" Medyo natatawa kong pagpaparinig.
"Hoy ang aga aga ah." Nagulat ako nang nasa likod ko na pala si Irene.
YOU ARE READING
A Sweetened Life
De Todo"The heart sees what is invisible to eyes" The quote said. It's true, the love, the adoration, the perfection, and the longings on her eyes. Does its still feel the same or it's just too early to make judgement? Siya ba ang nag bago o ako? A Gregor...