Chapter 109: Hugged

6.4K 270 107
                                    

[HUGGED]

LUNA'S P. O. V

KAKAHANAP ko lang kay Kian at medyo natagalan dahil sa lawak ng gubat. Hindi ko inaakalang sobrang lawak pala ng islang 'to. Nakakaloka. At ang pinakadahilan talaga nito ay wala sa tinuro ni Elisse si Kian. Hindi ko alam kung nagsinungaling siya o sadyang umalis lang talaga si Kian sa pwestong pagkakaalam ni Elisse.

Hindi kasi ako kinakausap ni Kian. Hindi niya sinasagot ang mga tanong ko. Nakatulala lang siya. Ang dami niyang galos at sugat at ang pinakamalaki ay sa binti niya na sumabit daw nung tumakbo siya. Sa dami kong tanong, ito lang ang nakuha ko mula sa kaniya.

Sinubukan ko rin siyang itayo kaya lang hindi niya naman tinutulungan ang sarili niya hanggang sa napagod nalang ako at naubos ang kakapiranggot kong pasensya kaya naupo na rin ako.

Pagod na rin naman ako kakalakad tapos may mga sugat pa siya. Marami pa naman kaming oras at kakayanin naman ang sampung minuto bago mag alas otso pabalik sa mansyon kaya magpapahinga muna kami. Mukha rin namang wala siyang kagat ng ahas. Kanina ko pa ini-inspect ang katawan niya pero wala akong makita. Sa tingin ko, nagsinungaling lang talaga si Elisse tungkol dito.

Habang tinatakpan ko ang sugat niya ng panyong dala ko, nakatulala lang siya. Tinanong ko siya kung bakit sinabi ni Elisse na nakagat siya ng ahas kahit wala naman pero wala siyang reply.

"Gusto mo bang hintayin nalang sila kaya ayaw mong tumayo?" mahinahong tanong ko.

"I'm just tired of being left alone."

Kumunot ang noo ko at nilibot ang tingin sa paligid. Walang makakapagsabi na nandito ako. Nagbaba ako ng tingin sa kamay ko. Nandito naman ako, ha. Invisible na ba ako? Pinisil ko ang pisngi ko at naramdaman ko naman ang sakit. Napangiwi pa ako.

"What are you doing?"

Kunot-nuong nilingon ko siya at hinampas ang braso niya.

"Ouch ha!" Daing niya.

"Hindi ka naman nag-iisa, ha? Tangeks. Nandito ako kanina pa. Hindi mo lang ako pinapansin." Ngumuso ako. "Nakakatampo pero kaya ko 'to kasi strong naman akong tao. Ay—Aray ha!" Sigaw ko nang batukan niya ako kaya napayuko ako. Nag-angat ako ng tingin at inalis ang buhok sa mukha ko. Matalim ko siyang tiningnan.

"Para kang tanga," mataray niyang sabi saka ako inirapan.

Marahas akong bumuntong-hininga. "Okay, seryoso na. Sa pamilyang meron tayo, hindi uso ang pag-iisa. Pagkakaisa, oo."

"Pamilya?" Pagak siyang tumawa kaya napatingin ako sa kaniya. "Kasama pa ba ako ro'n?"

Napangiwi ako. "Oo naman! Gagang 'to!"

Mapait siyang ngumiti. "Sina Steven... Rance... At ang iba pa, galit sila sa akin. Nami-miss ko ang dating kami." Humina ang boses niya.

"Ano'ng akala mo? Ako lang naghahanap sa'yo? Swerte mo naman sa akin kung gano'n." Natawa ako. "Mahalaga ka sa kanila. Oo naman, galit sila sa'yo pero galit sila sa ginagawa mo, hindi sa'yo mismo," sabi ko na ikinataas ng isang kilay niya. 

"Echosera ka. Same lang 'yun."

Umiling kaagad ako. "Hindi, ah. Kung galit talaga sila sa'yo mismo, kahit ano'ng gawin mo, kahit pa mabuti 'yan, galit pa rin sila sa'yo."

Eh si Elisse? Galit sila sa ginagawa nito at galit din sila mismo kay Elisse.

Nananatili pa rin siyang nakatitig sa akin, still clueless.

"Look, galit sila sa'yo dahil sa ginagawa mo sa akin." Ngumuso ako. "Inaaway mo kasi ako, eh, but I know... deep down, naiintindihan ka nila. They're thinking you're being influenced and they also understand na valid naman talaga ang nararamdaman mong galit sa kuya ko at masakit para sa'yo na makita mo ang kapatid ng tumarantado sa'yo." Paliwanag ko.

DARK GANGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon