Chapter 110: Sigh of Relief

6.4K 249 47
                                    

[SIGH OF RELIEF]

LUNA'S P. O. V

NASA loob na kami ng kwarto namin habang nasa ibang kwarto sina Kian at Leo at ginagamoy na. Si Loki naman ay kasama na namin at nasa kulungan na niya. Nakapagpalit na rin kami dahil sa mga dugong nagkalat sa mga damit namin.

Nang dumating kami nina kuya Luci at ng iba pa kanina, nasa loob na ng kwarto sina Kian at Leo at ginagamot na.

Sina Tev, Vincent, ay Sander daw ang nagdala kay Leo sa kwarto habang sina Deth at Knoxx daw ay umalis para makiusap kay Panotchi. Ang pinagtataka ng lahat ay kung bakit hinayaan ni Deth na sumama si Knoxx.

Two doctors and two nurses were attending to Kian and Leo, which meant Deth had successfully convinced his father. However, they hadn't returned yet.

"Calm down, Eunice. They will be fine." Pagpapakalma ni Stella kay Eunice. Stella said, trying to soothe Eunice, whose hands were trembling. She was restless, ever since Wolf had excused himself to the restroom. Marahil ayaw niyang makita siya nito na ganito.

"Zai..." I whispered, glancing at Zai, who sat silently in the kitchen, staring into a glass. He hadn't spoken a word, and his behavior was making me uneasy. Gano'n din ang iba kaya lang hindi nila alam kung paano kakausapin si Zai. May ilang nagtangkang kumausap sa kaniya pero wala, walang nangyari.

Napatingin naman din si Stella kay Zai. Maging siya ay walang nagawa kanina kaya hinayaan niya lang muna.

Tumango si Eunice at tinapik ang kamay ni Stella. "Go to him na. He needs you more tsaka pabalik na 'yun si Wolf. I'll stop na rin. I don't want to make him worry about me."

"Here." Nagsalin ng tubig sa baso si Stella saka inabot kay Eunice. "Drink this and calm down. Everything will be alright."

Nang tanggapin na ni Eunice ang baso, agad na nagpunta si Stella kay Zai. Naupo siya sa tabi ni Zai pero hindi man lang ito nag-react. Tumayo ako at lumapit sa kanilang dalawa. Nasa gilid pala si Vincent at nakasandal sa sink habang nakatingin kay Zai kaya sa kaniya ako dumiretso.

"Natatakot ako para kay Zai," mahinang sabi niya. "I don't know how to help him at times like this. I don't even know what to say to comfort him. Ang alam ko lang ay tarantaduhin siya pero hindi ko naman 'yon p'wedeng gawin ngayon. Damn. Am I really his best friend?" Nakita ko ang pagkuyom ng kamay niya. He's worried about his best friend and upset because he doesn't know how to handle Zai's condition.

"As long as you stay and never leave him just like what you're doing right now, you're his best friend," nakangiti kong sabi habang nakatingin sa kaniya.

He smiled back but it was bitter. "Am I?"

Nakangiting tumango ako.

"Kahit wala akong magawa para sa kaniya?" Seryosong tanong niya dahilan para mapabuntong-hininga ako at tumingin kay Zai. "Kahit hindi ko man lang siya napansin na nagkakaganito noon?"

"Dahil pinili niyang itago."

"Zai." Pang-ilang tawag na ni Stella kay Zai. Mariing ipinikit ni Stella ang mga mata niya na malamang ay pinapakalma na ang sarili niya. "Zai, I'm calling you."

Tiningnan kami ni Stella bago ibalik ang tingin kay Zai. Hinawakan niya ang mga kamay nito na nakahawak sa baso dahilan para makuha niya ang atensyon nito.

"Kanina pa kita tinatawag," kalmadong sabi ni Stella nang magtama ang mga mata nila. Kinuha niya sa mga kamay nito ang baso saka hinawakan ulit ang mga kamay.

"H-hindi naman sila matutulad kina l-lola o lolo, hindi ba?" Zai's voice trembled with fear, his old wounds of loss reopening. Stella, Vincent, and I exchanged worried glances.

DARK GANGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon