Chapter Two

11.6K 267 27
                                    

Ivan's POV

At nang makalabas na ako, ay ibinagsak niya yung pinto sabay sigaw,

"AT WAG KA NANG BABALIK PA SA BAHAY OR BUHAY KO!!!!"

Hanggang ngayon pa rin pala, nakakabingi pa rin ang boses niya lalo na 'pag galit. I guess some things will never change..

Napa-sigh na lang ako.

Bakit kasi mahal ko pa rin ang Amazona kong ex-girlfriend?

Alam ko, matagal nang panahon ang lumipas, but do I have a choice? We love, we take risks. That's how this fucking life goes. Wala naman kasing mangyayari kung magiging tuod ka na lang habambuhay.

Pinulot ko na lang yung bouquet of red roses na tinapon niya kanina at napakamot sa batok.

"Ibang klase ka talaga, Cassie."

Mula noon, hanggang ngayon.. ang hirap niya pa ring suyuin! Pero, sino bang may sabing susuko na ako?

Ako yata si Ivan Jacob Rivera! Isa sa pinakamakikisig na lalaking ipinanganak dito sa Pinas! Kung pwede nga lang ilagay sa Biodata ang description na 'yan, bakit hindi? Ang lahi ko, endangered na.

So nakadepende na lang kay Cassie kung gusto niyang magpalahi...  JOKE!

Uuwi na sana ako kaya lang may nakita akong lalaki na papunta sa apartment ni Cassie. Muntik pa siyang humarang sa daanan kaya agad ko siyang napansin.

May dala siyang cake.

Hm.......eto siguro yung unggoy na ipinalit niya sakin.

Special day nila ha? Ano naman kaya ang nakita niya dito sa gagong 'to at nakamove-on pa siya sa kagwapuhan ko? Cassie even threw me out of her house! Para ano? Para makasama ang boyfriend niya?

At para bang may lightbulb na umilaw sa ulo ko.

Pinuntahan ko yung lalaki.

"Pare, sino punta mo?" Plastik akong ngumiti. Acting yata ang forte ko!

Napatigil ang kumag. He smile excitedly at me and raised the cake for emphasis,

"Ah, yung girlfriend ko. First anniversary kasi namin ngayon."

First anniversary.

Naikuyom ko na lang ang kamao ko. Parang may mabigat na bagay na nakadagan sa puso ko. Korni na kung korni! Pero tangina naman, isang taon na silang naglolokohan? Psh. Ganun ba ako kabilis mapalitan?!

Pinilit kong maging composed sa harapan ng hudas na 'to.

Tiningnan ko muna siya mula ulo hanggang paa. Black-framed glasses. Messy dark brown hair. Nakabutton-up pa siya. Maayos naman ang pagmumukha niya----mukhang tao pa naman, pero ang nakaka-insulto lang sa'kin, ang ipinalit pa sa'kin ng magaling kong ex------isang nerd.

Leche.

"Ah, si Cassandra ba? Kasi pare, pinsan niya ako! At um... Sorry to tell you this pero wala siya dito eh. Ibinilin niyang sabihin ko daw sa'yo. Balik ka na lang daw bukas." Sabi ko na lang.

Medyo nag-isip pa siya sandali bago siya tumango. "Ah, ganun ba? Pero....tsk! Sige na nga. Thanks, pare ah? Hahaha! Muntik na tuloy nasayang ang efforts ko! Bawi na lang ako sa'yo sa susunod."

At bumalik na siya sa kotse niya.

Pinanood ko siyang humarurot papalayo.

Napasmirk naman ako. Wala talagang makakapantay sa acting skills ko!

Oo, pare. Bawi ka na lang..

Tutal, BABAWIIN ko naman sa'yo ang babae ko eh.

***

Edited: 09.15.16

✔ The Day My Ex Returned [A Filipino Novel]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon