Chapter Forty-Six

1.8K 49 1
                                    

Carl's POV

Kinikilabutan ako.

"Cass, sigurado ka ba sa gagawin mo?? Pwede naman nating pag-usapan to! Marami pang pwedeng paraan baby."

Tiningnan niya ako at nag-sigh.

"Pasensya ka na mahal ko, ngunit kelangan lang talaga. Kaya ilagay mo na yan."

Tumango na lang ako at hinalikan yung pisngi niya. Nag-aalala na ako pero, inilagay ko na lang....

Yung EAR MUFFS.

Cassie's POV

Eto na siguro yung pinaka matinding hamon na haharapin ko sa buong buhay ko.

Tumingin na aketch ka Dane na mukhang ready na.

Tapos, nagdasal na muna ako bago ko kinuha yung.....

FLASH CARDS.

"Apple. Repeat after me."

"Appling!"

"Shonge!! E, itech.. I ran away."

"I was running to one way!!!"

Pakshet. Kaya ko pinagsuot ng ear muffs si babe eh. Yung nilalagay sa tenga para di makarinig?? Oo yun nga.

"Dane! Gayahin mo aketch!! I am falling in love."

"I is to loving in the fall!!"

Hays....

Kung di ko lang gagawin itech para naman magustuhan siya nung lalaking Rio yata ang name, hindi ko siya tuturuan ang tamang grammar eh.

"My name is Dane Manalo. Yan, sabihin mo yan." -ako

Kumunot noo niya.

"YOU IS NOTING DANE MANALO!! ME IS!!!"

"Gaga!! Pinapractice nga naten diba?!?!?"

"You impostored!!!"

Nasapo ko na lang yung noo ko.

Mukhang mahaba-habang turuan din itech. Kaloka.

***

✔ The Day My Ex Returned [A Filipino Novel]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon