Ivan's POV
Bwiset naman kasi! Bakit ba siya nandito?! Nandito ba siya para ipangalandakan na siya ang pinili ni Cath?!
O, e di siya na! Wala na akong pakielam sa babaeng iyon.
"You know, Ivan, wala na kami ni Cath."
Medyo nagulat naman ako sa sinabi niya. Wala na sila? Paano? At saka, kelan pa?
Tsk! MABAHO siguro breath niya kaya siya hiniwalayan ni Cath. Hahaha!
Tuwing Friday & Sunday lang yan nagtu-toothbrush eh. Hahahaha! Ang engot talaga!
Secret kung tuwing kelan naliligo si Ace. Hahaha!
I smirked. "An eye for an eye, a tooth for a tooth, Ace? Hah! Good for you."
Sumimangot naman siya.
"Well, iyong-iyo na si Catherine....siguro...itong babaeng ito, pwede nang rebound." Sabay tingin Cass.
Naningas ako.
"Subukan mo lang galawin si Cass, kakalimutan kong magkadugo tayo."
Tiningnan ko si Cassie. BAKIT NAGBA-BLUSH PA SIYA?!?!?!
Peste kang babae ka!! Di mo na nga na-appreaciate yung harana ko kanina, kinikilig ka pa sa kapatid ko?!
T***na lang, pakshet ka!!
"Hoy, Ace!"
"Bakit, Ivan? Mahalaga ba siya sayo? Sino ba siya? Girlfriend mo ba?"
Napalunok ako.
Alam ko yung takbo ng utak niyang chonggong yan. This is bad...
Sarap lang niyang PATAYIN!
Hahablutin ko na sana si Cassie sa kamay niya, pero, pareho yata kami ni Cass na nagulat nang hilahin siya papalapit ni Ace at hinalikan.
Damn.
***
BINABASA MO ANG
✔ The Day My Ex Returned [A Filipino Novel]
HumorCompleted. 05/15/2015 (10:32pm) ★Ranked #19 in Humor (09.23.16) ★Ranked #17 in Humor (09.24.16) ★Ranked #15 in Humor (09.25.16) ★Ranked #13 in Humor (09.26.16) ★Ranked #20 in Humor (09.30.16) ★Ranked #12 in Humor (10.01.16) ----- Manloloko. Babaero...