Chapter Ninety-Nine

1.1K 27 0
                                    

Cassie's POV

Pinunasan ko muna yung mga luha ko ng maigi para di mahalata ni Dane.

Tapos, dinilete ko na rin ang number ni Ivan sa phone ko.

Di lang yun, dinilete ko pati mga pictures na di niya alam na kinuhaan ko nang di siya nakatingin. Stolen shots, kumbaga.

Pagkarating ko sa may Starbucks, ay nakita ko agad si Dane.

Kumaway siya sa akin.

Umupo na ako sa may upuan sa tapat niya. "Hoy, babaita! Bakit aber?! San ka nagpunta kahapon at bigla ka na lang nawala?!" Bungad ko.

Well, same old, same old.

"EH KASI!! SI RIO, NILOKO AKO!!"

Kumunot naman yung noo ko.

"Niloko ka??? Grabe. Di ko maisip. (Sarcastic itech)."

"Oo! Alam mo bang two-timer siya?! At alam mo ba yung pinagpalit sakin?!?! Yung PANGET NA SECRETARY SA BUILDING NG FAFA IVAN MO!!!"

Si Slutty-tary Shy???

Si ateng Mhalufet?

Loading......

4%

35%

67%

Ambilis ah!

78%

99%

....

100%

Kaya naman..

"WAHAHHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA!!!! BAGAY NA BAGAY SILA KAMO! ITAGA NIYA PA SA PUTO'T KUTSINTA!! HAHAHAHA!! GRABE, BANAT LINES PA MORE NG G*GONG YON! HAHAHHAA ANCHAKA NILANG TINGNAN! YUNG ANAK NILA IN THE FUTURE, MAGIGING EINSTEIN SA ENGLISH!! HAHAHAHA CLASSIC TE!!"

Pero imbes na natawa si Dane, ay bored lang yung expression niya. Kaya naman tumigil na aketch. Ang awkward eh. "You finish?"

"Y-yeah. Anyway, BAKIT ANG TATAS MO NANG MAG-ENGLISH?!?!"

Napangiti siya.

"Kasi nang brokenhearted ako, may nakita akong flyer na lumipad sa mukha ko. Nang tiningnan ko ay isa palang English tutorial ng isang bigtime English professor! Sabi sa papel, Learn correct grammar in just 8 hours!! Kaya ayun, agad akong pumunta sa address at nagpaturo kay bebe ko!!"

Mas lalo yatang dumugo utak ko. "Bebe ko????"

Tumango siya. "Yeah!! Within 8 hours, kami na ng professor!! hihihi...sayang nga lang at may pinuntahan siya nung gabi kaya medyo bitin ako sa time namin. Huhuhu..."

Weeeeehhh!! Si DANE! May laber na ule! Hahahah pero, sana naman, di siya lokohin ng kung sino man ang laber niya ngayon.

"Nga pala!! Papunta na dito si Bebe ko! Gusto ka daw niyang makilala!!"

Kumunot ule noo ko.

"Di nga??"

"Oo nga! Ay, wait!! Ayun na siya!! Bebe ko~~~!!!"

Napalingon ako sa taong tinawag niya at. Holy sh*t lang.

Nanlalaki yung mga mata ko

SOBRA.

"A-ACE?!?!?"

***

✔ The Day My Ex Returned [A Filipino Novel]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon