Cassie's POV
Habang kumakain kami..
"U-Uhm...mga anak! Di ba parang naiipit na si Cassie dyan? P-Parang di na siya makahinga!"
Buti napansin nyo!!
"H-Hindi...okay....lang....ako...papa.."
Kinakapos na ako ng hininga! Si mama naman napangiti. Ay, sadista si madir? Haha XD
"Ace, Ivan, tama na yan! Layo naman daw kayo konti, baka mamaya mapipi na si Cass dyan!"
"Opo mama." Chorus pa nung dalawa sabay layo ng ilang inches. Haaayss! Salamat naman.
"So, kamusta na kayo ni Ivan, over the years?" -papa sabay subo ng pagkain. Napaisip ako. Wala naman po masyado bukod sa niloko niya ako sa ate ko, lumuwas ako dito sa Manila at nakahanap ng bagong love at kung kelan naman ay bumalik pa itech anakers niyo at nanggugulo. Hahaha
"Okay naman." Sagot ko na lang. Kahit na gusto kong isumbong si Ivan, alam kong di pwede eh. Leche lang. (=^=)//
Nakita kong ngumiti si Ivan.
Tsk.
"Mabuti kung ganon...so, kelan ang kasalan?" -mama (hehehe kilig)
Kahit hindi kami umiinom para kaming nasamid ni Ivan sa tanong ng mama niya.
Nanlalaki yung mga mata ko.
KASAL?!?!?! AS IN, KASAL KASALI KASALO?!?!
O MORE LIKE,
SAKAL, SAKALI, SAKA NOOOOOO!!!!!
Si Ace naman natawa. "Hahahaha! Mama, HINDI si Ivan ang pakakasalan ni Cassie...pero dont you worry, dahil magiging daughter-in-law niyo pa rin naman siya eh. Hahaha!"
Kumunot noo ko.
Wait, magiging daughter-in-law pa rin ako...kahit hindi si Ivan? Eh, sila lang naman dalawa ang magkapatid.........."HUWAT ARE YOU TALKING ABOUT?!?!?!?!"
Tumawa pa lalo si Ace. Tapos, akbay ule. =_=
Si Ivan naman, para nang papatay ng tao sa sama ng tingin nya. Huhuhu.... Kinuha niya yung bread knife sa mesa at itinutok sa braso ni Ace na nakaakbay pa rin sa akin.
He glared at Ace.
"Hoy, Ace, tatanggalin mo yang kamay mo o baka gusto mo ng Braso de Ace Rivera dito sa hapag??"
Nagbored look lang si Ace. "Tsk. Selos ka naman Ivan! Hays, kaya mas bagay sakin si Cassie eh..."
"ANONG SABI MO?!"
"Bagay kami ni Cassie. What part of what I said did you not understand, baby bro?? Tsk. And to think na pinag-aral ka pa ng parents naten."
Oh no.........
Tumayo na si Ivan, at umuusok na yung ilong niya.
"G*GO KA BA TALAGA HA?!?! ANONG GUSTO MONG PALABASIN??!"
Tumayo na rin si Ace.
"NA I'M BETTER THAN YOU AT EVERYTHING! THERE! OKAY NA?!"
Tumingin ako sa mga magulang nila na ......KUMAKAEN NG POP CORN =___=
Why, oh why?
***
BINABASA MO ANG
✔ The Day My Ex Returned [A Filipino Novel]
HumorCompleted. 05/15/2015 (10:32pm) ★Ranked #19 in Humor (09.23.16) ★Ranked #17 in Humor (09.24.16) ★Ranked #15 in Humor (09.25.16) ★Ranked #13 in Humor (09.26.16) ★Ranked #20 in Humor (09.30.16) ★Ranked #12 in Humor (10.01.16) ----- Manloloko. Babaero...