Cassie's POV
Mas lalo tuloy ako naguluhan sa sinabi ni Ace.
So....mahal ko si Ivan?
Hindi ko alam.
Ang alam ko, si Carl ang mahal ko?
Carl....tsk! May kasalanan ka pa sakin.
"Cassie, okay ka lang ba?"
Nilingon ko si Ivan na hinawakan ang kamay ko. Naglalakad kami ngayon pauwi sa apartment ko. Tinggihan ko yung alok niyang sa kotse na lang niya.
Dahil, well, gusto ko lang maglakad kami.
Parang dati.
Its a miracle na hindi nya ako tinggihan at pumayag na maglakad na lang. Kanina pa ito nagaalala sa akin at tinatanong kung may problema ba daw ako.
"A-Ah, okay lang ako. Medyo, inaalala lang yung mga bata."
Weeeeee!! Kenekeleg ne nemen aketch. Hahaha
Sasagot pa sana siya nang may ma-receive akong text. Kinabahan ako bigla.
Pagtingin ko, ang mama ni Dane.
From: Tita Astig
Cass, si Dane ok naman daw siya. Tumawag siya kanina, kelangan lang daw niya ng thinking time.
Napasmile ako.
Hahahha si tita talaga.
Kaya lang, ano na naman kayang ka-emuhan ni Dane yun?! Hays. Hayaan na nga, babalik din yun.
Tsk. Saka ko naalala, binlock ko nga pala yung number na gamit ni Carl kanina para di na ako makareceive ng text galing sa kanya.
"Cassie?"
Napatingin ako kay Ivan,
"Oh?"
Tumigil kami sa paglalakad. Lumingon siya sa may gilid namin. Isang park. Pero, as far as I remember, ito ang park kung saan ko siya sinagot noon.
"Tara, punta tayo dun.." Sabi ni Ivan.
Bago pa ako makareklamo, ay hinila na niya ako sa lugar kung saan ko siya sinagot.
Kung saan ko din siya iniyakan.
At kung saan din nagbago ang dating Cassandra Montez nang mabroken hearted.
***
BINABASA MO ANG
✔ The Day My Ex Returned [A Filipino Novel]
HumorCompleted. 05/15/2015 (10:32pm) ★Ranked #19 in Humor (09.23.16) ★Ranked #17 in Humor (09.24.16) ★Ranked #15 in Humor (09.25.16) ★Ranked #13 in Humor (09.26.16) ★Ranked #20 in Humor (09.30.16) ★Ranked #12 in Humor (10.01.16) ----- Manloloko. Babaero...